Chapter 15:Life's Moment

3.1K 39 0
                                    

[JULIE]

What?! Anong sabi niya? Wa...wala akong narinig! Then I went back to my room.

A weel had passed and this week wala kaming klase kasi nga we are the champion and at the same time, may seminar lahat ng teachers. One week of rest and one week of boredom. Haha. It's a Wednesday afternoon, nandito ako sa garden namin. Nakaupo sa swing. It's a windy afternoon. Ang weird, after hearing the things that Elmo has said, naninibago ako. Natataranta ako pag andiyan sya. Para bang bumabaliktad yung tiyan ko at kinikilig ako.Pero nararamdaman ko...

...gusto ko ng mahulog kay Elmo.

"Julie, gusto mo?" Dumating si Elmo tapos inoffer niya sa akin yung isang cornetto na ice cream.

"Sure, thanks!" Umupo siya doon sa kabila ng swing.

"It's the last day of July. It's been two months since the arrangement Madami narin ang nagbago no?"

"Oo naman. Who would expect na tayo? Bestfriends before, bestfriends na ulit ngayon"

Yeah. Bestfriend.

"Oo nga naman. Kung hindi pa tayo nakulong noon sa rooftop hindi na ulit siguro tayo magiging bestfriends" He smiled, pero 'di sya nakatingin sa akin. Nakatingin siya sa malayo. "So, anong plano mo after November?"

"What do you mean after November?"

My eyebrows frowned.

"Julie, alam ko namang hindi ako pangarap mong maging asawa. May mahal kang iba, hanggang kaibigan lang yung tingin mo sa akin" Wala akong nasabi nun. Natahimik lang ako.

"Hmmm, Moe?"

"Yes?"

"Alam mo ba kung gaano ko kamahal ang mga movies at libro na ang ending ay happily ever after?"

"Yes, I know you love watching movie lalo na kapag love story.Pati nga pagbabasa na kahit may pagka-weird na yung kwento, tinutuloy mo pa din" Tumawa siya.

"And I ended up-"

Narinig namin na tumatahol si maki kaya naman kinuha muna siya ni Elmo saka dinala doon sa garden tapos tinuloy niya yung sasabihin niya.

"And you ended up crying.Ang babaw ng luha mo. Haha"

Kinuha ko si maki from him tapos nilaro ko siya. "Alam mo din ba kung gaano ko kamahal si maki?"

"Sobra?"

"Oo, sobra"

"Pero alam mo ba kung gaano ko kamahal YUNG KAUSAP KO NGAYON?"

Napahinto siya at napatingin siya sa akin. "Gaano nga ba Julie?Gaano?"

I had the urge to say it. Hindi. I wamt to say it.

"Mas mahal kita kaysa doon sa mga movies na pinapanood ko at librong iniiyakan ko" Tinignan ko siya ng diretso tapos binaba ko muna si maki. "Mas mahal kita kaysa kay Logan Lerman. Mas mahal kita kaysa kay maki and yes, soccer is my life...


...but YOU ARE MY WORLD NOW."

When We Fall Inlove (Panalangin) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon