Chapter 24
"GO RED TEAAAM!!" Sigaw namin. P.E time nga pala namin. Naglalaro kami ng football. Galing galing ng boys namin!
Hindi kami magkateam ni Casp, yellow team siya eh. Okay lang yun para hindi naman buong araw siya kasama ko! Kulang nalang idikit kaming dalawa eh. Siya may kagustuhan na magkasama kami palagi. Nagdidiwang naman ako na hindi ko siya kagrupo hoho.
"YEHEYYYYYYY!!!!!" sigaw ng mga kagrupo ko. Nanalo nanaman kami! Ang premyo pa naman plus 10 sa quiz namin sa monday. Saya saya! Walang babagsak sa mga kagrupo ko.
Sinabihan na kami ng P.E. teacher namin na magpalit na ng damit so dumiretso muna kami sa shower room. Oo meron kaming shower room dito at siyempre hiwalay ang babae sa lalaki no!
Nauna na akong tumungo sa shower room para mauna na rin ako umuwi mwahaha. Last subject na kasi namin ang Mapeh. Iiwan ko si Casper, joke. Gusto ko lang talaga maunang magshower para hindi maingay. Pag marami na kasi kami ang iingay nila! Puro daldalan, ang pagkakaalam ko nga eh shower room yun hindi lugar para makipagchismisan.
---------
"Gusto mo mag-McDo muna tayo?" tanong sakin ni Casper habang pinupunasan niya ang basa niyang buhok. Nandito na rin kami sa classroom, lahat kami tapos na magshower at nagpapatuyo nalang ng buhok.
"Kung gusto mo, sige." sagot ko sakanya habang inaayos ko ang gamit ko.
"Ah okay!" masaya niyang sabi sakin.
"Uy sama ako sainyo!" singit ni Lyn na nakapout pa! Aba ngayon lang ulit sasabay samin ito ah. Halos dalawang linggo na rin kasi siyang hindi sumasabay samin...sakin. Last na sabay niya sakin nung nagkaroon ng laban sa kabilang school.
Lumapit naman ako sakanya at nagsalita. "Himala ata? Ha?" tanong ko sakanya na may pataas-taas pa ng kilay ko. Si Casper naman tinitignan lang siya ng may pagtataka sa muka.
"Eh...magkagalit kasi kami ni Macky eh." nahihiya niyang sabi sakin. Kaya naman pala napansin ko din buong araw na ito balisa siya. Hindi masyadong masaya.
"Tss. Kung magbati muna kayo?" suggest ko sakanya.
"Ayoko nga! Siya naman may kasalanan eh." inis niyang sabi sakin.
"Kahit sino pa ang may kasalanan dapat ang pag-aaway hindi pinapalampas ng isang araw. Gusto mo bang hindi na kayo magpansinan?" saad ni Casper. Wow sa bibig niya talaga nagmula yun? Tinamaan naman ako. Eh kasi diba, siya pa yung nagsorry dati, e ako naman ang may kasalanan? Pinapatamaan ata ako nito eh.
"Tss." sabay irap niya kay Casper.
Tapos na akong mag-ayos ng gamit ko. Si Casper at Lyn naman hindi so hihintayin ko muna sila.
"LYN MAY NAGHAHANAP SAYOOO!!!" sigaw ng kaklase ko. Napatingin ako sa pintuan yun ata yung manliligaw niya? Baka, kasi hindi ko pa naman nakikita yung Macky na sinasabi ni best eh. Tiningnan ko ang reaksyon ni lyn at tama nga ata ang hinala ko. Yun ata yung manliligaw niya. Muka na kasing iritado si best eh.
"Sige Lyn mauna na kami ha?" biglaang sabi ni Casper. Nagmamadali pa nga ata eh. Tumingin siya sakin at parang alam ko na ang gusto niyang mangyari. Ang iwan si Lyn para kausapin siya ni Macky.
"Oo nga best una na kami, gutom na ako eh! Hehe." sabi ko kay Lyn sabay kuha ng gamit ko at sinundan na si Casper.
Nadaanan namin sa pinto yung Macky at nag thumbs up lang ako sakanya. Sana magkaayos na sila.
----------
"Ugh ang sarap talaga! Libre mo pa ako isa!" pagpipilit ko kay Casper. Ang sarap kasi talaga nitong fried ice-cream eh! Alam niyo ba ito? Basta eto yung ice-cream na niluluto sa malamig? Ah ewan hindi ko rin gets ang paggawa ng ganito eh.
Hindi na kami nagMcDo nakakatamad kasi tsaka mamamasahe pa papuntang McDo. Eh etong binili namin sa kabilang kanto lang, malapit.
"Tama na, tumataba ka na kaya!" angal niya. Nakakainis bakit kasi ang bagal niya kumain kaya hindi pa nauibos yung sakanya. Nakapout lang akong nanunuod sakanya.
"Aish wag ka ngang tumingin ng ganyan! O ayan bumili ka na ng isa pa sayo! Takaw talaga." inabot niya sakin ang pera niya tas tumayo na ako para makabili ulit.
Papila na ako ng bugla akong mapatingin sa ibang customers na kumakain. Tama ba itong nakikita ko?!?! Si Wij yun!! Tama! Malinaw na malinaw siya nga yun. Tss hanggang dito ba naman makikita ko siya -_- kung hindi naman siya magtetext, magpapakita naman. Tumingin siya sa direksyon ko at kita sa muka niya ang pagkagulat. Kaya bigla nalang niyang binilisan ang pagkain at tumayo na para umalis. Hindi ko na siya tinawag pa, mamaya sabihin pa niya hindi pa ako naka move on sakanya. Spell ASA! May Casper na ako.
Nagorder na ako at bumalik sa kinauupuan namin ni Casper. Ubos na niya ang sakanya so ako na lang ang kakain. Hoho! Umpisahan na ang pakikipagbakbakan sa pagkain ko, go!
"Takaw." asar niya sakin. Sinamaan ko lnag siya ng tingin.
-Wij's POV-
Hi, siguro naman kilala niyo na ako? Ako lang naman yung nag-iisang nang-gago sa puso ni Demeryn Arcie.. Alam kong lahat kayo inis na inis sakin dahil sa ginawa kong panloloko sakanya.
Maniwala kayo't sa hindi pero mahal ko talaga si Deme. Alam kong tama ang pananakit sa damdamin ni Ryn. Bakit? Kasi kailangan din naman. Sabi nga nila "Everything happens for a reason."
Kaya wala na akong magagawa kung ano pa ang naiisip niyo at kung ano ang tingin niyo sakin. Kahit sabihin niyo pa akong manloloko wala akong pake kasi wala naman kayong alam sa rason kung bakit ko nagawa yun. Napakasakit kaya sakin na iwan ang taong tinitibok talaga ng puso ko. Ang gay ba? Hindi. Ganyan lang talaga pag nagmamahal.
Alam kong ang tanga ko para iwan siya at ngayon naman susulyap sulyap ako sakanya. Tina-try ko lang naman kung PWEDE PA. Pero sa tingin ko ata hindi na? Ngayon palang kasi kitang kita ko na masaya siya sa piling ng...........
STEP BROTHER KO.
Sa tingin ko hindi na lang ako manggu-gulo pa. Good luck na lang sakanila. Para narin sa step brother ko, hindi ko na aagawin pa si Lyn. Pero subukan lang niyang sakatan si Ryn ako mismo ang hihila kay Ryn pabalik sakin.
~
(A/N: Short Update, mianhe!:( Picture ni Wij sa gilid!!)
BINABASA MO ANG
You Changed Me.
Fiksi RemajaSabi nga nila, "Pain makes people change." Pero para sakin hindi dahil sa nasaktan ako kaya ako nagbago pero kasi... "Kailangan para matauhan."