Chapter 34: Reel to Real :)

2.9K 46 10
                                    

[JULIE]

Okay, ano na namang palabas 'to? Nagbalikan daw kami ni Elmo? Eh diba nga nag-emote kami kagabi? Ano ba yan.

"Mapagbiro ka talaga sir Er-"

"Of course kami na ni Julie ulit! Right, babe?" Babe? Ano? Babe daw.
Kinindatan ako ni Elmo at parang sinasabi ng mata niya na maki-ride ako sa mga nangyayari. Oh well.

"Haha, yeah. Sorry Ken. Elmo and I are back together"

"Ga ganun ba?" I saw his disappointment on his face. "So mukhang naexplain mo na lahat sa kanya. Good, I'm happy for you"

"Plastic" Sabi ni Erold.

Mr.GARCIA: Okay! So settled na 'to. I hope this will not affect our relationship as company partners. Maybe you can be all friends, and that will be great. Congrats!

Ano ba 'tong pinasok ko? Okay.I mean, naging fiancé ko si Elmo pero hindi ko pa siya naging boyfriend. Oha! Kakaibang relasyon talaga. Nauna ko pa siyang maging fiancé kaysa boyfriend. And I don't know how to have a boyfriend.

Pagkatapos namin kumain, nagpunta na kami sa docking area kung saan namin aantayin yung boat papunta sa kabilang island and guess what? Umaacting kami ni Elmo na parang couple talaga.

Tahimik lang sa isang tabi si Ken. Si Ate Maxx, nagpaiwan sa hotel. Actually, kaming mga bagets lang ang pupunta sa kabilang isla.

"Sir Erold, may shell dito" Si Lexi.

"I don't care kainin mo kung gusto mo!" Hahahaha. Si sir Erold talaga.

Lumapit ako sa kanila at pinisil ko yung ilong ni sir Erold. Nagiging hobby ko na yun sa kanya. "Sir, takot ka sa shell? Ah ,hindi siya shell Mukha lang. Sir look oh, hermit crab siya!"

"Gusto mo ipakain ko sayo yan?! Dun ka nga! Nakakasira ka talaga ng araw!" Lumapit siya sa akin at saka bumulong. "Andito si Ken oh! At bakit andito ka?Iniwan mo yung boyfriend mo!"

"Jul! Gusto mo sumama muna sa akin sa shop? Madami ka talagang mabibili doon!" Lumapit si Ken sa akin.

"Ah, hahaha. Magagalit yung boyfriend ko. Elmo babes!Wait ha, kakausapin ko lang"

Naguilty naman daw ako at iniwan ko siyang mag-isa.

"Moe?"

Napatingin siya sa akin at saka nagsalita. Nasira ko ata mood niya. "Baaka"

"Ano?!vAko baka?!"

"Baa-ka!" (Japanese word for: idiot)

"Ah, okay. Bakit mo naman ako tinatawag na idiot?"

"Alam mo yung meaning?"

"Tsk .I'm a fan of anime nung bata ako no! Kaya nagka-interest akong mag-aral ng Japanese! Teka, bakit mo ba ako tinatawag na baa-ka?" Nagpout ako. Wala naman kasi akong ginagawa tapos tatawagin niya na naman akong ganyan. Problema na naman niya? -_-

"Bakit mo kasi iniiwan mag-isa? Nagmumukha akong kawawa dito. Boyfriend mo ako no"

"Fake boyfriend"

"Kahit anong boyfriend pa yan, basta boyfriend pa din"

"Gomen-nasai" (sorry) "Sorry na talaga" Hindi pa din siya ngumiti "Sorry na Elmo babes" feel na feel naman nito.

"Apology accepted. Tara,andoon na yung bangka"

"Wait!"

"Hm?" tapos tumingin siya.

When We Fall Inlove (Panalangin) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon