Chapter 29

92 4 2
                                    

Chapter 29

Alam niyo ba kung ano na ang date ngayon? Hmm. 5 na ngayon! At 2 days na lang 1st Monthsary na namin ni Casp.

Opo excited po ang babaeng katulad ko. Ewan ko ba? Parang ako na ulit yung dati kaso siyempre may iba parin. Ngayon, hindi na ako tanga!! Tandaan niyo yan ha? Konyatan niyo ko ng sampu pag naging tanga ako ulit ngayon, mwehe.

"O ngit ngiti mo diyan?" salubong sakin ni Casp.

"Panira ka talaga eh noh? May iniisip lang ako." sabay irap ko sakanya.

"Ako yung iniisip mo noh?" tas bigla niyang inilapit ang muka niya sakin.

"H-ha?! *lingon sa ibang direksyon* Asa boy."

"Sus, ayaw pa umamin. Okay lang, ganyan talaga pag-gwapo. lagi iniisip ng isang tao." sabay 'pogi sign' pa niya. Hala ka! Feelingero alert.

Binilisan ko nalang ang lakad ko papuntang gym. Pinapapunta na kasi lahat ng estudyante dun. Pinag-uusapan ata ang tungkol sa Foundation Day na magaganap. Habang naglalakad naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Tinignan ko kung sino, siyempre si Casp. Tumingin ako sa paligid ko...buti nalang walang nakakita sa pag holding hands namin ni Casp. Oo na malandi na ako! Bakit bawal ba? Kami naman na eh..Putcha dahil kay Casp lumalandi na ako.

----

"So students ayos ba iyon?" tanong samin lahat ni Mr. Agoncillo.

"YESSSSSSSSS SIRRRRRRR" tugon naming mga estudyante.

Ang totoo niyan eh hindi lahat ay nasiyahan sa gagawin sa Foundation Day. lalo na kaming Fourth Year! Paano ba naman ang First Year ay magprepresent ng sayaw, ang 2nd Year ay play, 3rd year ay sa games at contests at sa aming Fourth year? Bawat section ay dapat may booth. At ang malupit pa, ang booth ay kailangan maganda dahil may premyo daw.

Edi kami namang lahat eh napa "Hala" Kasi parang gahol na sa araw. Madami rin kaming ginagawa. Tapos yung Foundation Day sa 7 na! Sa.... monthsary namin ni Casp. :3

Pinabalik na kami sa kanya-kanya naming classroom upang pag-usapan kung ano na ang gagawin. Nagpunta ang president namin sa harap upang masimulan na.

"So...guys ano? Any suggestions?" 

"Kung Mini Restau nalang?" sabi ni Rox ang Vice President ng klase. "Pero okay lang kung ayaw niyo hehehe. Wala lang talaga akong maisip." dagdag pa niya.

"Magastos ata yung ganun eh!" sigaw ng kaklase kong balahura. Haha. Si Eve. Ang nag-iisang tomboy sa klase.

Nagtaas ako ng kamay. "Kung My Crush And I Booth nalang?" Hindi ko alam kung anong nangyari kung bakit bigla silang tumahimik lahat, kaya nagsalita ulit ako. "Bakit? He-he-he."

"HAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAAHA" isang malakas na tawanan po ang narinig ko sa mga kaklase ko. Aba't! Talaga itong mga 'to. Kainis.

"Grabe bakit kayo nagtawanan!" sigaw ko sa kanila.

"Eh--pftt. Hahah! Eh--yun nga kasi Na-inlove ka lang naging corny ka na!" pagkasabi nun ni Sergie nagtawananna naman ang klase. Ay leche ha!

"Tss. Diba nga kasi yun ang problema ng halos lahat sa atin? Wala tayong chance makasama ang crush natin." sabi ko sakanila. Aba, papanindigan ko ang naisip ko noh. Hindi ko hahayaang pagtawanan ang naisip ko!

"Guys! Haha. Tahimik muna tayo. Baka maganda nga naman ang naisip ni Deme." sabi ni President at halata naman sakanya talagang nagpipigil siya ng tawa.

"Ang MCAI Booth ay ang booth kung saan ay magtatala ng mga panglan ng dalawang tao na ipinag-partner. Hahatiin ang loob ng booth sa dalawa. Tig-30 minutes sila. Siyempre ang bayad ng taong nagsulat ng pangalan nila ay 15 pesos. Okay naman diba?" nagsitanguan lang sila at ipinagpatuloy ko na ulit ang sinasabi ko.

"Siyempre may tables and chairs doon. Papasok sila sa booth ng nakapiring. Bibigyan natin ng isang rose ang lalaki para pag nagkita na sila iaabot yun ng boy. Kung may kailangan sila satin pwede nilang pindutin ang nakahandang button doon, at kung ayaw din nila pindutin lang nila yun matatapos din kung ano ang nangyayari." sabay ngiti ko sa kanilang lahat. Nako po tumahimik nanaman sila! Ano tatawanan nanaman ba nila ako?

Walanjo naman kung ganon! Haba kaya ng sinabi ko noh.

"Ganda!"

"Okay naisip mo ah!"

"Pero nakakatawa talaga nung una eh! Hahaha!"

"Okay, It's a deal na ha? My Crush And I nalang! Wag niyo nalang ipakalat sa iba para surprise sa Friday." anunsyo samin ni pres. sabay alis sa harapan.

Yun oh! Pumayag din sila. Nakatulong ako, galing ko noh? Tengene magdiwang tayo! Kasi may naisip ako. Enebeh. Haha! Lumapit ako kay Casp at kinalabit siya. "Uwi na tayo?"

"Ay onga pala, hindi ako makakasabay sayo ngayon sorry. Bukas sunduin nalang kita Sorry he-he." sabay kamot sa batok niya at nagmadaling lumabas ng classroom. Aba aba! Si mokong parang busy kanina pa ah? Eh kasi mula umaga hanggang ngayon hawak ang cellphone niya. Pag kakausapin niya ako hawak niya parin. tsk tsk. Cellphone lover! Joke.

~

(A/N: Sorry late.)

You Changed Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon