[JULIE]
Hawak ko ang lips ko na pumasok sa loob ng apartment namin. Hindi pa din nagsisink-in lahat ng mga nangyari. Dire-diretso ako sa loob tapos humarap kaagad ako sa salamin. Tinignan ko yung lips ko. He really kissed me.
Parang pagkatapos nung nangyari sobrang nauuhaw ako. Diretso ako sa kusina para kumuha ng tubig at ininom ko ng mabilis tapos tumayo na naman ako sa harap ng salamin tapos kumuha ng tubig.
Ang init!
Ginamit ko yung kamay ko na pamaypay.Ang inet talaga! Swinitch ko yung electric fan pero ang init pa din! Bakit ba hindi pa din ako mapakali.
Naisipan ko umupo ako sa may sofa pero teka, kinapaka ko yung inupuan ko. Bakit, bakit ang tigas?
"WAAAAAAH!" May biglang tumulak sa akin patayo kaya halos tumalsik ako sa dulo.
"ANG BIGAT MO!!!!"
"JAMES?!" Tumingin ako sa likod ko.
"NAKAKALOKA! BA'T MO KO INUPUAN! NAKAKALOKA TALAGA."
Tumayo siya tapos umupo ng maayos. "Ano bang ginagawa mo dito?"
"Inaantay ko kayo malamang! Ikaw teh? Lutang ka pa ata eh! Inuupuan mo ako eh kita mong diyan ako natutulog 'di ba? Nakakaloka"
"Sorry" tumayo na ako para sana pumasok nang bigla akong hatakin ako ni James pabalik sa inuupan namin. "Oh, ano?"
"Anong ano ka diyan? Iiwan mo na lang ako after mong sirain ang pag-be-beauty sleep ko?! Nasaan si Lexi?"
"Oo nga, nasaan si Lex?" Bigla niya akong sinapak ng mahina. "Ikaw ang kasama nung tao tapos hahanapin mo sa akin? Ano bang nangyari sayo?" Tumayo siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Oh my! Nagahasa ka ba?!"
This time, ako naman yung sumapak sa kanya. "Ang dami-dami mong pwedeng isipin, yan pa?! Teka nga! Pwedeng pagbihisin mo muna ako kasi medyo basa pa ako. Antayin mo ako dito"
Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis. Medyo basa pa kasi ako kasi nga nagmoment kami ni Erold sa upuan.
Napaupo ako tapos hinawakan nanaman yung lips ko.
Napaksweet niyang humalik.
Oh no ano ba itong iniisip ko?!
Basta pagkatapos nung kiss na yin may silence between us. After a while, niyakap niya ako sa gitna ng ulan. Oo, habang umuulan.Mga 3 minutes na yakap din tapos he kissed me on the tip of my nose.
Halos matuyo na ako sa loob ng kotse niya kaya bumili kami ng cup noodlee sa 7/11.
Pagkatapos naming kumain, hinatid niya ako dito tapos may sinabi siya eh. Oo, may sinabi siya kaso nakalimutan ko na pero bago ako makapasok dito ki-niss niya na naman ako sa cheeks. Hoy ah! Grabe, ngayon ko lang narealize yun ah! My nose tapos my cheeks.Naka kota yum ah!****
[LEXI]
"Thank you kuya Dan sa paghatid and ah, thank you sir Erold. Huwag mong kalimutan si crabby bukas ha?"
Sinara ko na yung pinto ng kotse tapos sinalubong ako ni James.
"JAMEEESSSSSS!!!!!!!!"
"AY SIS!"
Nag-girl hug kami tapos kunwari nandiri pa siya after haha. Baklang 'to!
"Buti naman buhay ka pa!"
"Si Juls? Si Juls? Andito na ba siya? Nasaan?" Hinanap ko kaagad si Julie kasi kanina biglang lumakas yung ulan eh. Hndi na din namin sila nakita pa.
BINABASA MO ANG
When We Fall Inlove (Panalangin) COMPLETED
Fanfiction"I never believed in love, until you made me feel butterflies. Ano nga ba ang love? A thing that makes you happy? Is it when you feel something special for some? Or is it the pain that teaches you? For me, it's not it. Actually love is when you can...