Chapter 18:Twisted Faith

3.1K 33 0
                                    

[KEN]

After that incident, nag walk-out si Julie. Pero imbes na pabayaan siya sinundan ko siya.

I saw her babagsak na siya kaya tumakabo ako ng mabilis para masalo ko siya at sakto namang naabutan ko siya. Mainit siya. I guess she have a fever.

Naisipan kong dalhin si Julie sa condo ko since umuulan din nung oras na yun.

Nakatitig lang ako sa kanya habang tulog pa siya. It's already 5 pm. Ngayon ko lang narealize, ang ganda-ganda niya pala. Ngayon ko lang narealize.

Gumalaw siya ng kaunti at unti-unti niyang dinilat yung mga mata niya

"Where am I?"

"Sssh.Calm down. Andito ka sa condo ko. Bumagsak ka kasi kanina nung nag walk-out ka sa gym. Hinabol din kita that time"

"Th... thanks. Nakakahiya tuloy"

"Hindi ko naman hahayaang bumagsak ka lang doon. Ayokong napapahamak ka Julie" Totoo naman eh, ayokong nakikita siyang nasasaktan "Uhm may damit diyan. Pagpasensiyahan mo na ha? Damit ko kasi yan, pero mas ayos na magpalit ka na lang"

"Thanks"

****

[JULIE]

Naramdaman ko na nahihilo pa ako. Siguro nga hindi nakaya ng katawan ko yung mga nangyari kanina.

I found myself dito sa condo ni Ken. Aww he really cares for me.

Pumasok ako sa cr tapos nagbihis ako. Sinuot yung damit niya.

"Aww you are so cute wearing my shirt" Nahihiya tuloy ako.Hindi ko alam yung isasagot ko. "Hey, huwag kang mag-blush Julie, mas maiinlove ako sayo niyan eh"

"Ang... ang galing mo din talagang mag-joke.Haha" Though, crush ko si Ken pero hanggang crush lang talaga yun.

"Uhm,tara Julie.Upo tayo sa may terrace"

Sinundan ko na lang siya papunta sa terrace nila. Kumuha siya ng hot chocoloate tapos binigay niya sa akin. Aaw, he's so sweet.

"Do you love him?" Halos maibuhos ko yung iniinom ko nung tinanong niya ako ng ganun at sure ako, si Elmo ang tinutukoy niya

"Hindi ko pa alam" Hindi ko ba talaga alm o nagmamaang-maangan lang ako?

"Ha? Bakit? 'Di ba he is your fiancé?"

"WHAT?!Paano mo nalaman?"

He is strumming his guitar that time "Let's just say..." napatitig sa akin si Ken. "Nag-usap kami ni Elmo at nagpaalam siya sa akin kung PWEDE KA DAW BA NIYANG MAHALIN NG LUBUSAN"

Sobrang nagulat ako sa sinabi niya. Si Elmo? Nagpaalam daw na mahalin ako?

"Hmm. Hindi ka ata makasagot. I do not have the right words to say it. Si Elmo, siya yung makakapag-explain sayo. Halika, mag-dinner na tayo"

Nginitian ko siya tapos nag-dinner kami.Hindi ko mapigilang hindi tumingin sa oras. It's already 11:49.

****

[ELMO]

Pinatay ko yung ilaw sa living room nila Julie at saka ako humiga doon sa sofa para antayin siya.

Magmimidnight na. Saan ba yun napadpad?
Pumikit muna ako tapos saka biglang bumukas yung pinto at siya na nga... si Julie.

"Julie?" Napatayo ako agad. "Anong oras na, saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinihintay ah" Hinawakan ko yung kamay niya "Uy,sumagot ka naman, please. Bakit pala ganyan ang damit mo? Sino ang kasama mo?"

"STOP. It was Ken. Sa condo niya, nabasa yung damit ko at pinahiraman niya ako. Ngayon lang ako nakauwi kasi we had our dinner. Anymore questions? None? Okay.I'll go up"

Ken! Ken na naman! Andito naman ako.Pero sa bagay, hindi ko siya masisisi.

"Moe" Akala ko nakapasok na siya sa kwarto niya pero hindi pa pala.

"Yes?"

"Okay na ba yung sugat mo? Kung hindi, just call me.Gagamutin ko"

Awww, she is so sweet. Kahit galit siya sa akin, hindi niya pa din nakakalimutan na fiancé ko siya

"Naah. Okay na. You're tired.Goodnight"

****

[JULIE]

Humiga ako sa kama ko at saka nag-analyze ng mga bagay-bagay.

-Una,pumasok ako dito sa kwarto ko ng nakangiti. Dahil ba ito kay Elmo?

-Second, dumating ako sa bahay ng sobrang late at nakita ko si Elmo sa sofa at inantay ako.

-Pangatlo, nagpaalam si Elmo kay Ken na mahalin ako.

Sabi ko nga, kung magpapatuloy na magiging okay kami, hindi malabong pagdating ng November, siya na nga ang mapapangasawa ko, pero bago man lang sana yun, maging boyfriend ko muna siya.

Napatitig ako sa may side table ko at nakita ko yung letter na bigay ni MA nung birthday ko at napa-isip ako. Yung laman nung letter,sobrang tumagos sa puso ko at napaisip ako kung sino ba talaga yun. Haaay. I closed my eyes and think about him

"MA"

"MA"

"MA"

"Elmo Magalona?" Tanong ko sa sarili ko.Paano naman yung mga natitira?

Nakakapagod naman mag-isip.. "Moses?"

"Moses... Arroyo?" at napalakas na nga ang boses ko.

"ELMO MOSES ARROYO MAGALONA? THEN IF MA YUN, MOSES ARROYO?"
He used his second name and his mom's surname before!

Oh my gahd Julie?! How can I be so tanga all the time? Oo tama, si Moe nga tapos napangiti ako.

****

Bumalik na kami sa dati ni Elmo lalo na nung nalaman ko na sa kanya galing yung letter. Yung tipong sweet isa't-isa. Para ngang natural na sa amin yun.

It is the first day of October. Yes, isang buwan na lang at NOVEMBER na. Ito yung buwan na binigay na palugit sa amin ng parents namin. Balik na din kami sa soccer practices.

Andito ako ngayon sa soccer field.Balik na din kami sa practices. Andito ako, nagpapahinga tapos pinapanood yung mga teammates ko.

"Hey,gusto mo?" Sabay may humawak sa balikat ko.

"No thanks na lang" Si Elmo pala.

"Wait, ano yan?" Turo niya sa tuhod ko. "Bakit may bandage ka na naman? Nasugatan ka nanaman?"

"Gasgas lang yan"

"Kahit na, ayokong nasusugatan ka. Maski nga lamok ayokong pinapalapit sayo" Na-speechless na naman ako sa sinabi niya.

"Heyyy" Okay. May lamok na dumating este langaw "Can I borrow Elmo first?" Tapos hinatak niya si Elmo palayo sa akin. Nakakainis talaga si Lexi.

Ang arte! Can I borrow Elmo first? Grabe, gamit ba si Elmo para hiramin? Dapat pala sumagot ako sa kanya ng No.You can't borrow Elmo, he's mine.

Okay =_= ano ba yang iniisip ko.

Elmo, natamaan na ba talaga ako sayo? Simula nung sabihin sa akin ni Ken yung feelings ni Elmo para sa akin, eto ako, nagbukas ng chance na sana maging kami ni Elmo.

Sa kakaisip ko ng mga bagay,di ko namalayan na bumalik na pala si Elmo. "Julie?"

"Uhmmm? So anong nangyari? Ano na namang sinabi niya sayo?"

"Julie, can we make things work out?" Seryoso niyang sinabi.

"Ha?"

"Julie, let's make things work out. Can we be together? For real?"

When We Fall Inlove (Panalangin) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon