1

37 1 11
                                    

Lito's POV...


Simple lang kaming mag asawa, may mga anak sa unang asawa, pero tanggap naman namin ang isa't isa.

"Ga?" Tanong ko pa sa asawa ko. Kanina pa kasi sya aligaga eh.

"Ga? Ano ka ba kanina ka pa ikot nang ikot. Nahihilo ako sa'yo ga." Saad ko ulit.

"Eh Kasi ga, delayed ako." Sabi pa nito sa akin.

"Oh ano ngayon?" Sabi ko pa. Alam ko naman anong ibig nyang sabihin, two years na kaming mag asawa, hindi pa rin kami nakaka buo.

Tapos nitong nakaraang taon din nakunan si Loren.

'Sana ito na Lord. Sana buntis na ang asawa ko.' Pag dadasal ko pa sa isip ko.

"Ga natatakot ako eh." Sabi pa ni Loren.

"Shh! Saan ka naman natatakot?" Tanong ko naman.

"Baka makunan na naman ako, kung buntis man ako. Natatakot ako langga." Sagot pa nya sa akin.

"Shh, hindi yan ga. Basta maging healthy ka lang ok? Naka pag pa- check ka na ba sa ob? Or nag pregnancy test ka na ba?" Tanong ko pa sa kanya.

"Pag papa check, hindi pa ga. Pero nag pt na ako. Hindi ko pa tinitignan yung results." Sagot pa sa akin nang asawa ko.

"Nako naman ga, akin na ako titingin nang results mo." Sabi ko naman.

"Saglit ito na." Sabi pa ni Loren. Hindi nya talaga tinitignan yung pregnancy test nya.

Inabot nya sa akin ito. Kinuha ko naman yung pregnancy test nya. Napa ngiti pa ako sa resulta.

"Oh? Bakit ganyan ka maka ngiti?" Tanong nya pa ulit sa akin.

"Positive ga, buntis ka." Sabi ko naman.

Pero tila di sya masaya nang marinig nya yung sinabi ko.

"Positive? As in buntis ako?" Tanong nya pa sa akin.

Parang hindi pa sya naniniwala.

"Oo nga ga, buntis ka nga." Sabi ko naman sa kanya. "Wag ka matakot, nandito ako aalagaan kita. Kahit 24/7 pa. Basta maging healthy ka lang at ang baby." Sabi ko naman.

"Alam ko naman yun ga. Paano kung mawala na naman baby natin?" Sambit pa nya sa akin.

"Shhh! Hindi mawawala ang baby natin ok?" Sabi ko naman. Lumapit naman ako sa kanya para yakapin at halikan sya.

"Thank you ga, thank you kahit na nag hihintay ka na magka baby tayo." Sabi pa sa akin ni Loren.

"Kahit five years pa yan ga, mag hihintay ako na magka baby tayo na healthy." Sabi ko naman.

"Sorry ha? Kung ang nega ko. Pagdating sa pagkakaroon muli nang anak." Sabi ko naman.


Loren's POV...

Grabe kahit na dalawang taon na kaming mag asawa at isang taon na naka- lilipas simula nung makunan ako. Nandito pa rin yung asawa ko  nag hihintay na magka anak kami.

"Shhh! makaka sama sa baby natin yan. Wag ka na mag isip isip nang di maganda dyan." sabi pa nya sa akin.

"Sorry ga, sorry talaga. Promise ko magiging healthy ako at aalgaan ko ang baby natin." Sabi ko naman.

"i know naman ga, anong magandang itawag sa atin nang baby natin?" Tanong pa nya sa akin.

"Daddy? mommy?" sabi ko pa.

"Too formal, nakaka yaman. Alam mo naman na hindi ako mayaman." Saad pa nya sa akin.

"Ako rin naman ha? Hindi ako mayaman." Sagot ko pa.

My Sunshine And My LunaWhere stories live. Discover now