Chapter 27

104 3 1
                                    

Chapter 27

LYN'S POV

Masaya ako ngayon dahil ang bestfriend ko po ay may boyfriend na ulit. Dalaga na ulit si ateng aba! Grabe kung hindi ko narinig sa mga taong nasa corridor ang usap-usapang moment ng CasDeme sa canteen ay hindi ko talaga malalaman. Bakit? Eh kasi naman kanina wala ako sa klase. Hinatidko yung teacher kong kung maglakad ay parang nasa buwan, joke. Peor ang bagal kasi talaga niya maglakad. So ayun nga hinatid ko siya sa faculty, tas nung paalis na ako papuntang canteen hinarang naman ako ng isa pang teacher at inutusan. Jusko po itey, kapagod! Late tuloy ako kumain, kainis. Ginutom nila ako ah!

Hindi ko an rin nakausap si Deme dahil pina-excuse naman ako dahil kailangan ang members ng Media Arts kanina kaya ayun excused ako sa klase. Bumalik na ako wala na masyadong tao sa room dahil nagsiuwi na ang iba. Kaya ngayong kakauwi ko lang sa bahay ay naisipan kong tawagan ang bruha!

[ Oh bakit? ] sabi ni Deme pagkasagot niya sa tawag ko. Mukang bagong gising pa ah!

"Aber gising gising din po 7:35 pm na uso kumain!"  usal ko habang ako ay nag-eedit ng pictures para sa Media.

[ Tss. Wala ka nang pake dun noh! Eh sa inaantok ako eh? Masarap matulog! ] paliwanag niya gamit ang antok an antok na boses.

"Heh! Tigil-tigilan mo ko. Magkwento ka tungkol sa nangyari kanina." inis kong utos sakanya. bestfriend ako so kailangan niyang magkwento. Muwahaha.

[ Ayoko nga! Inggit ka lang e! ]

"Dali na kasi! Hindi noh! Utut mo naman!"

[ Deeeehhhh! inggit ka talaga eh, feel ko haha! ]

"HIndi nga sabi eh, kulit mo. Gagawin din sakin yan ni mylabs noh! Kala mo ha."

[ Sus. Wapakels. Sige na bye na. ]

"Anong ba-bye? magke-kwent-- *toot toot* AY LECHE BINABAAN AKO!" inis na sigaw ko sa loob ng kwarto ko.

Tumayo na ako at naligo. Masyado na akong malagkita! Gusto ko na maging maaliwalas nag itsura ko haha. Pumasok na ako sa loob ng banyo at bago magsimulang buksan ang shower ay tumingin muna ako sa salamin at nagsalita, "Ang ganda mo talaga Lyn." sabay ngiti. Grabe high ata ako ngayon? Kinakausap ko na sarili ko sa salamin. pero ganito daw talaga pag maganda eh. Joke. Oh, sige na maliligo na nga ako.

DEME'S POV

Tengene tatawag para lang mag-ingay sa tenga ko. Sa ayaw ko nga magkwento eh, epal! Haha. Siguro kakauwi lang nun, kasi hindi ko na yun naabutan sa room kanina eh kasi excused siya at may inaasikaso. Wawa naman si Lyn, pagod na pagod. Leche joke lang hindi ako naaawa, pwede namang sarcastic ako ngayon diba? Gets? Kung hindi, slow mo. joke lang magalit ka pa sakin eh.

Tinignan ko ang cellphone ko at himala ah! Wala pang text sakin si Casp. Siguro may inaasikaso pa yun. Ano kaya inutos sakanya ng mommy niya? Grabeng tagal naman niya para hindi ako matext, tch sobrang busy?!

Dahil bored ako, bumaba nalang ako para kumain na. Wala pala sila mommy at daddy. Nag-iwan sila ng food para sakin sa microwave. Kumain na ako at pagkatapos ay nagligpit na. Nakanang! Ang boring talaga leche.

Hindi ko napansin nakatulog na pala ako sa sofa kaya bigla nung may nagring nagising ako. Natandaan kong ring pala iyon ng cellphone ko, kaya hinanap ko. Nakita ko ito sa ibabaw ng center table. May tumatawag, tinignan ko kung sino..naku! Si Casper pala. Madalian ko itong sinagot.

[Bakit ngayon mo lang sinagot?!] bungad niya mula sa kabilang linya.

"Nakatulog ako eh..kanina ka pa ba tumatawag?" mahinang tanong ko sakanya.

[Oo, tch!] 

"Sorry, hindi ko lang talaga narinig."

[Sige na okay lang, gawa mo?] tanong niya sakin ng maayos na ang tono at walang bahid ng inis.

"Eto nga kagigising lang at kinakausap ka. Ikaw ba kauuwi mo lang?"

[Oo eh, daming pinagbibili sakin ni mama sa Mall eh.] yamot na singhal niya sakin. Haha sigurado akong nakabusangot muka nito!

"Kawawa ka naman, sige na magpahinga ka na. Ba-bye."

[Oh sige...bye goodnight. Love you.] sabi niya at binaba na ang tawag.

Pagkatapos ng tawag ay napangiti ako at parang mas nagising pa ako. Panatag na ako at alam kong nakauwi na siya ta okay lang siya. Umakyat na ako sa kwarto ko at gumawa ng assignments ko. Habang gumagawa ng assignment ay hindi ko napansin na dumating na pala sila mommy. Bigla nalang may kumatok sa pinto ko at nakita kong pumasok si mommy.

"Hi mom! Saan po kayo galing?" tanong ko ng hindi tumitingin sakanya dahil nagsusulat pa ako.

"Sa kaibigan lang namin ng Dad mo, kumain ka na ba?" tanong sakin ni mommy habang hinahaplos ang mahaba kong buhok.

"Yes mom. Uhm mommy may sasabihin po pala ako hehe." sabay tingin ko sakanya na medo nahihiya pa dhil nag sa sasabihin ko.

"Ano iyon?" mariing tanong naman sakin ni mommy.

"Ah--eh. K-kami na po p-pala ni Casp!" pagakasabi ko nun ay pumikit ko na nakatakip pa angballpen ko sa bibig ko. Nung napansin kong hindi pa nagrereact si mommy ay sinimulan kong idilat ang isa kong mata at sunod pa ang isa. Nakita ko si mommy na nakangiti.

"Uhhh mommy?" mahinang tanong ko sakanya.

"I'm so happy na hindi mo itinatago ang ganitong bagay sakin baby. I'm happy for the two of you, Demeryn." animo niya at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit. Pagkatapos nun ay hinalikan niya ako sa buhok ko at nagsalita ulit.

"Sige na baby tapusin mo na yan ha? Then sleep na after." sabay sarado ng pintuan ko.

Sumaya ako bigla sa sinabi ni mommy. Botong boto talaga sila kay Casp! Haha. Pero masaya ako at naging okay naman ang reaction ni mommy. Salamat po God sa mga nangyaring magaganda ngayon.

*********

(A/N: Like.Vote.Comment. Sana happy kayo sa update ko. hihi)

You Changed Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon