Chapter 31

60 3 3
                                    

Chapter 31

Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa booth namin. Pero ang alam ko lang eh muka akong baliw at tulala lang habang naglalakad. Kunga ano-anong mga bagay ang iniisip ko para lang malaman kung bakit niya nagawa yun sakin. Alam mo yung ayaw mo maniwala pero dahil sa narinig mo mismo galing sakanya kailangan mo nalang tanggapin? Ang sakit lang. Pamura ha? 'Teng ene!'

"Uy Deme nakaba-- O m g. Umiyak ka ba?!" sabay lapit sakin ni Lyn.

"W-wala na." malungkot kong sabi.

"Ha? Anong wala na? Students? Oo kasi sabi namin papahinga lang kami, mamaya na sila--" napahinto si Lyn sa pagsasalita nung narinig niya ang sinabi ko.

"Kami." nagsimula nanamang magtubig ang mga mata ko. 

Bago pa ako umiyak dito umalis na ako kaagad. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko doon ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Unan naman lagi ang sumasalo ng sakit eh. Ang drama ko ha? Sorry. Hindi ko lang talaga kaya...mahal na mahal ko siya eh. Putchang mga luha ito. Pakshet talaga.

****

Isang linggo na ang nakakalipas simula noon-- Siyempre alam niyo na kung ano iyon. Ayoko nang banggitin pa. Sariwa pa eh, masakit. Ang gago lang kasi ni Casper eh.

Alam niyo bang hirap na hirap akong pumasok sa araw-araw? Bakit? Kasi hindi ko kayang nakikita siya na may kausap na iba, hindi ko kayang tumingin sakanya, hindi ko mapigilan ang sarili kong mag 'hi' sakanya kahit na hindi niya ako pansinin at ang pinakahuli? Hindi ko kayang tanggapin na wala na kami at nagagawa pa niyang ngumiti. Ay teka, oo nga pala. Motorbike lang nga pala ang katapat ko. Ha-ha. Swerte naman nung motor noh? Buti pa siya.

Naglalakad ako ngayon dito sa corridor nang may mabunggo ako. Pag angat ko ng ulo ko si....Casper. Tinignan ko siya sa mata. Binigyan niya lamang ako ng isang nakakainis na ngiti at umalis na. Gusto ko siyang habulin at sabihng mahal ko pa siya. Pero ano pang saysay? Kita niyo nga ang tinrato sakin parang walang 'kami' dati. Putcha.

Tumingin ako sa mga students sa paligid, lahat sila nakatingin sakin. Yung iba may bakas ng awa sa muka at ang iba naman parang natutuwa pa. Hindi ko na sila pinatulan pa at nagtuloy nalang sa lakad. Pagkapasok ko ng room tumahik ang lahat. Para bang may dumaan na anghel sa harap nila at napatahimik bigla.

"Bakit?" tanong ko s abuong klase. Alam kong alam nila nag ibig kong itanong.

"W-wala lang hehe! Anghel ka kasing pumasok sa classroom natin eh." Palusot ni Arjay sakin.

"Wag kayo maawa sakin, paking shet wag." pigil na inis kong sabi sakanila. At siyempre pinipigilan ko ding tumulo ang luha na namumuo sa mata ko.

Ayokong kaawan nila ako. Ayoko talaga. Para bang pinapahiwatig lang nila sakin at pinaparamdam na- nagpakatanga nanaman ako. Tinignan ko si Lyn. Bigla lang siyang napaiwas ng tingin sakin. Alam ko kung bakit siya umiwas, dahil sa naawa din siya sakin. Kasi nagsisimula nanamang bumalik yung dating ako...

Na inakala kong nagbago na.

~

(A/N: SORRY MAIKLI LANG ITO GUYS! BAWI AKO SA SUSUNOD!)

You Changed Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon