Chapter 30
"Doon mo lagay yung hearts." sigaw ko kay Dave.
Mamaya na yung event, so eto kami medyo nagmamadali na sa pag-aayos. Gahol kasi eh, dalawang araw lang. Walang patawad! Kainis. Pero buti nalang lahat kami ay tumutulong kaya eto masaya kami na patapos na.
"Eto tama na ba?" sabay pahid sa pawis na tumulo sa noo niya.
"Ayan tama na! Ganda." sigaw ko naman sakanya pabalik.
Maayos na ang booth kaya iiwan ko muna sa mga kasama ko. "Uy may pupuntahan lang ako ah!" sabay labas ko ng booth para hanapin si Lyn. May papakiusap sana ako sakanya eh. Kaso heto naman siya, MIA.
"Nasan na kayo?" bulong ko. Nakakahilo na kasi eh kanina pa kao paikot-ikot dito sa quadrangle pero hindi ko parin siya makita.
"Sino?"
"Ay leche!" bigla akong napahawak sa dibdib ko kasi dapat babalik na ako sa booth kaso paglingon ko nagulat ako sa muka nitong nasa harap ko.
"Easy! Sino bang hinahanap mo?" tanong niya sakin habang patingin-tingin pa sa likod ko.
"Si Lyn, Casp help mo ko hanapin siya. Putcha kung saan-saan nagsususuot yung babaeng yun!" inis kong sabi habang medyo sinasabunutan ang sarili ko. Naiinis na talaga kasi ako, kapagod maghanap ng nawawalang tao eh.
Hinawakan niya nag dalawang kamay ko na pinansasabunot ko at nagsalita "Haynako, wag ka na ngang magmura atsaka ang ganda mong babae sinasabunutan mo sarili mo." sabay ngiti.
"Tsssss. Tigilan mo nga ako sa mga ganyan mo kinikilig ako!" singhal ko sabay talikod at naglakad na. Humabol naman siya at sinabayan ako sa paglalakad.
"Hindi mo naman sinabi edi sana niyakap nalang kita agad? Haha." sabahay hawak sa buhok niya at humarap sakin habang ngumingiti.
Naku po! Paano namin mahahnap si Lyn nito kung nilalandi ako ni Casper? Hahaha. Baka kiligin ako at kalimutan kong hinahanap si Lyn. Bwisit! Pero effective ang pagpapakilig niya ha. Infairness. Pero hindi, wrong timing eh! Dapat mamaya nalang. AY LECHE SANDALI LANG!
"Hoy nakalimot ka ata?" sabi ko ng hindi tumitingin sakanya.
"Ha?" tanong niya pabalik sakin. Seriously, nakalimutan ba niya?! Tang na juice.
Sa sobrnag nis ko huminto ako sa paglalakad at tumingin sakanya sabay sabing "BAHALA KA SA BUHAY MO LECHE!" sabay takbo ng mabilis. Nakakainis.
------
Pagbalik ko sa booth pinagtitingnan ako ng mga kaklase ko. At lahat sila iisa lang tanong sakin. 'Bakit ganyan muka mo?'
Umiiling nalanga ko bilang sagot. Baka sa booth pa ako magwala. Ay, alam niyo na ba kung bakit ako nagwawala? Ikaw ba naman ay may boyfriend na nakakalimot ng Monthsary niyo eh, hindi ka kaya magalit? Putcha first palang ito ah. Paano kung Anniversary na? Matandaan pa kaya niya?
"Uy Deme!" lumingon ako sa tumawag sakin. Thanks God nandito narin siya!
"Saan ka galing!? Kanina pa kita hinahanap." sabay irap ko sakanya.
"Hehe. Peace! Sa booth ni boyfie. Hehehe. Bakit ba? Hanap mo daw ako sabi ni Casper." sabi niya habang pinapaypayan ang sarili.
"Psh. Papakuha ko lang sana yung naiwan kong regalo sa bahay. Speaking of Casper, yang lecheng Casper na yan. Nakalimutan niya ata na monthsary namin ngayon."
![](https://img.wattpad.com/cover/2321455-288-k824546.jpg)
BINABASA MO ANG
You Changed Me.
Novela JuvenilSabi nga nila, "Pain makes people change." Pero para sakin hindi dahil sa nasaktan ako kaya ako nagbago pero kasi... "Kailangan para matauhan."