Chapter 54: THE CONTRACT

2.2K 26 16
                                    

[JAMES]

"Dito na ba talaga kami titira?"

"Dito muna kayo for the mean time. Di kayo, I mean tayo nababagay sa mga ganong lugar. Cheap"

Ay nakakaloka! POV ko na pala. Hi mga atembang! Matagal-tagal din bago tayo nakapag-usap ulit. Alam niyo ba problema nitong si Julie Anne? Aba! Kahapon dumating ng nakakotse. Aba, asensado na ulit! Nakakaloka. Pinag balot kami ng gamit at doon muna daw kami sa bahay nila mag-stay tuwing may trabaho kami ni Lexi. Nagbayad na din siya natitirang balance namin doon sa apartment.

"Uy James James"

Istorbo. Kinakalabit ako. Mabalik tayo, nung makarating kami kanina, andito ang daddy niya at mukahng malakas na. Mukahang nakarecover na talaga.

"Uy James ano ba, kinakausap kita, hindi ka ba kinakabahan kasi ako,kabadong-kabado"

.

.

.

.

.

"AY JOSKO ATEMBANG! ICHIKA MO YANG KABA MO SA DIMPLES NG PAPA KEN KO! NAKAKALOKA. NAGKWEKWENTO PA AKO DITO OH, TEKA LANG"

At alam niyo ba ang chika? Narinig ko lang kanina while they are making their usap-usap. Magsisimula na daw ulit sila sa pagpapayaman, ay este sa pagnenegosyo kaya balik na din sila sa dating buhay nila, bengga!

"Uhm atembang, tara usap na tayo" Nagserve ng miryenda sa amin yung kasama nila. Si manang na hindi ko alam ang pangalan.

"Salamat po manang. Namiss po kita" Sabay yakap ni Lex sa kanya. Ayy, close sila?

"Manang manang, makikiFC na din po ako ah pero salamat dito miryenda may itatanong lang ho ako, ganyan na ba talaga yan si Julie Anne dati? May ugaling mataray? Masungit? Mapang api? Ang labo niya manang!" Sabay wave ko sa hair ko. Nakakfreak out itong si Julie Anne!

"Hijo, yan din ang hindi ko alam" Naupo siya sa tabi namin at inilapag yung tray "Ano bang nangyari sa kanya habang wala siya dito? Kulang na lang ipatapon niya lahat ng gamit dito" Oo nga pala, nung dumating kami dito sa bahay nila halos ipasunog niya na ata yung kwarto nya! Jusko!

"Siguro nga dahil dito tumira si-"





"Because this house was just full of a lot and one hell of a memory"

Napalingon kami kay Julie na biglang sulpot doon. "A...atembang"

"Julie..."

"Manang,thanks for serving them. James, Lex, let's go up, we need to talk"

Anong drama nanaman nitong babaeng 'to? Kung di lang namin 'to mahal baka iniwan na namin 'to. Oo, parang meron ngang nag-iba sa aura niya pero yung pakikitungo niya sa aming malalapit sa kanya? Wala namang pinagbago. Jusko, nakakabawas ng ganda itong mga pinag-iiisip ko!

Umakyat kami sa veranda nila. Mayaman nga 'tong pamilya niya, walang duda.

"May ipapagawa ako sa inyo" Hindi man lang kami pinaupo at iniharap niya kaagad sa amin ang isang papel tapos nag crossed arms pa.

"Gagawin mo na din ba kaming slave? Katulong? Tagaluto tagasaing ninyo? Huhu"

"Of course not! I won't and I will never do that to you guys" Pinaikot nya yung swivel chair nya. "Kayo kayo na lang ang natitirang nagmamahal sa akin ng totoo. And I want you to help me. May plano ako"

When We Fall Inlove (Panalangin) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon