Chapter 23.5:5 years After(THE NEW BEGINNING)

3.2K 37 9
                                    

5 years after.

[JULIE]

Saan pa ba ako pwedeng mag-apply. Iniscan ko yung newspaper pero wala akong makita na gusto ko.
This is giving me a real headache!

"Hija, magmeryenda ka muna"

"Manang! Saan pa po ba ako pwedeng mag-apply ng trabaho?" Sa sobrang hopeless ko, nagtanong tuloy ako kay Manang.

"Eh nasabi mo na ata sa akin lahat ng kumpanyang alam ko dito sa Maynila eh"
Napasandal ako sa may sofa.

"Manang, kailangan po ni Daddy ng maintenance na gamot. Magbabayad na din ako sa hospital ng bills niya. Kailangan po natin ng pera"

"Ahh ganoon ba. Sige at itatanong ko sa mga anak ko kung may mahihiraman sila ng pera. Ipapahiram ko muna sayo"

Ngumiti ako kay Manang at niyakap ko siya. "Salamat po ah? Promise po, maghahanap ako ng trabaho kaagad para makabayad din ako sa inyo"

"Nako. Wala iyon, ang laki ng tulong ng daddy mo sa akin eh"

"Salamat po talaga"

"O siya, didiligan ko lang ang mga halaman sa labas, baka matuyuan sila"

"Salamat po"

Haaay. Halos buong araw na akong nag-apply sa mga kumpanya kaso wala pa din.Ano bang problema nila sa akin? Grumaduate naman ako nasa top3 ng klase namin.Bakit pa kasi ngayon pa nalugi ang business ni papa.
Napabuntong hininga ako. It's been five years since grumaduate ako. Everything was going on smoothly until umatras ang mga business partners ni daddy kaya ayun, nalugi kami tapos nagbayad pa kami ng iba't-ibang finances. Doon napunta yungipon ni daddy at ang masama, last year, nagkasakit pa siya ngayon at kailangan ko ng magbayad ng bills sa hospital kaya kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho.
Nagtingin-tingin ako ulit sa newspaper at nakita ang isang kumpanya na hindi ko pa napupuntahan.

FMCC Inc.

Nilakasan ko na ang loob ko saka ko inayos yung sarili ko at mabilis na nag-taxi papunta doon.
Madaming mga nag-aaply sa posisyon na napili ko at eto ako, nakapila sa labas and not to mention,sa tapat ng araw. Biglang napadaan sa harap ko ang isang pamilyar na babae sa harap ko na papasok na sana sa loob.

"Lexi!" Napalingon sya sa akin at saka ako nginitian.

"Oh Julie. Tagal nating hindi nagkita, tatlong linggo din ata?" At saka siya tumawa. Laging dumadalaw si Lexi sa bahay namin tuwing day-off niya at tinutulungan ako sa bahay. Simula nung araw na kinausap niya ako, siya na ang naging pinakamalapit na kaibigan ko

"Dito ka pala nagtratrabaho?"

"Ah oo. Hindi ko pa pala nasasabi"

"Wala na akong ibang choice kaya nagpunta na ako dito. Sana naman matanggap na ako dito. Kailangan na kaming magbayad sa hospital eh"

"Ay sakto! Halika, huwag ka ng makipila diyan, pasok ka sa loob"

"Ha? Eh. Kailangan kong mag-apply"

"Halika na. Buti na lang at nagpunta ka kasi kadadating lang niya kahapon"

"NIYA?" Napakunot yung kilay ko.

"Oo.Tara! Bilis!"

Pinasok niya ako sa loob ng FMCC at dumiretso kami sa isang malaking office. "Dito ka ba naka-assign?" I asked her.

"Ah hindi. Office 'to ng boss ko"

"Ano?! Eh anong ginagawa ko dito"

"Huwag ka na ngang maingay! Tinutulungan ka na nga eh"
At saka siya tumingin sa may pinto at kinatok ito

When We Fall Inlove (Panalangin) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon