Chapter 1
Ano ba 'yan! Umagang-umaga bwiset! Ang init-init. Papilahin ba naman kami dito? Eh ang init-init nga. Flag Ceremony kasi eh. Sana sa gym nalang sila magpa Flag Ceremony hindi dito sa quadrangle.
"Hoy Cruz, umayos ka nga sa pila! Tapos, Tignan mo yung palda mo halos sumagad na sa semento. Grabe ka." pasalamat ka Lyn-Lyn bespren kita! So ayun, umayos na ako sa pila naming.
Pasalamat ako ngayon fourth year kasi section IV-Anthony parin ako. Ang first section sa limang section dito sa St. Andrews University. Yep! University, it means may Elementary, Highscool at College. Mula elementary dito na ako nag-aaral. At akalain niyo 'yun? Lagi akong nasa star section! First day ngayon at ako'y excited. Kasi nga makikita ko na ang mga kaibigan kong mas matino pa sakin. Hindi ko mawari kung pano ko sila nagging kaibigan eh? Sadyang friendly lang ako.
"Goodmorning students! Kamusta ang Vacation? Btw, Are you all excited to start an awesome year with your beloved teachers?!" panimula ni Mr. Generoso, ang Prinicipal .
So ayun nga, nagsimula na mga ka-echosan nila. May program pa, eww ang boring. Eto kami ngayon nakatayo parin mga 15 mins na ata. Okay, nakakangawit kaya! Buti na lang School Hymn na, kaya patapos na rin.
Pagkatapos ng program eh siyempre pina-akyat na kami sa designated classrooms namin! 'Yun oh! Excited na ako.
Pagkapasok na pagkapasok namin ng classroom nagpaunahan na kaming mamili kung san kami uupo. Siyempre dun ako malapit sa aircon at yung iba ko namang kaibigan gusto daw nila malapit sa bintana, malapit sa pinto, etc.
Wala pang teacher so chikahan mode muna kami!
"Demeryn (De-mi-reen)! Ano ba yan di ka parin nagbabago bespren!" Sigaw sakin ni Lyn habang papalapit.
"Makasigw ha? Parang nun Flag Ceremony lang ah. Btw, You know naman na ganito na itsura ko poreber?! Nako!"
"Ay nako ewan ko sayo. Nga pala alam mo bang may transferee this year? And I think, he's handsome. " Malanding sabi niya.
"Pano mo nalaman aber? Nakita mo na?"
"Hmm, not yet. Pero kasi , yung name parang ang gwapo eh!" sabay pakawala niya ng isnag malanding tawa. Jusko.
"Putek, kala ko naman nakita mo na siya. What's his name?" umayos ng upo muna si Lyn at huminga ng malalaim.
"Casper Stephen Constantine, oh diba? Name palang gwapo na."
"Tengene! Oo nga noh." So ayun, star-strucked kaming dalawa sa name. Pagkasabi niya nung name napatulala muna ako. Nag-iimagine kasi ako kung anong itsura eh!
Tumayo ako at nagsimulang maglakad lakad sa classroom. Iniwan kong nakatulala ang bespren ko.
Ay hephep, nagtataka kayo noh? Kasi parang girly parin ako mag-isip. Siyempre kapag pagwapuhan na ang pag-uusapan gusto ko yan! Pero di naman ako katulad ng bespren kong makakita lang ng gwapo lalandiin na niya. Grabe nga yun eh. Tinalasan ko pa talaga paningin ko sa muka ng mga kaklase ko, halos lahat kilala ko by name. Yes by name lang. Friendly ako, pero hindi sa lahat. Gulo noh? Ge. Wala namang bagong muka, late ba yung Casper? Ano ba yan! 5mins. na lang darating na siguro Adviser namin. Kaso wala pa siya, eh? Pasaway first day na first day! Tsk.
"Goodmorning Class! " nandyan na adviser namin, kailangan nang bumalik sa upuan! Ayun, siyempre alam niyo naman ginagawa ng adviser 'pag first day diba? Magpapakilala siya then kami naman din isa-isa ding nagpakilala. Kaso may isa pa talagang kulang eh! Yung Casper wala parin siya. Grabe naman siya, late na siya eh. 10 minutes late to be exact.
"Ano ba pwedeng gawin natin? Aha! Ang inyong seating arrangement. Sorry kids pero kailangan, haha. So pumila muna kayo dito sa harap at isa-isa ko kayong tatawagin para maturo ko kung saan kayo, Okay?" sabi ni Mrs. Yap
Sinunod namin si Ma'am so pumunta na kaming lahat sa harap. At isa-isang nagtawag ng pangalan si Ma'am. Alternate ang ginawa ni Ma'am Boy-Girl ba. Eh 18 ang boys namin ang girls naman 23, so it means ang swerte nung ibang girls! Kasi Gir-Girl ang mangyayari sa kanila. Madaya. Ay ako na!
"Cruz, third row. Together with Constantine." Wait Constantine? Hala! Katabi ko yung transferee leche. Pero wala parin siya. Tumingin ako sa bespren ko, ayun nakasimangot eh kasi Sison ang apelyido niya. Wala siyang magagawa di niya tala makakatabi si Casper.
Natapos na rin si Ma'am sa pag-aayos samin. Si Sison ang swerte din pala niya! Katabi niya yung bestfriend niya.
May ia-announce sana si Ma'am kaso biglang bumukas yung pinto at iniluwa nun ang isang lalaking hingal na hingal.
" You're late Mr. Constantine." inis na sabi ni Mrs. Yap. So siya pala si Casper! Hmm, gwapo nga. Hala! Tengene ang landi ko na.
"Sorry Ma'am." malungkot na tugon nito.
"Anyway, introduce yourself in class." pumunta siya sa harap at nagsalita. Confident pa nga siyang magsalita eh!
"Hello, I'm Casper Stephen Constantine. Transferee. " sabay alis sa harap. Tinuro naman ni Ma'am kung saan siya uupo. Pagkaupo niya, tinignan niya ako. Parang inis pa nga siya tumingin sakin eh. Ano ba itsura ko? Ay onga pala. Di ako mukang babae tignan. Nakapusod ang buhok, medyo maputi, at paldang konti nalang sayad na! Para di ako mainis eh mag he-hello na lang ako.
"Hello Casp-" Di ko naituloy kasi bigla siyang nagsalita.
"Don't call me Casper, di tayo close. Stephen nalang." Sinabi niya 'yon ng walang eye contact sakin! Grabe. "Ah ganon? So..Stephen. Yabang ah porket di close bawal tawaging Casper, arte! "
"May sinabi ka?" tanong niya sakin.
"Wala." ang taray, putek. Para hindi masira ang araw ko sa isang 'to. 'Di ko na siya kinausap. Salita lang ng salita si Ma'am sa harap. Muntik na nga ako makatulog eh? Tch.
"Btw Demeryn, Be Constantine's guide here in school. Alam mo namang transferee siya at wala siyang alam sa pasikot-sikot dito."
"What?!" Sabay naming sabi ni Sunget. Oo sunget kasi masungit siya!
WTF.
--------------------
(A/N : ANO OKAY BA ANG CHAPTER 1? Pagtiyagaan niyo na! Hahahaha. Nga pala, Comment naman kayo oh? At kung nagustuhan niyo ang Chapter na ito, Vote na kayo! Mehehe. )

BINABASA MO ANG
You Changed Me.
Roman pour AdolescentsSabi nga nila, "Pain makes people change." Pero para sakin hindi dahil sa nasaktan ako kaya ako nagbago pero kasi... "Kailangan para matauhan."