Chapter 24:Si Sir Erold(Part1)

2.7K 26 0
                                    


[JULIE]

*Kring...kring...kring*

Binuksan ko yung isang mata ko tapos kinapa-kapa ko yung cellphone ko.

Aaaahh ano ba yan, inaantok pa ako. Sino ba 'tong tumatawag?

*kriiiinnggggggg*

I decided to pick up my phone and answer a call from an unknown number.

"Hello?" Sobrang inaantok pa ako nun.

"Be here in 10 minutes kapag wala ka pa, you're fired!"

"HA?!Teka, sino ba 'to?!"

"GANYAN KA BA MAKIPAG-USAP SA BOSS MO?!"

"Boss?" Napatayo kaagad ako. "Sir Erold?!"

"Ako nga! Bilisan mo, may gagawin tayo. Ten minutes lang dapat andito ka na sa office!"

"Pero sir-"

"10 minutes and 50 seconds"
At nagsimula siyang magbilang.

Mabilis akong naligo at hindi ko nagawang kumain pa dahil baka sa isang iglap,mawalan ako ng trabaho. Buti na lang ay nakasakay na ako kaagad ng taxi at mabilis na akong angpunta sa FMCC.

"And 10 minutes is ove-"

"SIR EROLD!" hinihingal pa ako nun.

"SIR,NAKAABOT PO BA AKO?"

"Good. Eksakto. Ayun, mabilis ka pa lang kausap. O siya, magtrabaho ka na"

"Sir, sandali"

"Inuutusan mo akong antayin ka?"
Umupo ako sa may right table at nilapag ang gamit ko "Sir, hihinga po muna ako"

"Bakit ba kasi late kang nagising eh?! Nagrereklamo ka pa"

"Sir, late niyo po akong pinauwi" inis na sagot ko naman sa kanya.

"KASALANAN KO PA?!"

"Hindi naman po pero, umakyat po ako dito sa 7th floor gamit ang hagdan. Sira po kasi yung elevator"

Inirapan niya ako. "So? Hindi ko kasalanang nasira ang elevator" Tssss.Umagang-umaga ang sungit!

"Now, get ready. Mamaya, ikaw ang magprepresent ng report sa isang bigating client natin"

"Sir bakit ako?!"

"Trabaho mo yan! Pwede ba, nakakairita na talaga yang mga pagrereklamo mo.Maghanda ka, kapag hindi maayos yang kinalabasana ng report mo, TANGGAL KA NA"

Tapos bumalik na siya sa pagharap ng laptop niya. Lord, pangalawang araw ko pa lang po, tatanggalin niyo na kaagad ako sa trabaho? Hindi pa nga po ako sumweldo dito eh.
Eh kung sinabi niya sana kagabi sa akin eh di sana nakapaghanda ako ng sasabihin ko para sa kliyente niya! Nakakainis naman oh!
Huminto na ako sa pakrereklamo tapos umupo ako sa pwesto ko. Kailangan ko 'tong tapusin.

Pagpatak ng ala-una, napansin kong nawawal si Erold sa office namin. Kanina pa ba wala yun?
Lumabas muna ako sa office para tignan kung nasaan siya.
Ano yun? Bula? Biglang nawala? Baka naman multo talaga siya?

"JULIE!"

Napalingon ako sa left side ko at nakita kung sino yung parating. "Ate Maxx!"

"Ba't ka andito sa labas ng office nyo? Tara, pasok tayo." Si Ate Maxx pala ang General Manager nila dito sa FMCC.

"Hinahanap ko po kasi si sir Erold eh.I niwan na lang ako bigla"

When We Fall Inlove (Panalangin) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon