Chapter 44:Mystery Of The Rain(JULIELMO)

2.6K 45 14
                                    

[JULIE]

Tumayo siya at inabot sa akin yung kamay nya. "Julie, run away with me"

Pagkasabi na pagkasabi niya nun, ngumiti ako kay Erold. Ewan ko kung ano pumasok sa utak ko at naisipan kong sumama sa kanya. He offered his hand at nakipag-holding hands ako sa kanya palabas. Inisnob niya yung media at tuloy-tuloy lang kami hanggang makarating sa kotse nya. Basta ang alam ko sa mga oras na yun, gusto kong kumawala sa loob ng hotel na yun. Gusto kong makawala sa harap ng media, sa lahat ng taong andoon at higit sa lahat, kay Elmo.

For the second time, he broke my heart. Wala na talaga. Ibang-iba na yung Elmo na nakilala noon. Yung taong halos makipagsuntukan para lang maipagtanggol ako. Time can really change a person nga naman.

"Sir, hatid niyo na lang po ako" Seryoso kong iniisip yung mga bagay na yun nanf maalala ko si Erold. Masyado siyang seryoso sa pagdradrive. Tinignan ko yung daan namin at hindi naman 'to yung daan papunta sa apartment namin. "Sir, saan po ba tayo pupunta?"

"Sobrang formal mo naman. We are out of FMCC kaya you can call me E" Natigilan pa siya. "Erold" Hindi lang siguro ako sanay na matawag lang siyang Erold. "Ah, Erold pwede bang ihatid mo na ako sa bahay? Pagod na kasi ako"

"Sandali lang Juls, mabigat ba yang nararamdaman mo? I know a place where you can say your feelings out loud"

"Ha?" Hindi ko siya nagets, okay? Gusto ko na kasing umuwi pero ngayon ayaw niya pa akong ihatid.

"Sabi ko, I know a place where you can feel good. Sabi nila you really like that place" Nila? Sinong nila?
Ayan,nagiging weird na naman siya eh. Una, kilala niya yung celebrity crush ko. He even said some lines na sobrang pamilyar sa akin pero hindi ko nga lang alam kung kanino ko narinig and now, dadalhin niya daw ako sa lugar na memorable sa akin.

Naalala ko yung sinabi sa akin ni Erold nung isang araw.

Julie, tutulungan kitang kalimutan si Elmo. Liligawan kita.

Bakit ba kasi itong si cupid eh? Papana na nga,mali-mali pa. Erold doesn't deserve me.

****

[EROLD]

"Hoy, saan ka nanaman ba pupunta?!"

"Nakakainis ka na ah! Wala ka na bang ibang alam gawin kundi sundan ako?!"

Hahanapin ko yung Lauren na yun. I will never forgive her of what she did to Juls. Tatanga-tanga din kasi ako! Ni hindi ko man lang siya pinagtanggol! All I did was to watch that effin' girl criticize Julie. Nakakainis and all I did was to pretend as Elmo! Yun yung masakit eh. Hindi ko man lang naipagtanggol si Julie kasi hindi pwede! Hindi ko siya pwedeng mahalin kasi may mahal siyang iba. Tanga, ano bang sinabi ko? Mahal? Kinalimutan ko ng magmahal.

Arrrggghhhhh >.<

Sinipa ko yung gulong ng isang kotse doon. Tinangay ata ni Elmo yung dala naming kotse kanina. Anong sasakyan ko pauwi?!

"Uy sir, balak niyong sirain yan?"

"Pakielam mo ba?! Bakit ka ba laging nangingialam?!" Bakit sa dami ng tao sa mundo siya ang matitirang kasama ko dito?!

"As if namang pinapakielaman kita sir eh. Hindi niyo po ba naisip? Baka mamaya yang kotseng sinispa ay sa may-ari ng hotel na 'to? Oh eh di mane-news kayo nun, baka bumaba ang tingin nila sa vice president ng FMCC. Gusto niyo ba 'yun?" Napaisip naman ako sa sinabi niya. May nasasabi din pala siyang tama. "Ba't ka ba naka-upo diyan sir?"

"Tsk! Wala ka na doon!"


Tumayo ako at nilagay yung kamay ko sa loob ng pocket ko and started walking. Malay ko ba kung saan ako mapapadpad. Isang tao lang naman gusto kong makasama ngayon eh ata parang si Julie yun. Siya na naman nasa isip ko! Ginayuma ata ako nun! Badtrip!

When We Fall Inlove (Panalangin) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon