After 16 Years....
Lito's POV....
Sixteen years na naka lilipas simula nang iwan kami nang asawa ko.
Sabi nya ipapa syal lang nya si Luna.
Pero hindi na sya bumalik.Pina- palitan ko ang pangalan ni Lorein. Sya na si Sunshine, or Sunny.
"Tatay? Look oh, naka pasok ako sa admission sa isang State U sa Manila." Bungad pa nya sa akin.
Masaya naman ako na makaka pasok sya. At the same time nag aalangan ako.
Kasi wala na akong sapat na kita.
Hindi ko naman alam kung gagalawin ko yung lupain ko sa Porac.
Naaawa na ako sa anak ko."Ah? Anak?" Sambit ko pa kay Sunny.
"Yes papa?" Tanong pa nya sa akin.
"Ano kasi eh, baka hindi ka muna maka pasok nang college." Sagot ko naman sa kanya.
"Ganun po? Ok lang po tatay, tutulong na lang po ako sa talyer po." Sagot naman nya.
"Sorry anak ha? Sorry kung hindi ko kayang pag aralin ka. Sorry kung iniwan tayo nang nanay mo." Sambit ko pa kay Sunny.
"Hindi mo po kasalanan yun. Kasalanan ng nanay ko yun. Kasi iniwan nya tayo. Sinama pa nya yung kapatid ko." Saad pa nya sa akin. "Sana wag na syang bumalik, para kausapin ako or kunin ako." Sambit nya ulit.
Kitang kita ko yung halo halong emotion sa pag mu- mukha nya.
"Wag mong sasabihin yan anak. May malalim lang na dahilan ang nanay mo." Saad ko pa sa kanya.
"Eh kasi eh, ang ganda naman ng buhay ninyo sa Pilipinas ha? May sumpa siguro ako, kaya nya tayo iniwan." Sabi naman sa akin ni Sunny.
"That's not true anak. May ibang dahilan lang ang nanay mo." Sabi ko na lang.
'Loren? Bakit ginanito mo kami? Bakit mo ako iniwan?' Tanong ko naman sa sarili ko.
"Kung hindi totoo yun? Bakit labing anim na taon ka na nyang iniwan at hindi binalikan?" Tanong pa nya sa akin.
"May trabaho kasi si nanay mo." Sagot ko naman.
"Puro trabaho, tapos babalik sya para mag sorry at kunin tayo." Saad agad ni Sunny.
"Sunshine? Makinig ka sa akin." Sabi ko naman
"Ano yun tay?" Tanong pa nya.
"Hindi naman nya gustong iwan tayo eh." Sambit ko pa at pag tatanggol ko sa asawa ko.
"Naniniwala ka talaga sa mga liham nya? Magising ka na nga tay." Saad pa nya sa akin.
"Paano naman kung totoo diba?" Sambit ko pa sa kanya.
"Basta ako hindi na ako maniniwala pa sa kanya. Minsan na nya tayong iniwan. Hindi nya nga inisip nung iwan nya ako nung tatlong buwan pa lang ako. At nitong huli wala pa akong isang taon." Litanya sa akin ni Sunshine.
"Hindi naman nya talaga gusto na maiwan ka eh." Sagot ko na lang.
"Sana inabanduna nyo na lang ako. Sana iniwan nyo na lang ako." Sabi pa nya sa akin.
"Hindi sa ganun anak." Sabi ko naman.
"Sana sumama ka na lang sa kanya. Kasi hindi kita maintindihan eh. Ayaw mo umalis nang Pilipinas. Ayaw mo din maiwan ng asawa mo." Saad nya sa akin.
Nag titimpi na lang ako kasi anak ko sya. Ayoko syang saktan.
"Dahil mahal ko pa rin ang nanay mo. Masaya ka na?" Sambit ko naman sa kanya.
YOU ARE READING
My Sunshine And My Luna
FanfictionA story of two biological sisters whose grown up in two different world.