Chapter 40.1: The Epic Fail Moment (Part 2)

2.5K 30 0
                                    

[JULIE]

"Pare, jackpot tayo, yayaman na tayo!"

"Oo nga. Konting tiis na lang. Bwahahahaha!"

"Hoy huwag kayong maingay! Mamaya magising yung natangay natin"

"Che!Gising na ako!"

Nakita ko yung sarili ko na nasa loob ng isang van kasama ang tatlong lalaki. Yung isa, nagdradrive, nakabonnet. Yung isa nasa pinakalikod, mukhang suman na nakabonnet. Tapos yung isa, mataba. Katabi ko, ah basta, baboy siya. "Hoy! Sino kayo?! Ba't ako nandito! Hoy! Ano ba!" Nakita ko yung kamay ko na nakatali. " T___T Hoy,ano ba. Sino kayo?!"

"Wag kang maingay! Ang sakit mo sa tenga!"

"Hoy baboy, wag ka kasing dumikit sa akin para hindi mo 'ko marinig! Saan niyo 'ko dadalhin?!" T___T Mukhang na kidnap ata ako. Jusko. "Ano bang atraso ko sa inyo? Ni hindi ko nga kayo kilala, pakawalan niyo naman ako"

"Manahimik ka nga pwede?!" Nagsalita yung driver na nakabonnet. Tinitignan niya ako mula sa salamin, siya yung pinaka nakakatakot sa kanilang tatlo eh. "Borjie, kausapin mo nga yan! Patigilan mo!"

"Opo boss"

"Manong, saan niyo pa ba ako dadalhin?Anong kasalanan ko?" Lord,ano ba 'tong nangayari sa akin. Ba't bigla akong nakidnap T___T

"Wala kang atraso sa amin"

"Yun naman pala eh! Pakawalan niyo na ako dito!"

"Pero pwedeng ikaw ang maging susi para yumaman kami! Bwahahahahah" Para siyang timang na tumawa ulit.

"Anong susi? -.-"

"Gagawin ka naming hostage!"

"Hostage?!" napataas bigla yung boses ko. Hostage?!?!?!

"Bwahahaha" Tumawa ulit siya. Parang timang talaga siya. "Oo. Mayaman ang amo mo ,may-ari ng kumpanya ang boss mo at matagal na namin kayong minamatyagan! Ikaw palagi ang kasama niya at ngayon, ikaw ulit ang kasama niya kaya siguro, malapit ka sa kanya. Bwahahaha. Mayaman ang mga Magalona kaya malaki ang kikitain namin" What?! Si Erold yung tinutukoy nila?! Nako naman, patay.

"Hoy! Sira ulo pala kayo eh! Mali kayo ng nakidnap! Hindi ko kilala yang mga Magalona!" Hindi pwedeng magbayad sila ng malaki just because of this.

"Ano ka? Hindi kami kaagad maniniwala sayo no!" Sabi nung mukhang suman sa likod ko. " 100 million. Pwede na kami don"

Ano?!

Ang laki naman!

Nako, hindi pwedeng maglabas sila ng ganong kalaking pera para sa akin lang.

"Eh hindi ko nga sila kilala!"

"Eh sino ka? Ba't mo kasama ung isang Magalona?"

"Nagkataon lang at saka...saka...stalker niya 'ko!" bahala na!

"Eh ba't ganyan suot mo?! Hindi ka ba niya assistant?!"

"Factory worker ako!" Ha?anong sinabi ko? "Oo! Factory worker! Ahm,oo. Sa pagawaan ng damit! Pero hindi sa FMZZ" Sinadya kong imali yung pangalan nung company.

"FMCC!"

"Eh di FMCC!"

"Boss, mukhang mali tayo ng nakidnap" Hindi sumagot yung driver. Patay, nakakatakot yung isang yun.

Nagdrive lang siya hanggang sa makarating kami sa open-area na may bodega.Oh no T___T

"Oh sige, tawagan niyo na yung Magalona. Sabihin mo, hawak natin yung kaibigan niya" Utos nung boss nila. Alam nila number ni Erold?!

When We Fall Inlove (Panalangin) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon