Chapter 27:PAIN (ErLie Moment)

2.9K 36 8
                                    

[JULIE]

"Julie, ikaw mag-drive"

Inabot sa akin ni sir Erold ang susi ng kotse nya at ako ang nag-drive. Habang traffic, pasulyap-sulyap ako kay Elmo at Erold na nasa likod. Ngayon ko lang nakita ang pagkakaiba ng mukha nila.

Nakita ko si Elmo na nakapikit habang nakalagay ang earphones sa mga tenga niya. Pagod siguro siya sa flight niya.

Mas gwumapo siya ngayon.

Tahimik kaming nagpunta kay Mr.Garcia pwera lang kay Erold na kanina pa ako kinukulit. Tinignan ko ulit si Elmo, seryoso at ni kailan man hindi tumingin sa akin.

MR.GARCIA: Salamat sa pagpunta ninyong tatlo.

Andito kami sa isang private room dito kina Mr.Garcia kung saan ginanap yung contract signing. Nasa may gitna ako nila sir Erold at Elmo na nakaupo.

"Ah, Ms.San Jose?"

"Sir?" Agad kong sagot kay Mr. Garcia.

"Wala ka bang boyfriend diyan sa dalwang kasma mo?"

Nagulat kaming tatlo sa tanong niya. Napatingin tuloy kaming lahat sa kanya. "Ah sir wala po"

"Good! I'm inviting the three of you sa Subic this Tuesday. Ipapakilala ko ang anak ko sa iyo"

"What?" Si sir Erold.

"Mukhang single ka pa naman. May gusto akong ipakilala sayo. He's my son. I'll see you this weekend sa Subic. Ipapakita ko sa inyo ang resort namin doon. Kayong tatlo, be there, okay?"

"Ah sige po sir"

After naming makipag-usap kay Mr.Garcia bumalik ulit kami sa FMCC.
Iisa na lang ang opisina namin.

Kasama ko na ngayon si Sir Erold, si Ate Maxx, si Elmo at tatlong iba pang employee dito pero magkakaiba kami ng booth. Ang kaso, katabi ko yung booth ni Elmo sa may kanan at sa kaliwa naman ang kay sir Erold.

Napatigil ako ng makita ko si Elmo na nagsara ng macbook niya at lumapit kay Maxx. I heard them talking.

"I heard that Lexi is your secretary, asaan siya?" Si Elmo.

"Nasa 5th floor room 1" Sagot naman ni ate Maxx.

"Okay. Pupuntahan ko lang siya sandali. I miss her"

I went silent noong narinig ko ag salitang 'I miss her' sa kanya and watched Elmo as he went out. Ako naman ang tumayo at lumapit kay ate Maxx.

"Ate Maxx, pwede na po ba akong umuwi? Okay lang pong ibawas niyo sa sweldo ko, I'm just tired"

"No no" Ngumiti siya sa akin at saka tumayo "I understand you.Sige na, madami ka ng natrabaho. Sabihin mo lang kapag guguluhin ka ni Erold"

"Ah salamat po"

****

[EROLD]

Anong nangyari kay Julie? Parang mukhang matamlay ata?
Dumating lang si Elmo nagkaganyan na. Sabi na eh, may love affair sila!

Kinuha na niya ang gamit niya at saka na siya umalis. Pero bago siya makalabas, napuntahan ko pa siya sa may pintuan at hinarang ko siya.

"Opps. Saan ka pupunta?"

"Uuwi na po ako sir"
Matamlay niyang sinabi.

"Sino ang nagsabi?!"

"Sir Erold, tanggalin niyo na po ako sa trabaho kung gusto niyo. Pasensiya na po pero pagod na ako at pagod na din ang puso ko"

When We Fall Inlove (Panalangin) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon