Chapter 32:Breaking Free

2.6K 33 5
                                    

[JULIE]

"Mo... Moe"

"Hi"

Tinabihan niya ako at saka siya tumingin sa malayo.

"Bakit ka ba nagmamaktol dito? Sumisigaw ka pa. Pwede mo naman akong lapitan na lang at sabihin lahat ng nararamdaman mo"

Nakatingin pa din siya sa malayo habang nagsasalita. Narinig niya pala lahat ng isinigaw ko. "I... I'm sorry"

"Ang peaceful dito sa beach no? Lalo na ganitong oras. Naisipan kong magpunta dito kasi may naalala ako noon. Hmmm, sa akin at sa fiancé ko"

"Moe-" I keep on staring at him pero nakatingin pa din siya sa malayo.

"Tinanong ko siya noon kung saan niya gustong magpakasal, sagot niya sa akin, gusto niya ng beach wedding. Akala ko nung una, baduy pero ngayon, nage-gets ko ng kung bakit niya napili dito"

"Elmo I'm so-"

"Namiss kita Julie"

Bakit...bakit ba siya ganito? Nung isang araw lang masungit siya pero ngayon nandito siya sa tabi ko. Ang dami-dami kong gustong sabihin sa kanya. "Elmo, paano mo ba ako mpapatawad?"

"Matagal na"

"Pero bakit ganyan ka pa rin sa akin? Bakit?"

"I don't know. My mind is telling me to hate you but my heart is telling me to love you. I want to stop caring for you pero at the end of the day, hindi pa din kita matiis. Everyday, my feelings for you is killing me. Ikaw ang laman ng puso,i sip ko pero bakit mo nagawa sa akin yun Julie? Bakit mo 'ko iniwan?"

And finally, nakapag-usap na kami.

"Para din naman sayo yun eh" Tinitignan ko siya sa mata. Ramdam ko na nasasaktan talga siya. "Pwede bang patawadin mo na ako? Pwede bang ibalik natin yung dati? Pwede ba Elmo?"

Nung tanungin ko yun, tumitig siya sa akin ."Julie, you will always be my first and I'm proud of that. You're my first love but at the same time, you are my first heart break pero alam mo, masaya pa din ako kasi I made a mark in your life. I'm lucky to be your first kiss because no one gets to become the first kiss anymore kaya kung pwede sana, set me free. Set my heart free" Biglang napatulo yung luha ko. "Papatawadin kita kung papakawalan mo na ako, please Julie"

"No I can't"

"Kasi noon pa matagal na kitang pinalaya. Will you? Set me free? Ito na yung huli na makikipag-usap ako sayo ng ganito. Sana kung papalitan mo ako, yung kasing gwapo ko din ha?"

"Wala ka ng kasing gwapo pa. Nag-iisa ka lang Moe"

"I love you Julie" Niyakap niya ako. Ito na ba yung huli na mararamdaman ko yung ganitong yakap niya? "I love you and goodbye future."

Matagal niya din akong yinakap hanggang sa magdecide siyang pakawalan na ako. For the last time, I saw his smile. That smile na matagal ko ng hindi nakikita.
Naglakad na siya sa akin papalayo. Ang hirap, sobra. Nakikita mo yung taong mahal mo na papalayo sayo. ParanG tumigil ang pag-ikot ng mundo ko.

"ELMO!" I called his name for the last time. Bukas, makalawa at sa mga susunod pa na araw, wala na akong chance na makipag-usap pa ng ganito sa kanya. "SALAMAT HA! SALAMAT KASI NAPADAAN KA SA BUHAY KO! AANTAYIN KITANG BUMALIK ULIT!"

****

[ELMO]

Umiyak na naman siya dahil sa akin. Isa na siguro sa pinakamasakit na bagay na mararamdaman mo ay yung pakawalan yung taong mahal mo na ayaw mo naman talagang mawala sa buhay mo.

Aantayin ko yung oras na handa na kitang mahalin ulit Julie but now, let us set each other free. Loving you was the best thing that happened in my life and I don't regret that .

When We Fall Inlove (Panalangin) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon