Lito's POV....
Papunta naman ako sa business na binuksan ko. Nag lie low muna ako sa pag artista, and iniwan ko ang mundo nang politiko. Masakit sa ulo parehas. Wala kasing mag babantay kay Lorein.
And malay natin pag nagka baby kami ulit ni Loren.
"Ga? Anong oras uwi mo? Mga six pm sana aalis na ako." Sabi pa ni Loren.
"Bakit ang aga naman ga?" Tanong ko pa. Usually kasi umaalis sya sa bahay mga eight pm. Dahil eleven- thirty pa naman ang TWT.
"Hah? May gagawin kasi kami kaya napa aga." Sagot naman nya.
Iba na naman yung nararamdaman ko sa mga sagutan nya.
"Ah? Ok sige. Edi dalhin ko na lang si Lorein sa shop?" Tanong ko pa kay Loren. Para naman kapag naiinip ako or wala masyadong tao, maa- alagaan ko si Lorein.
"Oo naman, may pasok din naman sila AA, Gary at si papa may pupuntahan din ata." Sabi naman ni Loren.
"Sige ga thank you." Sabi ko naman. "Tara na Lorein ko." Sabi ko na lang.
"Pap-a!" Sabi naman ni Lorein.
"Opo papa po ako. Ayun si mama." Sabi ko sabay turo ko kay Loren, at hinarap ko si Lorein.
"Mam- mam!" Saad pa ni Lorein.
"Mama po anak ko." Sabi pa ni Loren.
"Sige na ga, aalis na kami." Sabi ko na lang.
"Mag ingat kayong dalawa ha?" Sabi pa ni Loren.
Tumango na lang ako bilang sagot ko.
Inaaliw ko na lang si Lorein para di mainip. Sinakay ko sya sa kauna unahang sasakyan ko. Yung oner or maliit na jeep. Di ko kasi magamit yung maliit na sasakyan ko, dahil sa hindi pa fully paid.
"Pap-pa!?" Sabi ulit ni Lorein.
Masaya ako kahit puro papa lang naririnig ko sa anak ko.
"Wag mo iiwan si papa ha? Wag mo hahayaang umalis kayo ni mama." Sabi ko naman, habang ini- start yung sasakyan na ito.
Si Lorein naman naka kunot pa noo.
"Wag mo na po isipin sinabi ni papa." sabi ko na lang.
Nagpatuloy naman ako sa pagma- maneho.
~~~~~~~~~~~~~~~
Nakarating naman na kami dito sa mini business ko.
"Sir Lito? May nag hahanap po sa inyo." Saad naman nung guard nitong store ko.
"Ay sige salamat." Sabi ko naman.
"Walang anuman po sir. Ayan na po ba yung panganay nyo ni madame Loren?" tanong pa nya sa akin.
"Oo ito si Lorein." Sabi ko naman.
"Hello po Lorein." Sabi pa nya. Si Lorein naman pa ngiti ngiti at kaway kaway lang.
"Excuse muna ha?" Sabi ko naman. Tumango naman yung guard.
Tyaka ako pumasok, at pagka pasok ko. Bumungad sa akin sila Neil at Grace.
"Kuya Lito." Bati naman ni Neil.
"Hello kumusta kayong dalawa?" Tanong ko naman.
"Ito kuya, maayos naman." Sagot pa ni Grace.
"Mabuti kung ganun." Sabi ko naman.
"Si ate Loren kumusta pala?" Tanong naman ni Neil.
Kahit papaano naman, close sila sa asawa ko.
"Hah? Ayun busy busyhan na naman sya." Sagot ko na lang.
YOU ARE READING
My Sunshine And My Luna
FanfictionA story of two biological sisters whose grown up in two different world.