Lito's POV.....
Kinakabahan naman akong harapin ang asawa ko.
"Papa? Nandito na po tayo." Sabi pa ni Luna sa akin.
Sabay punas nya nang mga luha ko.
"Talaga anak ko?" Tanong ko naman.
"Opo papa, palabas na po si mama. Ni text ko na po sya po." Sabi pa ni Luna.
"Talaga anak ko?" tanong ko naman.
"Opo papa." sagot pa nya. "Mama?" Sambit pa ni Luna.
"Yes anak palabas na ako." Sambit pa ni Loren.
Lalo akong kinabahan sa boses nya.
"L-loren? Langga ko." Sambit ko pa.
Saktong pagka sabi ko lumabas na sya nang pintuan.
Nagulat din sya nang makita ako."L-lito??" Sambit pa nya sa akin.
"Oo ako nga langga ko." Sagot ko pa sa kanya.
"Langga!?" Sambit pa nya sa akin.
Sinalubong nya pa ako nang yakap at halik.
"Shh! I'm here na ga, please? Bumalik ka na sakin. Hinihintay kita. Labing anim na taon kitang hinihintay." Sambit ko pa.
"Labing anim na taon din kitang iniisip ga. Labing anim na taon akong nag sisisi na iwanan ka." Saad pa sa akin ni Loren.
"Excuse lang po mama and papa. Sa loob po muna po ako ha? Kailangan nyo pong mag usap po." Saad pa sa amin ni Luna.
Tumango naman kaming mag asawa, at tyaka sya pumasok sa loob.
"Wag mo na isipin yun ga. Ang mahalaga nandito ka na ulit. Kaso ang problema natin si Sunny." Sambit ko pa sa kanya.
"Sunny? Y-you m-mean Sunshine? Yung batang nag punta dito?" Tanong pa ni Loren sa akin.
"Yes ga, sya nga." Sagot ko naman.
"Sya si Lorein?" Tanong pa nya sa akin.
"Oo ga, sya nga si Lorein. Langga? Sorry kung sinabi kong patay na si Lorein." Sambit ko pa sa kanya.
"Alam mo kung gaano ka sakit sakin yun? Doble nang sakit nung iniwan ko kayo. Doble yung pagka guilty ko kasi iniwan ko na nga kayo. Nawala pa sya nang hindi ko nalalaman." Saad pa nya sa akin. "G-ganun na ba ako ka walang kwentang ina?" Tanong pa nya sa akin.
"Shh! Hindi yan totoo langga." Sabi ko pa sa kanya.
"Grabe kasi ang pagka muhi nya sa akin. Halos isumpa nya ako." Sambit pa ni Loren sa akin.
"Shh! Wag na muna natin ipilit ga. Wag muna natin sabihin ang totoo. Ang alam nya hindi ko kayo kilala. Ang alam nya ang pagkaka kilala ko kay Luna ay kaibigan nya." Sabi ko naman kay Loren.
"Mapa- patawad pa kaya nya ako?" Tanong pa nya sa akin.
"Oo langga, basta mag tiwala ka lang ha?" Sambit ko pa sa kanya. "Ako ga? Patawarin mo rin ako ha? Nag sisi naman ako na ipadala ang liham na yun eh. Kung alam ko lang na babalik ka na eh." Sabi ko pa sa kanya.
"Pinapatawad naman na kita. Kasalan ko rin naman kung bakit mo nasabi yun eh.
And nung nandito yung anak natin, mas lalo akong kinutuban na hindi pa sya patay." Sabi pa sa akin ni Loren."Talaga langga ko? Sorry talaga ha? Sorry sa nagawa ko. Hindi ko talaga sinasadya yun. Ang totoo nyan, gustong gusto kong mabuo tayo. Pero si Lorein ang problema eh. Napag awayan ka namin eh." Sambit ko pa sa kanya.
YOU ARE READING
My Sunshine And My Luna
FanficA story of two biological sisters whose grown up in two different world.