Chapter 26

122 4 2
                                    

 Dedicated kay Ate Max! Kasi grabe inspired na inspired ako sa story niyang HIH! (Number ZERO fun here. Hoho!) Labyu ate Max! Mehe.

Malapit na mag 1,500 reads.

YEHEY. ^____^

Chapter 26

DEME'S POV

"Pakyu ka Casper!" sigaw ko sakanya habang papalapit siya sakin.

"Oo na alam kong gwapo ako. *smirk*" sabi niya habang nakatingin ng deretso sa akin.

"Tss." nasabi ko nalang eh kasi natawa naman ako sa sinabi niya, maloko talaga haha.

"Pero seryoso, pakisagot na yung tanong nila kanina hehe." sabay hawak sa batok niya na kala mo ay nahihiya at naghihintay talaga sa sagot ko.

"Ayoko..." deretsahang sagot ko sakanya na ikinalaki ng mata niya at parang naluluha na. 

"A-ah ganun b-ba o-okay kung yan a-ang--" Pft. magdadrama pa eh! Hindi pa nga ako tapos magsalita. Kaya nagsalita na kao kagad bago pa umiyak ang napakagwapong lalaki na nasa harap ko.

"Ayokong humindi dahil magsisisi lang ako pag tinanggihan pa kita. Kaya.... Yes." matapos kong magsalita ay napa-angat ang ulo niya at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Ngumiti lang ako sakanya ng napakalapad. Bigla niya akong niyakap at nagsalita habang garalgal na ang boses.

"You...you don't know how happy I am today. I might be an imperfect boyfriend for you but I promise, I won't let you go no matter what happens. I love you. Thank you so much." lalong lumakas ang kabog ng puso ko sa sinabi niya at siyempre lalo akong kinilig.

----------

Matapos ang napakadramang eksena namin sa canteen ay kumain na kami. Habang kumakain kami maraming dumadaan sa gilid namin at hihinto sabay sabi ng "Goodluck po sa inyong dalawa."  Ginagantihan lamang namin sila ng ngiti o kaya naman minsan ay nagpapasalamat kami.

Grabe angs ayang nararamdaman ko ngayon. Ewan ko ba....mahal ko na ba si Casper? Para kasing naguguluhan pa ako, pero sigurado akong gusto ko na siya. Hindi nga lang talaga ako sigurado sa nararamdaman ko kung gusto ko lang ba siya o mahal ko na ba. Ang hirap...pero sana sa susunod na mga araw malaman ko rin ang sagot sa katanungan ko para naman sigurado na talaga ako sa nararamdaman ko. 

"Uhm..bakit?" nakangiti niyang tanong sakin, hindi ko napansin habang nag-iisip ako nakatitig na pala ako sakanya.

"Wala..hindi lang talaga ako makapaniwala hehe." sagot ko sakanya habang nagkukunyaring natatawa talaga.

"Bakit naman hindi ka makapaniwala?" medyo natatawa niyang tanong sakin.

"Eh kasi sinagot pala kita? Akalain mo yun." sagot ko at ipinagpatuloy ang pag kain ko. Pero napahinto ako kasi naramdaman kong nakatingin siya sakin. Tinignan ko ang muka niya, grabe magda-drama nanaman! Hahahahahaha. Sarap talaga lokohin nito.

"Joke lang, ikaw kamo hinid makasakay sa mga trip ko noh? Hanep." sabi ko pa habang natatawa. Medyo natatawa na din naman siya kasi nagets na niya ang sinasabi ko na joke lang yung kanina.

"Epal mo talagaaaa!" bulong niya saka hinawakan ang pisngi ko at kinurot ito.

"Awchh! Ene be! Betewen me pesnge ke! Epel ke den e!!!!" ingit ko kasi masakit talaga siyang mangpisil ng pisngi. Sino kayang mas epal samin diba? Sakit sakit ng ginawa niya, argh epal.

"Hahahaha! Yan dahil dyan! Dahil sa ganyang muka na yan na inis na inis kaya ako nainlove sayo hahahahahaha joke lang mwahahaha!" sabi niya sakin na tuloy parin sa pag tawa tss. Epal epal!

*KRINGGGGGGGGGGGGGGGGGGG*

Yes! Buti nalang time na at nang matapos na sa pang-aasar ang nasa tapat ko. Mabilis akong tumayo at naglakad papalabas ng canteen. Binilisan ko ang lakad kaso hindi pala sapat yun at nahabol parin ako ni Casp. Nilingon ko siya at ngingiti naman siyang tumingin sakin. Kinuha niya ang kamay pero agad kong binawi.

"Bawal PDA, wag makulet."

Parang pinagbagsakan naman ng langit at lupa yung muka niya. Eh sa bawal naman talaga ang PDA e! Kung pwede nga lang mag HHWW edi sana pumayag na ako? Joke! Leche.

Pagkapasok namin sa room halos lahat ng tingin ng mga kaklase namin ay mapang-asar. Hanggang sa nag-sigawan na sila.

"WOOOOH! YAN NA ANG COUPLE OF THE DAY!"

"SWEEEEEET OH!"

"SHET DALAGA NA ULIT SI DEME!"

Yamot akong napaupo sa upuan ko dahil sa huling nairnig ko. Tss. 'ulit'? Leche! Paki ba nila kung ngayon lang ulit ako naging ganito? Buti nalang talaga pumasok na ang next teacher namin na naging dahilan para tumahimik ang lahat pero may maririnig ka pairn siyempreng bulungan. Hindi ba sila marunong tumahimik. -____-

Nagsimula nang maglesson ang teacher namin kaya nakinig na lang ako.

-----------

Natapos ana nag klase at uwian na. Naglalakad na kami ni Casper papalabas ng school. Nagkekwentuhan lang kami ng may biglaang nagtext sakanya. Huminto siya sa paglalakad, ako naman ay tnignan lang ang ginagawa niya. Pero siyempre hindi ko sinilip yung text! HIndi namana ko ganung 'girlfriend' noh.

Nagsimula na ulit kaming maglakad. Nang marating namin ang kanto ay nagsalita siya.

"Hanggang dito nalang pala  kita maihahatid ha? may pupuntahan pa pala ako. Inutusan kasi ako ni Mama eh." medyo malungkot niyang sabi.

"Ah ganun, sige sige."

"Sorry ah? Grabe kanina lang naging tayo tas hindi kagad kita maihahatid? Grabe sama ko." inis niyang daing kaya hinawakan ko ang pisngi niya at nagsalita.

"Okay lang ano ka ba! Sige na umalis ka na. Drama mo haha leche." matawa-tawa kong sabi sakanya sabay tanggal ng kamay ko sa pisngi niya.

BIgla siya lumapit sakin as in sobrang lapit kaya naman medyo napaatras pa ako. Ang lapit ba naman kasi ng muka sakin eh! Matagal niya akong tinitigan sa mata at marahang hinalikan sa noo. Mabilis niya lang ginawa iyon pero parang loading pairn sa utak ko ang ginawa niya. 'Tengene ganito ba kaslow ang isip ko ngayon?' Medyo nagising lang ang diwa ko nung nairnig ko siyang tumawa.

"Grabe sa noo lang yun ha. Pero parang hindi ka na makahinga diyan! Uso huminga huy!" asar niya sakin. Kaya naman bigla kong sinuntok ang braso niya.

"Aray!" daing niya.

"Gagsti ka ah lumayas ka na nga sa harap ko." inis kong sabi sakanya pero parang hindi parin tumalab ang pagkainis ko saknya kasi medyo nagpipigil parin siya ng tawa. Tae, sungalngalin ko kaya ito? Tss.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman itinaas na niya ang kanyang dalawang kamay na para bang sumusuko at nagsalita.

"Oo na titigil na, bye I love you." sabay hawak sa buhok ko at ginulo ito. Tinapik ko pa ang kamay niyang nasa ulo ko at tuluyan na siyang umalis. 

Napapangiti nalang ako habang naglalakad. Hindi ko talaga inaasahan ang mag nangyari ngayon. Ibang-iba sa mga nangyari dati. Sobra.

Dumiretso nalang ako pauwi samin dahil gusto ko pang pakasalan ang kama ko. Inaantok na ako eh! Haha. Pagkauwi ko medyo naweirduhan pa si Mommy kasi daw nakangiti daw akong umuwi ngayon. Ibang-iba sa dati kong pag-uwi na laging nakabusangot. Nginitian ko lang si Mommy at hinalikan siya sa pisngi. Umakyat na ako sa kwarto ko at hiniga ang katawan ko sa kama. Grabe antok na antok ako.

**************

(A/N: Okay ba update ko ngayon? Sorry kung na-late ulit, pasaway aketch.)

You Changed Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon