Chapter 17:Lambingan Quarrel

3.5K 44 5
                                    

[ELMO]
Pagktapos kong mag-isip ng mga ganung bagay, binuksan ko yung pinto. Nakita ko sa Julie nakatayo sa labas ng room ko.

"Hey, Moe For you" Inabot nya yung chips na nasa bowl.

"No thanks! I gotta go. May basketball practice pa kami" Then, I started walking. I passed her without even saying bye.

****

[JULIE]
Wow, okay lang na hindi niya tinanggap yung chips pero yung hindi man lang mag-goodbye? WOW. Galit ba siya? Bakit siya ganun, eh ako na nga ang unang nakikipagusap.
Lumapit ako sa grills, I looked at him.

"Tss,badtrip 'tong si Elmo!Minsan hindi ko alam yung timpla ng ugali at mood niya! Nung nakaraang araw lang ang sweet-sweet tapos ngayon parang sinapian.Bahala nga siya!Badtrip."

Arogante, mayabang. Nakakainis! At yun, mukhang tanga kong kinausap yung sarili ko.

Naasar ako kay Elmo ngayon. Inisip ko tuloy na gusto kong itapon yung gamit niya sa labas ng bahay =___=

Sumunod ako sa school.
Tatambay na lang ako sa soccer field. Dito tahimik, hindi kagaya ni Elmo. Psssh.

Naglalakad ako papunta doon sa baba nung bigla akong may narinig na nag-uusap pero parang nagsi-sigawan sila. Dahil may pagka paki-elamera din ako, naisip kong tignan kung sino yun nagulat ako, si Lexi at si Elmo.

"Ano bang problema mo?!" Si Lexi.

"Don't act like you don't know. Tapos na tayo Lexi, pwede ba? Tigilan mo na ako?!"

"Elmo!Mahal kita"

"Tumigil ka na Lex.Oo,minahal kita DATI pero lahat nagbago na!"

"Nagbago?Dahil nanaman ba sa kanya?!Elmo siya nanaman ba?!"

"OO!SIYA NGA.MAHAL KO SIYA LEXI!"

Nagsisigawan na naman sila.

"Elmo naman oh!Andito na nga ako!"

"Nagbago na lahat Lexi.Mahal ko siya at alam kong kaya niya din akong mahalin. Plus, you are with Ken. Akala mo 'di ko alam? Please, just stop"

"Sigurado ka?! Paano kung hindi?"

"I'll respect her"

"MARTIR!"

"She is worth loving"

"Damn Elmo! Sisiguraduhin ko, magbabayad siya!"

"I will protect her no matter what. Siya ang mahal ko at siya lang ang nasa puso ko."

BANG.

Biglang bumukas yung pinto at lumabas si Elmo. Buti na lang, nakapagtago ako. Muntik na ako. Padabog na umalis si Elmo at nakita ko yung inis niya habang naglalakad.

Ano ba yan! Badtrip na naman siya. Ayoko na nga munang umuwi kasi mamaya mag-away lang kami kaya naglakad-lakad na lang ako sa campus.

Ka-date ko yung sarili ko. Kumain ako ng japanese food, nagpakabusog na lang ako.Kinalimutan ko muna yung si El-

"UY SINO 'TO?" Nagulat ako nung may biglang nagtakip sa mga mata ko. "Hey,ano ba"

"Hello" Nilingon ko yung masa likod tapos nakita ko yung nagtakip sa mata ko.

"Ken?"

"Hi. Nakita ko kasing nag-iisa ka eh" Umupo kami sa bench. "Wala ka bang kasama"

When We Fall Inlove (Panalangin) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon