Chapter 25
Deme's POV
Nasa park kami ngayon, hindi parin kami umuuwi. Nakakatamad pa din kasi haha, joke lang. Ayaw lang talaga namin, sulitin na muna ang moment chos.
Pakyu ito si Casper kanina eh, akala ko iniwan ako yun pala bigla nalang manggugulat kaya ayun tinarayan ko nga. Hanggang ngayon hindi ko kinakausap.
"Sorry na kasi Demeeeee! Ang cute mk lang kasi pag nagugulat eh." sabi niya sakin habang inaalog ako.
"Heh. Wag mo nga ako hawakan. *layo ng onti* pakyu ka to the highest level. Eh ano kung cute ako? Alam ko na yun pero wag ka manggulat." sabay irap ko sakanya.
"Eh yung maganda ka pag nakangiti, alam mo na?" sabi niya sakin ng may napakalapad na ngiti.
Shet kinikilig ako, hindi maari! kunyari hindi. "Alam ko na yun, sinabi na sakin ng ex ko yun." KAHIT HINDI!
"Ah ganon? Kailangan isali ex mo sa usapan? Sus mas gwapo naman pagkakasabi ko! At talagang mas gwapo ako!" tapos bigla siyang tumayo at iniabot ang kamay sakin.
"Oh? ano gagawin ko sa kamay mo?" tanong ko sakanya.
"Dali tayo ka diyan, uwi na tayo hatid na kita. Magga-gabi na eh."
Inabot ko ang kamay niya at tumayo. Nung bibitawan ko na, bigla niyang hinihpitan ang hawak sa kamay ko. Kaya... oo na namula ako at ang pampawala ng kilig? ANG BULYAWAN SIYA MWAHAHAHA!
"ABA! Chansing ka na ha!" sigaw ko sakanya habang pinipilit kunin ang kamay ko. Pero sumuko din ako at pinabayaan nalang.
"Okay lang, kamay lang naman eh." Shet ngumiti siya sakin kaya bigla po ako umiwas! Ang landi ko na ba? Taeng yan nahahawa na ako sa bespren ko.
---------
"Ang nakakuha ng highest score sa play ay.... ang Group 5." anunsyo sa amin ni Ma'am Iza, Filipino teacher.
Ngayon lang pala na-announce samin ni Ma'am yung grade namin sa play na pinerform namin two weeks ago, ata? Ewan hindi ko na natatandaan. Grabe kasi si Ma'am eh absent ng one week kaya ngayon lang nasabi, tas hindi pa kami yung may mataas na grade nakakainis lang.
Matapos ang paga-anunsyo ni Ma'am nag discuss na kagad siya at may biglaang quiz! Tignan mo ito si ma'am kakaabsent lang tas kakadiscuss lang quiz agad?! Pakshet buti nalang nakinig ako at isa lang mali ko sa quiz. Kaso si Casper? Ayun 5/15 lang, natulog kasi eh.
"Paalam at salamat po Gng Iza." sabi naming lahat habang nakatayo. Yun oh tapos na din.
Nung nakaupo na ako biglang nagsalita si Dom.
"Okay lang kahit hindi tayo yung highest. Naka 96 naman tayo eh!"
"Oo nga!"
"Tama!"
Ngumiti nalang ako sakanila dahil wala ako sa trip makipagdaldalan sa ngayon. Tapos si Casper, biglang nawala din saan kaya nagpunta iyon? Hindi pa naman recess. Tsaka ang cold niya sakin ngayon badtrip! Hindi ako masiyadong kinakausap.
Problema nun?
--------
Recess na at wala si Casper, hindi ko siya kasabay. Bahala siya sa buhay niya kung nasan man siya. Papasol na ako ng canteen ng biglang nagsialisan ang mga estudyante sa harapan ko at nagpunta sa gilid. May natira namang isa sa gitna pero nung nakalapit na ako sa kanya, binigyan niya ako ng burger at nagsalita.
"Ate, yan ang kainin mo ha? Kaysa chichirya. Sige ate, bye!" hindi ko na siya natanong kung bakit niya ako binigyan ng burger dahil tumakbo kaagad siya.
Nung bubuksan ko na yung pinto para makapasok ng canteen, bigla nalang yun bumukas. The heck?! hindi ko pa nahahawakan bumukas na, kagulat putcha. Haha. May estudyante nanamang naghihintay sakin. Nang makalapit ako sakanya binigyan niya ako ng mogu-mogu.
"Ate Deme, mas okay yan. Wag ka na mag softdrink ha? Taaka favorite mo daw yan eh." Paano niya nalaman?
"Sino nagsa--" naputol ang pagsasalita ko ng bigla siyang nagbye at umalis na.
Tumingin ako sa paligid ko, mga nakangiti ang mga estudyante. Anong nangyayari bakit may ganito? Habang nakatingin ako sa paligid hindi ko napansin na may iilang students na pala sa harap ko. Dalawang pares ng babae at lalaki.
"Hoy! Eto ang canteen ha? Baka pagkamalan mong park eh. Tch. Bumili ka na ng pagkain mo bye." sigaw ni Girl 1 kay Boy 1.
Nagmake face lang si boy 1 at umalis na silang dalawa. May naalala ako ha, bakit parang nasabi ko na yung line na yun dati?
" *yumakap si girl kay boy* Sorry na Casp... Na appreciate ko naman talaga. Wag ka namang ganyan... Pansinin mo na ako." sabi ni Girl 2 kay Boy 2. Humarap naman si Boy 2 sakanya at nagsalita.
"Hayy matitiis ba kita?" SHEMAY!! NAMUMULA AKO DITO!! HINDI AKO MAKAPANIWALANG GINAWA KO YUN DATI KAY CASP!! SHET OO NA ALAM KO NANG SIYA MAY PAKANA!! Huhuhu, grabe ka Casper bakit yung moment pa na yun ang pinarole play mo sakanila. Putcha kang lalaki ka!
Umalis na yung mga nagrole play at may nakita akong gwapong nilalang sa gita ng canteen.
"Kahit na medyo demonyo ka nung una kitang nakilala, mahal kita. Tapos akalain mo yun? Ang sweet mo din pala. Lahat ng mga pangyayari sa buhay ko lalo na nung una kitang nakilala hanggang ngayon hindi ko kakalimutan at sa mga mangyayari pa sa future? Magiging special yun sakin. Bakit? Eh kasi special yung taong kasama ko. Ang amazonang babae na may sweet side pala na mahal na mahal na mahal ko, si Demeryn Cruz. So...." hindi ako makapagsalita eh kasi naman naluluha na ako sa sinabi niya kahit na naiinis ako! Eh kaso demonyo daw ako? Shet lang ha? Pasalamat siya...wala!
"DEMERYN CRUZ WILL YOU TAKE CASPER CONSTANTINE AS YOUR HANDSOME BOYFRIEND?" sigaw ng mga taong nasa canteen. Kahit na umiiyak na ako dito nagsalita parin ako.
"Pakyu ka Casper!"
~
(A/N: Mambibitin muna ako mwahahaha.)

BINABASA MO ANG
You Changed Me.
Teen FictionSabi nga nila, "Pain makes people change." Pero para sakin hindi dahil sa nasaktan ako kaya ako nagbago pero kasi... "Kailangan para matauhan."