Chapter 20:The Band Show

3K 41 6
                                    

[ELMO]

"Elmo, kung pwede lang kitang angkinin habang buhay, matagal ko ng ginawa. Pero kahit anong mangyari sa tingin ko may pipigil pa rin. Pero ito tandaan mo, mamahalin kita kahit ano ang mangyari."

Her words really hit me.Ang weird niya. Simula nung bumalik siya kanina pagkatapos niyang may kausapin sa cellphone, ganun na siya. Sino ba yung nakausap niya?

****

Nandito ako sa may couch at inaantay si Julie na bumaba. Sabay kaming pupunta sa event ngayon which is the Band Show. Kinakanta ko din sa isip ko yung mga lyrics ng song number ko. Yes, isnag surprise solo number ang gagawin ko at iaalay ko yun kay Julie.

"Elmo,okay na ba yung suot ko?" Napatingin ako sa may hagdan habang pababa si Julie. Natulala ako sa kanya "Uy"

"Ah" Bigla akong natauhan. "No"

"HA?! Teka, magpapalit ako"

"I mean no! Hindi siya okay kasi para sa akin, sobra siyang okay" At nag-blush si Julie. She looks so simple yet so pretty ans classy with her maxi dress. "Let's go?"

"Okay"

Dumating kami sa event na puno ng mga seniors at juniors. Biglang tumakbo palapit sa amin si Kris. "Hey guys" medyo hinihingal pa siya "Kanina pa namin kayo hinahanap ni Jay. Nag-iba kasi yung competition"

"What?!" Si Julie.

"So here. Dapat, dalawang song ang ipeperform natin tonight"

"Don't worry, I have my own song" Tss. Sayang naman, hindi na magiging surprise number yung gagawin ko.

"Wala kaming prine-pare ni Jay. Ikaw Julie?"
Tanong niya sa kanya.

"Ha ah eh sige"

****

[JULIE]
Napakagat ako sa daliri ko nung nag-oo ako kay Kris. Ang totoo niyan, hindi ako prepared. Patay, anong na namang kakantahin ko? Bakit ba lagi akong nagkakaaberya sa mga ganitong kanta-kanta? Hayyy!

At the same time, pumasok sa isip ko yung pagtawag sa akin ni ate Maxx kanina at napuno na naman ng lungkot ang mukha ko.

Hinarap ko si Elmo na ngayon ay busy sa cellphone niya "Moe?"

"Hmm?"

"Promise me" At saka siya napatingin sa akin. "Just promise me"

"Ano ba yun?"

"Ipangako mo na kahit anong mangyari ngayong gabi, uuwi tayo ng sabay"

Hinawakan niya yung mukha ko. "You are so pretty tonight kaya you better smile. I promise you, sabay tayong uuwi"

"Julie!Elmo" Nasira ang moment namin nung sinenyasan kami nila Kris at Jay. "Guys,tayo na next!"

Inoffer sa akin ni Elmo ang kamay niya. I hold his hand tapos sabay kaming nagpunta sa may stage. Ako ang unang kakanta kaya kinakabahan na ako. Si Jay sa may guitar, si Kris sa may beatbox tapos si Elmo sa piano at ako nga ang nasa vocals.

MC: Please welcome, The Orange Band.

Nag-start si Kris na magbeatbox...

****

[ELMO]

Mag-start na sana akong pumindot ng isang key sa piano nung biglang magsalita si Julie.

When We Fall Inlove (Panalangin) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon