Page 59

19 10 0
                                    

"Happy birthday to my first baby" bati namin ni tanner kay caleb, hindi na nga namin namalayan na isang taon na pala ngayon si caleb. Sa sobrang busy namin mag patayo ng bahay ay hindi na namin napansin ang araw.

Pero hindi namin nakalimutan isingit kung anong plano namin ngayong birthday ng isa naming anak, oo pinatawad ko na si tanner kasi walang mali na mag patawad sa taong wala namang ginawang masama at natukso lang.

"Mommy alabyu"sambit ni caleb sakin, napangit ako dahil dati hindi pa niya kaya mag salita pero ngayon ang laki na ng pinag bago ng anak ko, oo mahirap mag palaki ng anak pero masaya kasi nakikita mo yung pinag hirapan mo.

"How about me baby zach?"singit ni tanner, karga karga niya ngayon si caleb pero sakin gusto mag parga, may topak lang ngayon si caleb pero sobrang sweet niyan sa daddy niya at nakikita kong bumabawi na talaga si tanner sa anak niya, nung una kinakausap ako ni tanner tungkol kay saddie pero ayaw ko ibalik si saddie, napamahal na rin ako sa bata kaya hanggang ngayon kasama sama namin siya sa bahay at pinag sabay na rin namin ang birthday niya sa birthday ng kapatid niya, lagi rin siyang nakikipag laro kay caleb pag tapos niya gumawa ng takdang aralin at mag hugas ng plato, sobrang nag papasalamat ako na ako yung nakakuha kay saddie kasi sobrang bait na bata, pinag kait lang ng masayang pamilya.

"Mommy cheska andito na po yung mga friends ko!"sigaw ni saddie galing sa garahe, simple lang ginawa namin sa birthday nila, ang mga bisita ni caleb mga ninang at ninong, andito rin si kuya pati yung girlfriend niyang buntis at mga kaibigan ni tanner, bisita naman ni saddie ay ang mga bago niyang ninang at ninong pati na yung mga malalapit niyang kaibigan.

"Papasukin mo na anak para makakain na sila"sagot ko habang pinapadede si caleb, kaya pala nag totopak sa daddy niya gusto na mag dede.

Si tanner busy na sa mga kaibigan niya nag paalam kung pwede ba daw uminom, pinayagan ko na kasi minsan lang rin naman siya uminom lalo na't busy siya sa work niya wala na siyang oras para sa sarili niya, kaya  ko naman alagaan si caleb tinutulungan rin ako ni saddie pag may ginagawa ako.

"Good evening po tita, happy birthday baby caleb super pogi mo naman po"bati ng isang kaibigan ni saddie.

"Happy birthday caleb may gift po ako"bati pa ng isang kaibigan ni saddie, masaya akong maraming kaibigan si saddie dito sa pilipinas. Hindi ko rin naman siya pinag babawalan umalis sa bahay at makipag sleep over sa mga kaibigan niya, gusto ko maranasan niya ang buhay bata at dalaga. Pumapayag rin si tanner kasi siya pa yung nag hahatid at sundo sa bata dati ayaw niya kay saddie pero ngayon para na niyang panganay na anak.

"Thankyou po, kain na kayo paka busog kayo"sambit ko sakanila at ngumiti. Saktong tapos na rin dumede si caleb at nakatulog na rin.

Inakyat ko muna si caleb sa kwarto niya para mabantayan ng nanny nito, kumuha na rin kami ng nanny ni caleb para pag pareho kaming busy ni tanner may aasikaso pa rin kay caleb ayaw naman namin siyang pabayaan.

"Kumain na po ba kayo?"tanong ko habang nilalapag si caleb sa kama.

"Opo maam, kanina pa rin po namin hinihintay si caleb para makakain na rin po kayo, nahihiya rin po kaming kunin si caleb kanina kasi may dumadating pang mga bisita"sagot ni aling myra, dalawang nanny kinuha namin para yung isa nag lalaba ng damit ni caleb.

"Salamat po ha, kayo po muna bahala kay caleb kakain na rin muna ako kay nagugutom na rin ako haha"nakalimutan ko rin kumain kanina sa sobrang dami bisita, kailangan namin asikasohin kasi sobrang bigatin ng mga ninang at ninong ni caleb.

Pag baba ko nakita ko sila saddie na nasa sala at halatang gusto mag karaoke, ayaw ng daddy niya ng maingay lalo na't may mga bisita.

"Mommy gusto po nila kumanta kaso bawal e"lapit sakin ni saddie at yumakap.

"Doon kayo sa kwarto mo kumanta soundproof naman yon diba"naka ngiting ko, sinadya ko talaga na soundproof ang magiging kwarto ni saddie para magawa niya gusto niya.

Nagsi akyatan na silabg lahat habang ako papuntang kusina para kumain, sakto namang lumapit sakin si tanner at yumakap sa likod ko.

"Thankyou baby"sambit nito sambay halik sa mga braso ko hanggang sa kamay, simula nung mag kasama kami ni tanner hinding hindi nag babago ang ugaling meron siya, sweet, maalaga, may respeto, mapag mahal pakiramdm ko tuloy after ng mga naranasan ko  worth it kasi bumalik yung dating taong minahal ko.

"Asan pala sila saddie?"tanong nito at humarap naman ako sakaniya, kahit amoy alak ang gwapo pa rin talaga, ready na uli ako bumukaka at magpa anak sakaniya.

"Nasa kwarto niya, gusto daw kumanta ng mga kaibigan niya"sambit ko at inayos ang damit niyang gusot, hindi ko alam bakit gusot damit nito, lagi nalang ganyan yan pag umiinom naiinitan siguro hindi sanay uminom.

Unti unti na nag papaalam mga bisita namin at kami naman ay inuunti yung mga kalat sa loob ng bahay, balak talaga namin sa garden namin ilagay ang mga handa kaso umulan kaya no choice sa loob nalang inilagay.

Unti unti na rin tinataman ng alak si tanner kasi simula umaga pa siya umiinom, nag paalam na rin sakin mga kaibigan ni saddie na makikipag sleep over sila dito sa bahay namin, pinayagan ko na kasi walang pasok sila bukas para masulit rin nila yung birthday nga kaibigan nilang si saddie.

Nung wala na ang mga bisita pinalinis ko na rin yung sala para medyo maayos tignan, ang natira nalang dito ay sila kuya at gf niya balak nilang dito na muna mag palipas ng gabi kasi malakas ang ulan, buti may guestroom kami sa bahay kaya makakatulog sila dito.

Inasikaso ko na rin si tanner para maayos tulog niya, pinaliguan ko na rin at binihisan buti pag nalalasing to hindi masyado nag susuka tsaka marunong kung saan isusuka.

Life With A Good Guy (LTM Series #1)Where stories live. Discover now