Chapter 23
Friday ngayon at.....WALA KAMING KLASEEEE!!! XD So it means hindi kami ngayon magpeperform nung sa Filipino!! Mwahahaaha. Excused kami mwahahaha ang saya. Tinatamad pa naman ako pumasok ngayon.
Nandito pala kami ngayon sa ibang school. Yes, iba. Nandito kami para icheer ang basketball players ng school namin. La Erittna University ang kalaban nila. Puro fourth year lang ang pinasama para mag cheer at hindi ko alam kung bakit -o- Nandito rin si Casper kasali siya sa baskteball team.
Habang nakaupo ako dito feeling ko may nakatingin sakin kaya lumingon ako sa magkabilang gilid, wala naman? Sa likod ko, wala din! Hay feeler lang siguro ako shete haha.
"Prrrrt!" Lumingon ako sa court. Jumpball na pala! Start na ng game.
Itinuon ko nalang ang sarili ko sa panunuod ng game. Ngayon ko lang nalaman na magaling pala si Casper noh? Naka ilang 3 points na kasi siya eh tas wala pa masyadong palya. Astig ng suitor ko! Ang weird naman pakinggan.
Napapansin ko na bago magshoot si Casper ay tumitingin siya sa gawi ko. At kung magpapakafeeler ako, feeling ko ako yung tinitignan niya sabay ngiti at shoot ng bola. Kilig naman oh.
Mainit ang laban, halos magtie na ang score. Nakaka 78 na ang school namin at ang sa LEU naman ay 76. Last quarter na at kaming mga taga SAU ay kinakabahan na baka mahabol ng LEU ang score namin.
"AYYYYY!!!" tili yan ng mga babae sa pagkabigla nilang sumablay ang pagkashoot ng bola ng isa sa mga player ng school. Sayang 3point shoot pa naman sana yun.
"WOOOOOHHH!! GO LEU!!" Biglaang sigaw naman ng taga kabila dahil sa nakashoot ng bola ang panig nila kaya 78-78 na ang score. Shet makakahabol pa ata sila?!
"1 minute remaining." announce ng mga nasa ibaba. Lahat naman kami kinabahan kasi nag tie na!! Ang kailangan nalang malaman ay kung sino ang biglaan na lalamang. Sana ang SAU!
Nakakainis parang inuubos lang nila yung oras, laging pumapalya ang mga shoot ng magkabilaang team. Konti nalang ang oras na natitira. Kitang kita sa timer sa itaas na 25 seconds nalang. Makahabol pa kaya kami?
Nagpasalinsalin lang ang bola. Minsan napupunta sa LEU minsan naman samin kaso hindi rin kaagad nasho-shoot dahil naagaw kagad.
"Shet sana mashoot mo." bulong ko. Si Casper kasi ang nakakuha ng bola at may natitirang 10 seconds nalang. Leche naman nakakakaba. Isho-shoot na niya sana kaso bigla siyang tumingin sakin at huminto.
Taena. Anong ginagawa bakit hindi pa niya ishoot?! So magtititigan kami? 6seconds nalang!! Shemay. Sa sobrang inis ko tumayo ako at sumigaw.
"LECHE KA ISHOOT MO YAN KUNDI BASTED KA SAKIN!!!" alam kong nagulat siya sa sinigaw ko. Pati nga yung iba tumahimik eh, argh. Ano ba itong ginagawa ko?! Napunta tuloy ang atensyon ng lahat sakin.
Mga ilang segundo lang eh timalon na siya at shinoot ang bola. Napapikit pa nga ako eh. Nang marinig ko ang hiyawan ng mga ka-schoolmate ko dumilat ako at nakita ko si Casper na binubuhat ng kanyang mga teammates. Hindi dahil sa na injured siya pero dahil naishoot niya ang bola. Nanalo sila.
Umupo na ako at bumuntong hininga. Kundi ko pala sinabi siguro yun matatalo ang school namin noh? Tss. Inayos ko nalang ang gamit ko at bumaba na ako galing sa bleachers at dumiretso palabas ng gym. Pupunta nako sa bus na ginamit ng school, ayokong gumala-gala sa school na ito. Baka maligaw pa ako at maiwan.
Habang naglalakad at palingon lingon lang parang may nahagip ang mata ko. Kaya napahinto ako bigla sa paglalakad ko. Nandito ba siya? Dito siya nag-aaral? Pero bakit parang hindi siya naka-uniform. Tumingin ulit ako sa direksyon kung san ko siya nakita, pero wala na. Baka guni-guni ko lang siguro.

BINABASA MO ANG
You Changed Me.
किशोर उपन्यासSabi nga nila, "Pain makes people change." Pero para sakin hindi dahil sa nasaktan ako kaya ako nagbago pero kasi... "Kailangan para matauhan."