Chapter 30:Subic(Van Moments and The New Rival)

2.7K 38 8
                                    

[JULIE]

"Bakit ba kasi ikaw pa ang naging katabi ko?! Pwede namang si Julie na lang!"

"Sir Erold, hindi ko naman din naman gusto 'to ah"

"Huwag ka ngang dumikit sa akin!"

"Sir hindi naman ako dumidikit!"

"The both of you,can you please keep quiet? Magkasundo nga kayo kahit ngayon lang? Hindi niyo gayahin sila Julie at Elmo oh. Ang tahimik sa likod"

Paanong hindi kami tatahimik eh wala naman kaming dapat pag-usapan? Buti nga nag-uusap sila sir Erold at Lexi para naman magkaroon ng ingay sa van.

Almost 30 mins na din kaming nagbabiyahe pero wala pa ding nagsasalita sa amin ni Elmo kahit pa magkatabi lang kami. Nakita ko siyang naghahalungkot sa bag niya at naglabas ng isang box ng chips.

"Lex, for you" Abot niya kay Lexi.

"Thank you" Nakangiting sagot naman ni Lexi. "Baon mo?"

"Yeah. Share na lang kayo ni Erold.Madami naman yan"

"Eh sayo?"

"Meron pa dito. Sa inyo na yan"

"Thanks"

Sana pala hindi na lang ako sumama dito. It looks like babalewalain niya lang ako eh. Bakit kasi siya pa ang naging katabi ko? Ayan tuloy, nagmumukha akong tanga dito. Ang dami-dami kong gustong sabihin at tanungin kay Elmo pero para ano pa ba? For sure, hindi din naman siya makikinig. Galit sya sa akin.

Ipinatong ko yung ulo ko sa mga kamay ko then Iclosed my eyes. Itutulog ko na lang 'to.

****

[ELMO]

I saw Julie's reaction doon sa ginawa ko. She covered her face and sa tingin ko matutulog na siya. Nagui-guilty naman ako at the same time, naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ako magui-guilty? Tama lang yan.
But on the other side, I really care for her. And that's the point! I WANT TO STOP CARING FOR HER pero bakit hindi ko siya magawang tiisin?
Tapos naalala ko yung mga time na pinagluluto ko siya noon. Tbis is so frustrating.

And yeah, the next thing I knew, kinukuha ko sa bag ko yung paborito niyang Japanese food. Nagdala talaga ako para sa kanya. Oo, para sa kanya.

"Jul-"

I laughed sandali nang makita ko siyang nakasandal yung ulo niya sa may van. But I can't stop starin because she's just so pretty. Biglang napapreno yung driver namin kaya nauntog siya pero still, hindi siya nagising.

Lumapit pa ako sa kanya at kinuha yung ulo niya at isinandal sa balikat ko. Mas maganda ng nakasandal siya sa akin kaysa mauntog pa siya.

Just like the old times, I care for her and I love her. Sinandal ko din yung ulo ko sa kanya at natulog na din ako.

****

[MAXX]

I woke up when I felt that our van has stopped.

"Ma'am, stop over po muno tayo" Si Mang Dan yung driver namin.

Napalingon ako sa likod at tulog na tulog pa din sila pero my attention was really caught by Julie and Elmo. Ito talagang kapatid ko,ang torpe torpe. Kunwari pusong bato pa pero pag nakatalikod na si Julie, kung makaasta parang boyfriend lang siya.

Kinuha ko yung phone ko at pinicturan sila. They're so cute together.

"Guys, wake-up! Let us eat our lunch first. Lex,Erold, pakigising naman sila Julie at Elmo"

When We Fall Inlove (Panalangin) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon