Chapter 50.2: Play.Play.Play

2.3K 27 6
                                    

[JULIE]

"Sorry na. Ang totoo kasi niyan-" Biglang nagseryoso yung mukha niya. "May gusto kasi akong sabihin sayo"

"Magjojoke ka na naman?" Hinatak niya ako pabalik sa upuan ko.

"Julie, gusto kasi kitang ligawan" At saka napako yung tingin ko sa kanya. "Walang halong joke kasi yung nararamdaman ko para sayo, seryoso."

"HOPIA, MANI POPCORN. ABRA KADABRA! ANO 'TO?!"

Biglang dumating si James na pumagitna sa amin.

"PRACTICE! OO! PRACTICE! NAGPRAPRACTICE KAMMI NI JULIE PARA SA PLAY DIBA JULS?" Sabay kamot niya sa batok niya. Tumayo ako at saka lumapit kay James.

"Yup! Practice nga. Hindi naman seryoso, hindi talaga seryoso 'di ba, sir?"

"AY PRACTICE BA TALAGA? WITH MATCHING SPARK SA MGA MATA. DAIG NIYO PA YUNG KINTAB NG TILES EH. GANYAN? KALOKA!"

"Dapat naman sa practice may spark kaagad para mas kiligin yung mga tao, 'di ba Juls?" Si Erold.

"AY SIGE GANYAN! MEDYO TORPE, HASHTAG EROLD. Tse! Ewan ko sa inyo, ichika mo yan sa sexy back ko kaloka"

"Kaw talaga, tara" Inakbayan ko si James. "Tutulungan kita gumawa ng props tapos mamaya, diretso tayo sa mall mamili tayo mamaya nila Lex"

"Aba, gogora tayo mamaya? Gusto ko yan, bilis mo,wag ng patumpik-tumpik pa, karakaraka!"

Oo. Hindi seryoso si Erold doon.

****

After 2 hours, natapos na lahat ng props at yung iba pinapatuyo na lang. Right after we finished our lunch break, nagkaroon nan g general at final practice though I cannot call it a general practice kasi wala yung leading man ko, wala si Elmo. Yes, you heard it, hindi siya dumating. A part of me is hoping na dadating siya kaso wala kaya medyo naapektuhan din yung practice ng play kanina kasi lahat ng scene na kasali si Elmo, hindi napractice ng tama. Especially the final part, the most special part.

Assembly.

Pinatawag kami nung director ng play for our final meeting, and then we are off and ready for the play for tomorrow. Magsisix pm na din nung matapos namin lahat kasi naglinis din kami dun sa auditorium. Nagpapahinga kami nung abutin ako ng tubig ni Ken. Tumabi siya sa amin tapos nakipagkwentuhan sa iba pang mga co-workers din namin especially, kina James, Erold at Lex. Tahimik lang ako dito sa upuan ko habang sila nagtatawanan. May isang bagay kasi na kanina pa gumugulo sa isip ko.

"Julie, gusto kasi kitang ligawan.. walang halong joke kasi yung nararamdaman ko para sayo, seryoso."

Psh,kelan ba yun nagseryoso? Hindi naman ata kapani-paniwala haha. Pero bakit ganon? May parang tumutusok sa puso ko.... Elmo.

"Uy ikaw, naniniwala ka ba doon sa legend?" Siniko ako bigla ni Lex and it caused me to go back to reality.

"Ha?"

"Ano ba yan! Kanina pa kami daldal ng daldal dito tapos di ka naman pala nakikinig"

"Ay sorry. Inaalala ko kasi yung mga lines ko, medyo kinakabahan kasi ako" Palusot ko. "Ano nga ulit 'yon? Yung legend na sinasabi niyo?"

"Ganito kasi yun Julie-" Si Ken na yung nagsimulang magexplain lahat ng pinag-uusapan nila. "Since after ng theatre play bukas, didiretso na tayo sa open field for the socialization that will be held in our old University!"

When We Fall Inlove (Panalangin) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon