[JULIE]
"Julie Anne. Hija,you need to attend the ceremony"
"I... I can't-"
"Kaya mo 'to Juls. Ayaw kang makita ni Elmo na ganyan. Mag-smile ka naman"
"Lex, paano ako ngingiti kung yung rason ko para ngumiti, wala na?"
Mabilis ang naging takbo ng panahon. It's been a week after the accident. It's been one week since my heart was broken.
"Hindi na ako pupunta sa libing"
"Yan na ba talaga ang final decision mo?"
Tumango ako sa kanya. "Hindi ko kayang makita yung taong mahal ka na iiwan na ako nang tuluyan at hindi na babalik pa"
Huminga siya ng malalim. "Okay Juls, basta ha? Andito lang kami parati para sayo. Kahit anong pagsubok pa yan, hindi ka namin iiwan"
"Thank you" And I faked a smile.
I heard our car's noise.
They went off.
Nandito ako... mag-isa sa bahay.
Thinking what went wrong and searching for the answers.
Huminga ako ng malalim. "Elmo, I miss you already"
****
After that day, nagpunta naman ako sa bahay nila Moe sa Antipolo. The whole place was silent. Hindi katulad nang dati. Pati si sir Erold, wala din doon.
I saw their driver. Nag-aayos sya ng engine ng sasakyan. Mukhang aalis ata sila. "Kuya Dan" I smiled at him.
"Ma'am Julie"
"Kamusta na po kayo?"
"Nako maam, mabuti naman ho. Kayo ho dapat ang kinakamusta ko maam pagkatapos ng mga nangyari"
"Hindi pa din nagsisink in sa akin lahat na wala siya. Parang kahapon lang, magkasama kami"
"Oo nga maam, nakakalungkot ho talaga"
Naisip kong ibahin ang usapan. "Ah, andito po ba si sir Erold?"
"Nako ma'am, wala ho. Simula nung araw na naaksidente sila,nawala na din siya. Balita ko, ipinagamot ata sa mas malaking ospital. Yung mga bata naman na kasama parati ni sir Elmo, nasa condo daw palagi kasama yung nag-aalaga sa kanila. Wala pang kasiguraduhan kung saan na sila pupunta" There was a pinch of pain in my heart when he said that to me. Elmo loves those kids very much.
"Titignan ko po kung anong magagawa tungkol sa mga bata. Sino na lang pong andito ngayon?"
"Ate lang nila sir Elmo at ang mommy nila ang andito"
Nabuhayan ang loob ko. "Andito po si ate Maxx?"
"Yes ma'am. Pasok lang ho kayo. Welcome na welcome naman kayo dito sa mga Magalona. Andoon po si ma'am Maxx"
Dumiretso kaagad ako sa loob.
Bumungad sa akin si ate Maxx na nakatanaw sa malayo. She's wearing a simple jeans and a plain white tshirt. Her fingers was entangled with each other. Sobrang seryoso ng mukha niya but still, she noticed my presence.
"Julie"
"Ate Maxx-" I went straight to her. "Ah, kakamustahin ko lang po sana kayo at si sir Erol-"
"After a week, aalis na kami"
"Po?"
"You know how our story flow and probably, mas mahal ka pa siguro ng mga kapatid ko kaysa sa akin"
BINABASA MO ANG
When We Fall Inlove (Panalangin) COMPLETED
Fanfiction"I never believed in love, until you made me feel butterflies. Ano nga ba ang love? A thing that makes you happy? Is it when you feel something special for some? Or is it the pain that teaches you? For me, it's not it. Actually love is when you can...