Gabi na pero napapaisip parin ako dun sa tinanong sakin ni Lyn kanina. Grabe ganun ba kahirap magdecide -.- Ang nasagot ko nga lang sakanya.
" Don't say bad words Lyn. Haha. " tas deretso pasok sa bahay.
Una, feeling ko dapat maging masya ako. Bakit?
Kasi dre eto na eh!! Yung crush mo may gusto sayo tatanggi ka pa ba? Parang umasa ka sa isang tao tas hindi ka niya pinaasa kasi may gusto din siya sayo saya lang nun diba? Yung feeling na parang nanalo ka sa jackpot. Sarap ipagmalaki na " May crush sakin crush ko! "
Pangalawa, dapat hindi ako maniwala. Bakit?
Kasi alam niyo naloko na ako dati....baka inaasar lang ako ni Casper malay niyo diba? Eh kasi naman ang assuming ko, itsura kong ito magugustuhan pa kaya niya ako. Kaya nakakainis lang maloloko lang ulit ako? No way!!
Hayss grabe namang pagiisip ito makatulog na nga lang.
------------
Naglalakad ako ngayon sa corridor ng may biglang sumabay sakin sa paglalakad. Nilingon ko at nakita kong si Sunget ay nakangiti sakin. Kahit na kinikilig ako sa ngiti niya dapat ipakitang hindi.
" Oh bakit ngiting aso ka diyan? " tanong ko sakanya.
" Wala lang masama ba? " sagot niya.
" Hindi, muka ka lang tanga. " pagkasabi ko nun naglakad nako ng mabilis at pinihit na ang doorknob ng pinto ng classroom.
Bago ako pumasok nilingon ko muna si Casper. Huminto pala siya sa paglalakad at parang pinapractice ngumiti. Natawa na lang ako ng palihim at tuluyang pumasok sa room.
Mga ilang minuto din at pumasok na rin si Sunget. Medyo wala pa siya sa sarili niya. Nguminhiti ngiti pa nga eh tas paiba iba ng itsura ng ngit. Grabe sineryoso niya yung sinabi ko? Haha!!
Nawala ang kasiyahan ko kasi biglang pumasok na ang teacher namin. First subject namin ay Filipino.
" Goodmorning Class! " masayang bati samin ni Ma'am Iza. Aba good mood si Ma'am!
" Goodmorning too Ma'am. " sabay sabay na sabi naming lahat.
" You may take your seats. Anyways, students may project kayo... Group project ito. " sabi niya samin pero nakangiti parin.
" Ma'am kailangan ba talaga yan.. huhu. " paawa effect ni Irvin habang sinasabi yun.
" Oo lalo na ikaw, tamad ka pa naman gumawa ng proj sa subj ko. Please keep quiet for a moment, I'll discuss what this project is. "
Pagkasabi nun ni Ma'am napakamot na lang sa batok si Irvin pahiya siya konti eh haha! Eto namang katabi ko parang hindi rin sang-ayon na magkaron kami ng project aba grade din yun ah. Arte nila .
" Ang group project niyo ay kailangan ng skill na acting. Gagawa kayo ng sarili niyong story at yun ang iaacting niyo. Ang genre ng story ay dapat romance, tungkol sa pag-ibig. " Hala, ano ba yan ang badu naman. Sige makikiangal nalang din ako. Akala ko naman madali lang yun pala kailangan umacting.
" Be ready, because the due is next week Friday. You will perform it on stage. Group 1, first row. Gourp 2, second row. Group 3, third row. Group 4, fourth row. " Third row kami so group 3 kami. Ka group ko si Sunget badtrip.
" Mag-usap usap na kayo. Pinapatawag ako ng Principal eh, bye class. " dali daling sabi ni Ma'am samin at tuluyang umalis.
-----------
" Guys ako nalang gagawa ng story. " Prisinta ko sakanila.
" Ah sige guys si Deme nalang, diba nanalo siya last year sa on the spot story making contest? " sabi ni Ria . habang patingin tingin sa groupmates namin.
" Oo nga! Sige ikaw nalang Deme. " sang-ayon ni Dominic sa sinabi ni Ria.
" Salamat hehe. " sabi ko sakanila.
Pinagusapan lang namin ang takbo ng storya. Sabi nila gusto daw nila yung story about sa girl na niloko ng guy tas may makilala daw na bagong guy na makakapagpasaya sakanya. Nyek ang dali lang pala ng gagawin kong story. Hindi ako mahihirapan astig!
Magpa-practice daw kami sa bahay ni Dominic, mabuti nalang malapit lang samin yun. Friday na kasi ngayon at bukas Saturday kaya timing mahaba haba ang oras ng practice. Kailangan daw makagawa na ako ng story para bukas ma-assign na kung sino ang gaganap at kung sino ang gagawa ng props.
----------
Nandito lang ako sa kwarto ko, nakaupo dito sa study table ko. Pinagiisipan ko kasi kung pano ko sisimulan ang story. Alam niyo ba may nahalata ako sa story na ginagawa ko... kasi may kaparehas ito eh! Promise may kaparehas talaga ito.
Alam niyo ba kung ano iyon?
Edi yung tungkol sa past ko. Grabe dapat pala umangal ako sa kagustuhan nila kanina! Nakalimutan kong ganitong ganito ang past ko nakakainis. Habang gumagawa ako ng story biglang nag ring yung phone ko. Tinignan ko kung sino.
Sunget calling...
Accept | Decline
Pinindot ko naman ang Accept.
" Napatawag ka? 9pm na ah. " tanong ko sakanya.
" Wala lang, gusto lang kita makausap. Haha. " sabi niya habang matawa tawa.
" Tss, may ginagawa pa ako wag istorbo. " inis kong sabi sakanya.
" Sandali may problema kasi ako eh. Pwede magtanong? " huh problema? bakit ako pa tatanungin niya tungkol sa problema niya.
" Oh ano? "
" May kaibigan kasi ako.. "hindi ko pinatapos ang sinabi niya ay nagsalita ulit ako.
" Ako rin may kaibigan, bestfriend din meron. " asar kong sabi sakanya.
" Aish, manahimik ka nga. Ganito kasi yun yung kaibigan ko kasi nasaktan na siya dati. Nang dahil sa nasaktan siya nagbago siya tas gusto ko siyang bumalik sa dating siya. Gusto ko iparamdam sakanya na ibabalik ko ang sarili niya dati tas ako naman magpapahalaga sakanya kaso hindi ko alam baka hindi siya pumayagn na ligawan ko siya eh. " tuloy tuloy niyang sabi.
May napansin ba kayo sa sinabi niya? wala naman diba? Assuming lang talaga ako aish.
" Edi sabihin mo sakanya, mamaya mapapayag mo siya. Tsaka ma-appreciate naman siguro niya yun. Ikaw ba naman sabihin mong papahalagahan mo ang isang taong nasaktan dati hindi ka kaya kiligin? Haha. " payo ko sakanya. Pero alam niyo yung kinagulat ko sa sagot niya?
" So papayagan mo akong manligaw sayo? "
BINABASA MO ANG
You Changed Me.
Roman pour AdolescentsSabi nga nila, "Pain makes people change." Pero para sakin hindi dahil sa nasaktan ako kaya ako nagbago pero kasi... "Kailangan para matauhan."