PART 3: THE FINALE (DESTINY)

2.7K 83 42
                                    

PART 3: THE FINALE.

"Sabi nila, save the best for the last.So I am saving ELMO because he is the best and I want him to be my last"

-Julie.

[JULIE]

Napangiti ako habang sinusulat ang huling mga linya na pumasok sa isip ko noong huling gabi na kasama ko si Elmo.

3 years and counting.

I pushed my chair and turned it around.

"Lunch Break! Lunch break!"

"Finally! Nakakagutom talagang magtrabaho"

"Julie!"

Lumapit siya sa akin na may dalang plastic bag.

"Kain na. Bawal malipasan ng gutom"

"Thanks Ken!"



"Papa Ken! Sinusundo ka nung supervisor mo!"

Nginitian niya ako tapos lumingon sa likod niya. Hinihingal na dumating sa booth namin si James. "Oy mister Ken, balik ka na sa kumpanya ng daddy mo. Mamaya pa uwian niyang si Julie Anne. Mamaya mo na sunduin"

Napakamot si Ken sa batok niya. "Ah sige, una na muna ako Julie. Sunduin na lang kita mamaya"

Tumago ako sa kanya at ibinaling na ang tingin ko sa mga papeles na nasa harap.

"Aba, napaka persistent naman nyang si papa Ken ^______^ sagutin mo na kasi. 3 years na din siyang nanliligaw sayo atembang"

"Nanaliligaw?" Tinignan ko siya ng masama. "Ilang beses ko ba uulitin sayo na hindi nanliligaw si Ken? Friendly lang siya. Magkaibigan lang kami at hanggang doon lang yun. Ikaw huwag mo nga kaming binibigyan ng malisya"

"Sus! Asus! Asus. Friendly lang siya? Friendly lang ba talaga? Ikaw kasi yung may problema atembang, yang puso mo sarado na nang tuluyan simula iwan ka niyang si Magalona. Sigurado ka bang naalala ka pa niya?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa mga sinabi sa akin ni James. "I don't know" Itinabi ko sa gilid yung mga papel na nasa harap ko. "Let's go back to work"

Naalala niya pa kaya ako?

Paano kung hindi na nga?

Paano kung may iba na pala siya?

Paano kung naghihintay lang pala ako sa wala?

Aish.

Ginulo-gulo ko yung buhok ko saka tinakpan ang mukha ko gamit yung mga kamay ko.

3 years.

Ganon na din pala katagal ang lumipas. 3 years since he left me. 3 years since my life became totally incomplete. 3 years of sadness, 3 years of waiting.

****

I squeezed the cup I am holding while staring at the stars in the middle of the night.

I am outside our house staring above.

"Julie, yung libro mo naiwan mo sa may table sa ibaba. Baka hanapin mo"

Narinig ko ang paglapag ng libro sa katabi ko na mesa pero hindi koi to pinansin. Andoon lang ako na nakatingin sa taas at ayaw mapalampas ang bawat segundong lilipas na hindi nakatingin doon.

"Anong ending nito?"

This time, I heard someone sat beside me. It was James and he scanned the book.

When We Fall Inlove (Panalangin) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon