‘Di parin talaga ako makaget-over sa sinabi ni Ma’am kanina. Malapit na magrecess at ako’y ‘di makapagconcentrate. Wth kasi diba?! Tsaka alam niyo na 'pag recess, siyempre ituturo ko sa sunget na yun kung saan! Naging tour guide pa’ko. Grabe ha. Porket non-conformist na’ko tatratuhin nila kong ganito? Ajuuu.
Sana 'di na mag-recess at lunch. Okay lang na magutom ako kesa naman samahan ko yang sunget na yan. Mamamatay muna ako sa gutom bago ko i-tour yan. Siguro sinasabi niyo pwede naman akong tumanggi pero ba’t ‘di ko ginawa? Kaso nga eto yung nangyari oh.
FLASHBACK
“What?!“ Sabay naming sabi ni Sunget. Oo sunget kasi masungit siya!
“May problema ba Mr? Ms?“ tanong ni Ma’am samin.
“Ma’am pwede po bang tumanggi Ma’am ? Kaya naman po niya yun eh. Diba?“ sabay tingin ko kay Sunget.
“It’s Okay for me Ma’am. Tama po kayo di ko po alam ang pasikot-sikto dito sa school.“ tumngin siya sakin at nagsmirk! Omg, this deymn man.
“But Ma’am!“ pagtatanggi ko talaga.
“No but’s, unless you want a direct minus 5 on your average this first quarter?“ hala! Pati ba naman yun. Okay no choice!
Tumingin si Sunget sakin ng nakangiti. Hindi ngiting pang Miss Universe eh, ngiti na parang may balak!
END OF FLASHBACK
Oyan alam niyo na? Grabe kasi yang lalaki na iyan. Kung iligaw ko kaya yan? Bwahahahaha. *grin* ‘Di jokelang mamaya isumbong pa’ko niyan kay Ma’am mamaya mabawasan pa grade ko. Running for honors din naman ako noh! Last year ako ang 2nd Honor noh. Proud ako aba! Kahit ganito ako may utak ako noh.
*KRINGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!*
Omg! Recess na! Tumayo kagad ako at pinuntahan ko si Lyn hinigit ko kagad siya palabas ng classroom at tumakbo. Kaso nagulat kami nung may humawak sa balikat ko eh so lumingon kami, were shocked! Kasi si...Constantine nahabol kami. Ajuuuuu! Lord help me please.
“Tinatakbuhan mo ba’ko?“ masungit na sabi ni Sunget.
“Hindi noh, at bawal na bang tumakbo? Gutom kami! Kaya pwede ba!“ maglalakad na sana kami ni Lyn kaso nagsalita siya.
“‘Di ko alam yung canteen eh...” Bigla siyang nagdrama, hala! Lumungkot yung muka.
“Bes samahan na natin siya! Nakakaawa oh. “ Sabi ni Lyn. Sows! Kung alam ko lang, gusto mo lang makasabay si Sunget eh.
“I don’t freakin’ care! Go with yourself. Ayokong ituro sa’yo, magutom ka bahala ka.“ Iritadong sabi ko.
“ Kung isumbong kaya kita kay Ma’am? “ Haluhh!
"Tch! OKAY! PUTEK KA! HMP!!" kung pwede lang may usok na lumabas sa ilong ko. Dahil sa pagsigaw ko lahat tuloy napatinign samin. Yung iba natakot yung iba naman nagbulong-bulungan.The heck!?
Padabog akong umalis at naglakad. Alam ko namang susundan niya kami eh! Kinakalabit nga ako ni Lyn eh, kinukumbinse niya akong kumalma. Argh. Pesteng araw toh! First day na first day. Badtrip. Nang makarating kami sa canteen. Humarap kami kay Sunget.
“Hoy! Eto ang canteen ha? Baka pagkamalan mong park eh. Tch. Bumili ka na ng pagkain mo. Bye.“ at dun eh hinigit ko na si Lyn para kami ay makakain na, putek gutom na talaga ako!
Pumila na kami para makapag-order. Nang maka-order naghanap kami ng mauupuan. Tawa nang tawa sakin si Lyn. Mun’tanga.
“Shet lang. Makatawa ha? Pasakan ko ng burger yang bibig mo eh.“ sabay irap ko sakanya. Nakakabanas yung pagmumukha niya pag tumatawa.
“ Wow! Ang harsh mo bes ha. Pero kasi nakakatawa ka talaga. Init ng ulo mo e. “
“ Eh tae kase! Sinong di maiinis dun?! Pft. “
“ Gwapo naman. “
“ Mayabang, Masungit. “ Dagdag ko sa sinabi niya.
Then nagulat ako kasi biglang may tumabi sakin. Sisigawan ko na sana nang takpan niya nag bibig ko. At nagsalita siya.
“ Calm down. Wala akong maupuan kaya. “ Sambit ni Constantine.
Sa sobrnag inis ko! Lumamon na lang ako ng pagkaing binili ko, grabe para tuloy akong PG. Hmp! Lord help me. Ajujuju! \(-O-)/ Pinabayaan ko nalang si Sunget na kumain at sumunod samin papuntang classroom. Nung malapit na kami sa classroom inunahan niya kami kaya tinawag ko siya.
“Hoy!“
“May pangalan ako.“
“Wow, sunget ha? Wala man lang thank you.“
“Tss. Salamat ha? Salamat sa pag-guide. O ayan ayos na? Psh.“
“Potassium.“
“Makapagmura ha?“
“Potassium = K. , Baka!“
(A/N: Baka = Idiot)
Inunahan naman namin siya. Kasi parang di parin niya gets yung sinabi ko. Slow niya, pagong ata ulam nun kagabi eh. Haynako! Ang sunget sunget, mas masunget pa siya sa kesa sa babae noh? Kairita. Tss,ba’t ko ba iniisip yun. Nako I don’t even care kung masungit siya. Ang weird niya.
---------------------------------------
( A/N : Omg omg! KKKKKKKKKKK. HAHAHAHAHA. Alam kong ang corny ko dun sa Potassium thingy. LOL! Comment kayo ha? Vote vote vote! :D )
BINABASA MO ANG
You Changed Me.
Teen FictionSabi nga nila, "Pain makes people change." Pero para sakin hindi dahil sa nasaktan ako kaya ako nagbago pero kasi... "Kailangan para matauhan."