Chapter 40:The Epic Fail Moment

2.6K 22 0
                                    

[JULIE]

Kaya ko 'to. Ako pa.Papasok ako sa FMCC na parang walang nangyari.

Sabay kami ni Lexi na pumunta sa FMCC. Bago kami pumasok, natanaw ko yung dalawang kotse. Parang ngayon ko lang nakita 'tong dalawang 'to.

Papasok na sana kami sa elevator nung mabangga ako nung lalaki sa likod ko.

"Sorry miss"

Pupulutin ko na sana yung gamit ko nung tulungan ako nung nakabunggo sa akin..

"Ken?"

"Julie!" Mabilis niyang pinulot yung mga gamit ko tapos nginitian ako. "Told you. I'm gonna work here as an attendee of our company. Glad to see you"

Bigla na akong hinila ni Lexi. "Ah, hi Ken. Una na kami ni Jul kasi baka malate na kami"

"Okay! See you later!"

Diretso na kami kaagad sa 7th floor. Huminga ako ng malalim tapos binuksan na ni Lex yung office.

"Hi sweetie!" Si Ate Maxx kaagad yung bumungad sa akin. "Kamusta ka? Ready to work? May shipping bukas ng t-shirt ng FMCC. Kailangan nila ng statistics if our product is doing well"

"Ah sige po ate Maxx, matatapos ko po yun ngayon"

"You are really a blessing sa company namin. I'll talk to you later ha? Sige diretso ka na kay Erold" Nag-wink siya sa akin tapos umalis na siya.
Kakausapin niya ako mamaya? About what naman kaya?

Pumunta ako sa may booth naabutan ko si sir Erold na seryoso sa trabaho niya. Wow! Nagbabago na talaga siya.

Tumingin naman ako sa kanan ko nakita yung vacant space. Wala pa pala si Elmo. Hindi ko na lang pinansin at nag-focus na lang ako sa work ko.

****

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?! Ba't mo ba ko sinusundan?"

"I'm going to help you here!"

Malapit na ang lunch break nung bigla kaming bulabugin ng dalawang tao na pumasok sa office namin.Sino pa ba? Si Elmo at si Lauren. Magkasama silang dumating pero nag-aaway sila.

Napatingin sa akin si Elmo pero bigla niya ding inalis yung titig niya sa akin instead, binaling ulit ito kay Lauren.

"Hon, kasi kung susunod ka dito, dapat sinabi mo para nasundo kita, okay?" Sabay hawak niya sa kamay ni Lauren.
Ano yun? Kanina lang nag-aaway sila tapos eto, sweet-sweetan sila.

"I'm sorry hon" Then that girl hugged Elmo na nagcause ng pag-alis ng tingin ko sa kanilang dalawa. Why am I affected? "Oh, look who's here. The flirt girl" Nilapitan nanaman niya ako pero hinarangan kaagad siya ni Lexi.

"Sir Elmo, sana naman po kapag magdadala ka ng bisita dito sana naman yung may ugaling pangtao"

"Excuse me? How dare you! Baka hindi mo alam girlfriend niya ako at pwede kitang ipatanggal dito kahit kelan ko gusto kasama ng malandi mong kaibigan"

"And who said that you can fire them?" Tumayo na si Erold. Tinanggal pa ni sir Erold yung eyeglasses niya at saka pinunasan ito. "You're not even part of this company so what the hell are you doing here? Get out!"

"Teka teka" Tinabig ni Elmo si Erold para makalayo ito kay Lauren. "Maybe she's not part of this company but I'm his boyfriend at isa ako sa vice president dito kaya kahit papano, may karapatan akong magsama dito sa office ko" Nakita ko kung paano ipagtanggol ni Moe si Lauren.

When We Fall Inlove (Panalangin) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon