Chapter 32

64 4 2
                                    

Chapter 32

"Sigurado ka ba dito Deme?" pangatlong ulit na tanong sakin ni Lyn. Naririndi na ako promise. Kanina niya pa sakin yan tinatanong. Alam kong concerned siya sakin pero kasi paulit-ulit naman. Eh iisa lang din naman sagot ko sakanya at yun ay oo.

"Oo naman. Para sakanya. Sige best ako na magpeperform." sabay tapik sa balikat niya at pumunta na sa stage.

Pagkatapak ko sa stage siya kaagad nag hinanap ko. Gusto ko kapag kumanta ako, nakikinig siya. Hindi yung nagda-drama kao dito 'tas hindi naman pala siya nakikinig man lang. Inilibot ko pa ang tingin ko. Alam kong muka akong tanga dito sa stage dahil hindi parin ako nagsisimula. Lahat ng tao nagbubulungan na pero wala akong pake. Kailangan mahanap--Ayun. Nakita ko na siya. Sa gilid siya nakaupo, nakatitig sakin. Mukang kailangan ko nang simulan.

(A/N: Please play the video ----->)

"I love the way it feels when you touch my hand

Don't wanna let you go

I love the way you say that I am your girl

Don't understand why we can't go on and go on

Don't understand why you don't belong in my arms ohh"

Habang sinasabi ko ang bawat linya ay nakatitig ako sakanya. I want him to feel every line that I am saying. I want him to know that I ain't happy with what we are now. And also, I want him to know that I still.....love him. Pinilit kong hindi maiyak. Gusto ko maayos ang pagkanta ko. Ayaw kong mapahiya sa kanila, lalo na sa kanya.

"And even If I cry a thousand tears tonight

Would you come back to me?

And even If I walked on the water

Would you come out to see?

Now I can't spend my life standing by

'Cause even when I miss you, you're still not missing--"

Napahinto ako. Hindi ko naituloy yung sasabihin ko. Bigla kasi siya tumayo at naglakad palabas. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan ko siyang sundan. Kaya naman binitawan ko ang gitara at tumakbo palabas ng gym. Medyo nakakalayo na siya. Kaya naman sumigaw ako.

"Casper wait lang!" sigaw ko sakanya kaso hindi parin siya huminto.

Binilisan ko pa ang takbo ko. Kailangan maabutan ko siya. Sumigaw ulit ako.

"Putcha Casper sandali lang pwede!?" buong lakas kong sigaw na naging dahilan para huminto siya. Lumapit ako sakanya.

"Casper..." sabay hawak ko sa kamay niya kaso iniwas niya lang.

"Masyado kang papansin Deme! May pakanta-kanta ka pa! Nakakahiya ka. Ang laki mo namang tanga. Ano bang kailngan mo!?" matigas niyang tanong sakin.

"Pwede bang..tayo nalang ulit? Please?" pigil iyak kong tanong sakanya. Alam kong katangahan ang pakikipagbalikan s ataong niloko ka lang. Pero kasi...mahal ko siya. Hindi ko kaya ng wala siya.

"Tae. Niloko kita okay? Hindi pa ba sapat yun para hindi ka na makipagbalikan sakin?!" sigaw niya sakin. Pero siyempre hindi parin ako natinag nun. Ipagpipilitan ko parin kahit muka na akong tanga.

"Okay lang Casper..basta wag mo lang akong iwan...hindi ko kaya.." hindi ko na kaya pang pigilan at naiyak na ako. Hinawakan ko ang kamay niya at lumuhod.

"Please...please..Casper tayo nalang ulit..." sabay yuko ko. Napa-angat naman ang ulo ko noong iwinaksi niya mga kamay kong nakahawak sa kamay niya.

"Wag ka ngang tanga Deme! Hindi kita mahal. Walang tayo. Tapos.'' pagkatapos niyang sabihin yun ay tumalikod na siya sakin at naglakad na. Tumayo naman ako at sumigaw.

"Tanga na kung tanga Casper! Pero mahal kita! Akala ko ba forever tayo?"

Napahinto siya. Sumigaw din siya.

"Walang forever, Deme. Yan ang isaksak mo sa utak mo." at tuluyan na siyng nawala sa paningin ko. Ewan ko pero para bang gusto ko na mamatay. Ang sakit sakit. Bakit ba ganito? Minahal ko naman siya ah.. Ano bang mali sakin?

---

"Hi babe." sabay kindat ko kay Steve, boyfriend ko.

"Hello babe." sabi niya pabalik habang naka-akbay.

"Gwapo ah?" sabay pakawala ng malanding tawa.

"Siyempre babe. I like your skirt babe ha, sobrang ikli ata ngayon?" pinalo niya ng bahagya ang legs ko,nilingon ko siya at tumawa lang bilang sagot sa sinabi niya.

Make-up? Check. Maikling skirt? Check. Boyfriend? Check.

Pagkalipas ng dalawang buwan. Pinangako ko sa sarili ko na magiging iba na ulit ako. Pero hindi katulad nung dati, ang gusto ko ay yung sasambahin ako ng iba. Gusto ko lahat ng lalaki mahulog sa kagandahang taglay ko. Ang totoo niyan si Steve ay pang-apat sa listahan ng mga boyfriend ko. Oo, mga, kasi madami sila. Anim sila to be exact, Malandi ba tignan? Hell yeah malandi na kung malandi atleast may nagpapahalaga sakin.

Alam ni Lyn lahat ng pinaggaga-gawa ko sa sarili ko. At kinakamuhian niya ako. Hindi na niya daw ako kilala. Dahil lang daw sa isang lalaki nagkaganito na ako. Putcha, bakit naranasan na ba niyang masaktan!? Wala siyang pake. Wala akong pake.

~

(A/N: Lame update, sorry xx)

You Changed Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon