Prologue

2.1K 22 5
                                    

ALL RIGHTS RESERVED. (c) 2012

-girlwholovespanda-

----------------------  

SIkat daw ako.

Siyempre ako lang naman ang nagiisang NON-CONFORMIST dito sa school namin. Oh diba? Unique ako.      

Tanggap ko naman yun! At kung babalik man ako sa girly side ko, siguro may malaking dahilan para magbago ako ulit.

***

Halos mabingi na talaga ako sa paulet-ulet na sinasabi sakin ng mga kaibigan ko. OO MGA! Siyempre palakaibigan naman ako.

"Maganda ka naman ah!" Eww lang ha?    

"Baguhin mo na itsura mo, malay mo ma-inlab pa ako sa 'yo! " Mag-iistay na lang ako sa ganitong itsura kesa maging tayo.  

At ang pinakamalupet na narinig ko?          

"ANG PANGET MO! AYUSIN MO NGA ITSURA MO! HAMBALUSIN KITA DIYAN EH!" nanggaling yan sa bibig ng magaling kong bespren. Bait niya noh? Ang sweet. Pero siyempre hindi ako nagpapadala sa mga sinasabi nila, kaya stay parin ako sa pagiging ganito ko. Unique kaya! Haha. Kakaiba ako. 

Sa lahat ng sinabi ng mga kaibigan ko, Isa lang nakapagpaisip sakin ng todo.        

"Paano kung walang magkagusto sayo? Saklap nun." WOW SAPUL! Onga? Paano kung wala nga? Haynako.  

You Changed Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon