38. Baby #3? - War Between the Father and Daughter

12 1 1
                                    

Lorein's POV....




































Nasa E.R pa si mama, kasi dinugo sya. Hindi ko naman alam anong gagawin ko, kasi mag isa lang ako.

"Mama ko? Sorry mama ko." Sabi ko na lang kahit wala akong kausap.

Tumitingin naman ako sa paligid ko.
Ang daming paikot- ikot na tao.
Wala pa yung doctor na nag assist kay mama.

"Ma'am? Kayo lang po kasama nung pasyente?" Tanong naman nung nurse.

Tumango naman ako, kasi ngayon lang ako naka encounter ng ganito.

"Opo, bakit po?" Tanong ko naman.

"ahm? Fill up-an niyo na lang po." Sagot naman nya.

"O-ok naman na mama ko diba po?" tanong ko naman.

"Hmm? Malalaman po natin." Sagot pa nya. Habang inaabot nya yung papel na pi- fill- up- an

"S-sige po." Sagot ko naman.

"Ma'am? Nasan na po yung asawa nung pasyente?" tanong pa nya.

"P-po?" Tanong ko rin sa kanya.

"Sabi mo po kasi, kung mama mo sya. Nasan papa mo?" tanong pa ni Nurse.

"Ay? Si papa po? Nasa Tal-. Work nya po." Sagot ko na lang.

Tumango na lang yung nurse.

"Sige na po ma'am, wait nyo na lang po si Doc." Sabi pa ni nurse.

Hanggang naririnig ko pa rin sa utak ko yung mga nangyari kanina.

"Mama, sorry po." Sabi ko naman. "Hindi ako galit na sa'yo ma." Sabi ko pa ulit.

Bigla naman lumabas si doc from E.R.

"Ma'am? Kayo po yung family nung pasyente po?" Tanong pa ni Doc.

"O-opo, doc. Bakit po? Ano po nangyari kay mama po? Bakit po sya po dinugo po?" Mga tanong ko naman sa utak ko kanina pa.

"Hmm? You're the daughter of the patient pala?" Tanong din ni Doc.

Ang dami nya naman say, ang tagal anong sasabihin.

"Opo, ano na po nangyari po?" Kalmadong tanong ko naman. Para di halatang kinakabahan na ako.

"Hmm? According naman sa mga pangyayari. Nakunan ang mama mo kasi sa sobrang bleed nya. And kulang ang nutrients sa kanyang katawan. Para mag dalang tao, she should be more healthy. Payat din ang mama mo Kaya the baby can't make it. I'm sorry for your lost, for the lost of the baby." Sambit agad ni Doc.

"Y-you mean, miscarriage doc? Baka po ano po, ok pa po yung baby po? Ilang weeks na po bang pregnant si mama?" Tanong ko pa sa kanya.

"Hmm? According po sa Ob nya. Four to five weeks." Sagot naman ni doc.

"S-sige po doc, salamat po. Pwede na po namin sya po makita doc?" Sambit ko naman.

"Opo ma'am, dadalhin na po sya sa ward. Sige po may aasikasuhin pa po ako pong mga pasyente." Sabi pa ni doc. At tinuro muna kung nasan si mama. Tyaka sya umalis.

Sakto naman dati ni papa at ni Luna.

"Ate? Bakit may mga dugo ka? Si mama nasan?" Tanong pa ni Luna.

"Hah?" tanong ko pa sa kanya.

"Ang mama nyo nasan? Si Loren nasan?" Sambit din ni papa naka kunot pa noo nya.

"Ate?" Sabi pa ni Luna.

My Sunshine And My LunaWhere stories live. Discover now