[JULIE]
Just to inform you guys, nauna na ako sa Manila. I need to finish some papers. Tambak na tayo sa works. Get here soon as possible.
-Maxx
Binasa ko yung text ni ate Maxx. So nauna na pala siya.
"Good morning" napalingon ako tapos si Elmo pala.
"Moe? Ang aga mo ata?"
"Siyempre para makapag-good morning ako sayo. Ayaw mo ba sa ganung boyfriend?" Okkkaayy. I think he is really serious. "Tara na. Andoon na sila sa van. Tapos si Ken inaantay ka sa may lobby" Tapos umalis na siya dala yung ibang gamit ko.
Aalis na kami. Sayang. Ang ganda pa naman dito sa Subic. Hindi ko makakalimutan dito, lalo na dito kami naging okay ni Elmo.
Nakita ko si Ken na inaantay ako sa may lobby kaya nilapitan ko siya kaagad tapos ngumiti siya sa akin.
"Jul, ingat kayo sa biyahe niyo"
"Oo naman. Ikaw kailan balik mo ng Manila?"
"Bukas siguro and guess what?" tanong niya.
"What?"
"Haha. Sasabihin ko na lang pag nagkita na tayo doon. Text mo lang ako kapag may problema ha? Lalo na doon sa boss mo!"
"Hahah. Chill, okay naman kami eh. Sige see you soon!"
So I think hindi pa ito yung last na pagkikita namin ni Ken since babalik din siya sa Manila. Nakita ko si Elmo sa may harap nung pinto, inaantay ako kaya nagmadali ako palapit sa kanya.
"Tara na?" Naglakad ako pero si Elmo hindi gumalaw. Problema nito? "Moe"
"Ah tara"
Umalis na kami, dumiretso sa van pero bago kami makarating, may mga humarang na bata sa akin. Mga tatlo din sila. Napansin ko naman si Elmo na parang nagulat din. Napatigil tuloy ako at tinanong kung anong kailangan nila.
"Ate..Ate" Akala ko manlilimos sila.Pero hindi pala.
"Ate,pinapabigay po nung lalaki kanina" Inabutan ako nung isang bata ng isang pirasong rose. Take note, kulay orange siya tapos may nakalagay na: I. Tapos sumunod yung isang bata: LOVE tapos yung panghuli: YOU "Ate, orange na bulaklak daw po para sa inyo" Ang cute nila. Napangiti tuloy ako ng sobra.
"Hello ang cute niyo naman. Salamat ha? Sinong nagpapabigay nito?"
"Sabi daw po sabihin namin, siya daw si SUPERMAN" Sabi nung batang babae. Superman? Na naman? Teka, si SUPERMAN ko na nasa Manila andito din sa Subic? Baka stalker!
"Salamat sa inyo ha"
"Wala pong anuman" Tapos nagsialisan sila.
Natuwa naman ako sa ginawa nila. Pero sana magpakilala na yung taong yun, ang laki pa naman ng utang na loob ko sa kanya. Sana talaga, magpakilala na siya.
Nakita ko nakasimagot si Elmo habang ako naman tuwang-tuwa. Nakalimutan ko kasama ko nga pala siya "Uy, sorry. Galit ka ba?"
"Tsk. Dumadami ata yang stalker mo! Kilala mo ba kung sinong nagbigay niyan?!" Uh-oh. Galit na siya.
"Hindi eh. Superman daw"
"Wow ha. Ang baduy naman niya. Torpe siguro yun! Hindi magawang magpakilala!"
"Yieee, nagseseolos ka lang ata eh. Don't worry, ikaw lang ang superman ko"
Lumapit naman yung mukha ni Elmo sa akin. Nakakagulat naman yung mga moves niya. Uhh, as in sobrang lapit ng mukha niya sa akin tapos tumingin pa siya at ngumiti ng nakakaloka. Ano bang ginagawa niya, hindi ako makahinga "I DON'T NEED TO BE YOUR SUPERMAN, BATMAN OR SPIDERMAN. All I want is to be YOUR ONLY MAN"

BINABASA MO ANG
When We Fall Inlove (Panalangin) COMPLETED
Fanfiction"I never believed in love, until you made me feel butterflies. Ano nga ba ang love? A thing that makes you happy? Is it when you feel something special for some? Or is it the pain that teaches you? For me, it's not it. Actually love is when you can...