[JULIE]
Thursday.
Last major practice namin para bukas. Oo bukas na yung play,yung party, yung bandshow. Kung itatanong niyo what happened after that incident between me, Elmo and Ken, I think it affected me. Mas naging awkward pa lalo yung naging situation namin ni Moe, ewan ko ba pero I think, we are slowly drifting apart. Nag-uusap lang kami tuwing scene na namin tapos bumalik yung pagmasungit niya pero behind that situation, si Erold naman yung pakiramdam kong nagbabago. Kahit na medyo may pagkamasungit pa din siya, mas pinapakita na niya na kahit konti, may care na siya akin tapos lagi pa niya kaming hinahatid pauwi. Ewan ko nga eh pero pakiramdam ko,my feelings are also slowly changing, we are drifting..
"Food?" From my back,binigyan niya ako ng sandwich tapos isang yellow na C2.
"Thank you sir" Oo si Erold.
Hinila niya yung chair para tabihan ako. Nasa stage sina Ken at Lex tapos yung iba pang cast kasi yung scene nila ang pinapractice nila. Si Elmo? Hindi ko pa siya nakikita dito since kanina tapos kahapon wala din siya, hindi siya dumating sa practice.
"I'm starting to worry" Napalingon ako kay Erold. "Elmo might ruin the play"
"Ha?"
"He's not participating. Ni hindi siya dumating kahapon tapos ngayon wala pa din siya. Aren't you aware that he might ruin the play? Iilang scenes pa lang ang napractice niyo. Ni hindi niyo pa napractice ang finale nung play. Aren't you afraid na umurong na pala siya sa role niya?"
"Ha? Haha" I slightly laughed then I smirked. "Kahit naman hindi kami magkavibes ni Moe ngayon, hindi naman siya yung taong tatakbuhan na lang yung responsibility niya. He is different, very diferent from the other guys that I know"
Tapos bigla niya akong inakbayan. "Ha, so that's it! You are still crazy over my brother huh. Paano kita liligawan niyan?"
1...2...3... wait nagbubuffer ata yung sinabi niya sa akin. What did he just said? I faked a cough and inalis ko yung kamay niya sa balikat ko. "Galing mo talagang magjoke sir! Hahaha, nako kahit sa ninja, hindi papasa yang jokes mo"
"Joke?Mukha bang nagjojoke ako?" Tapos nakipagtitigan siya sa akin. "Ms.Julie Anne San Jose, I can be your Number Two" Then he winked at me that gave some chills on my body.
"Whatever"
"Oh sige na" At mas dumikit pa siya sa akin.
"JULIE! EROLD! YOUR TURN!"
Tinawag na kami nung floor director tapos tumayo na ako at sinundan naman ako ni Erold. Nasa gilid kami nung stage at inaantay na lang yung sign na umentrace na kami pero habang hindi pa ulit kami tinatawag, kinulit nanaman ako ni Erold.
"Oh, ano game?"
"Anong game ba yang sinasabi mo? Maghanap ka nga ng ibang kalaro mo"
"Talaga?" Tapos he grabbed my waist at hinigt niya ako palapit sa kanya. "Ikaw yung gusto ko ng kalaro eh. Game?"
"Hahahaha" Tapos tinitigan ko siya. Now I get what he means "Yun ba yung gusto mo?" Inalis ko yung hawak niya sa waist ko at saka nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya para magtapat yung lips namin. Konting-konti na lang magkikiss na kami, nakita ko pang pumikit na siya. "Hahahahahahaha!" Umayos ako ng tayo at medyo dumistansiya sa kanya "Bakit ka pumipikit? As if naman, nabitin ka ba?A kala mo ikikiss kita? Hindi no. Akala ko ba yung gusto mong kalaro? Pero mukhang talo ka na kaagad. Julie one point, Erold, zero"
BINABASA MO ANG
When We Fall Inlove (Panalangin) COMPLETED
Fiksi Penggemar"I never believed in love, until you made me feel butterflies. Ano nga ba ang love? A thing that makes you happy? Is it when you feel something special for some? Or is it the pain that teaches you? For me, it's not it. Actually love is when you can...