Chapter 6- Arriving to Beloniå

5.4K 147 0
                                        

"Village of Beloniå,” basa ko sa karatulang nakasabit sa itaas ng pintuan ng naturang village.

It’s a countryside place. Habang naglalakad ako papunta rito, marami akong nadaanang taniman ng gulay at prutas. May malawak na karagatan din na sobrang linis at ganda.

"Maligayang pagdating sa Beloniå, binibini." Bati ng isang lalaki na sa tingin ko ay tagapagbantay ng bayan. Nginitian ko siya at pumasok na sa loob.

Medyo malaki din ang lugar. May mga establisimyentong hanggang tatlong palapag lang ang taas, maliliit na tindahan na nakahilera na parang palengke, mga taong masayang namimili at mga batang masayang naglalaro.

It’s warm, nakangiting sambit ko sa isip habang ninanamnam ang paligid.

Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang mga bulungan sa paligid.

"Wow, sino siya? Ang ganda niya."

"Ngayon ko lang siya nakita dito. Siguradong manlalakbay."

"Pero bakit mukha siyang anak ng mayaman?"

Ilan lang 'yan sa mga naririnig kong komento habang naglalakad ako, walang direksyong tinutungo. Napahawak ako sa pisngi kong sa tingin ko’y namumula na sa hiya.

"God, pinagtitinginan nila ako," bulong ko, habang pasimpleng sinusulyapan ang paligid. Nakakahiya!

Pinilig ko ang ulo ko at lakas-loob na nagtanong sa isang matandang babaeng nakaupo sa bench habang nagpapakain ng mga ibon.

"Mawalang galang na po, 'Nay. Itatanong ko lang po kung saan pwedeng magpalipas ng gabi dito sa village?" magalang at nakangiti kong tanong.

Tiningnan ako ng matanda at ngumiti.

"Turista ka ba, iha? Kung gano’n, lakarin mo lang ang daang 'yan ng diretsyo. May makikita kang building na may karatulang 'Luna Inn','" sabi niya sabay turo sa kaliwa, patungo sa mga mas mataas na gusali. Nagpasalamat ako at kaagad na tinungo ang direksyong itinuro niya.

Habang naglalakad, iba’t ibang building ang nadaanan ko—mga tindahan nang damit, sandata, sabon, at potion. Nangako akong babalikan ko ang mga ito bukas.

Nakita ko agad ang Luna Inn at pumasok. Hindi ito kalakihan, may tatlong palapag lang at halatang hindi na napapangalagaan. Parang kinapos sa pondo ang may-ari. Nag-rent ako ng pang-isang linggo at dalawang silver coins ang binayad ko. Medyo mahal para sa klase ng kwartong nakuha ko. Sira-sira, kulang sa gamit at may walong kwarto lang sa buong gusali.

Sa mundong ito, ang katumbas nang 1 gold coin ay 200 silver coins at ang 1 silver coin ay 150 copper coins

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa mundong ito, ang katumbas nang 1 gold coin ay 200 silver coins at ang 1 silver coin ay 150 copper coins. Masasabi mong may kaya ka na kung may lima kang gold coins.

"Hayst, mahal ang bayad pero bakit ganito?" usal ko habang sinusuri ang loob ng kwarto. May isang kama sa tabi ng bintana, isang lamesa at upuan malapit sa pinto, at isang pintuang sa tingin ko ay banyo. May ilang palamuti rin, pero halatang luma at may mantsa na. Actually lahat nang nakikita ko ay puro mga luma na.

“It’s better than sleeping outside, right?” sabi ko na lang habang naupo sa kama. Kanailangan ko pang ilabas ang cushion na nabili ko sa Earth Store Dimension ko dahil sobrang tigas nang kama nila.

Pagkatapos ayusin ang tutuluyan, naligo na ako. Galing pa ako sa bundok at dalawang linggo akong naglakbay. Nang makita ko ang loob nang banyo na merong kahoy na bathtub, kahoy na inidoro at timbang may kaunting tubig ay napabuntong-hininga na lang ako. Buti na lang may water magic ako.

Pagkatapos maligo at magbihis, bumaba ako sa unang palapag para kumain. Kasama na sa bayad ang pagkain kaya hindi na ako tumutol.

Naka-dress ako, may coat at boots na galing pa sa unang araw ko sa mundong ito. Wala pa kasi akong nabibiling maraming bagong damit dahil kapos na rin ako sa pera. Pero nilalabhan ko naman ang mga sinuot kong damit thanks to my Cleaner Slimes na kumakain nang mga dumi. Pinapakain ko rin sila ng panlabang sabon at detergent, kaya parang bagong laba palagi ang damit ko. At ang Iron Slime naman ang nagsisilbing plantsa.

Mabalik tayo sa kwento...

Pagpasok ko sa dining area, marami nang tao—maingay, may mga lasing, may nagsusugal, may kumakanta at may tahimik lang na kumakain. Umupo ako sa bakanteng mesa at nilapitan agad nang isang di-katandaan na babae.

"Miss, anong order mo?" magiliw niyang tanong.

Kaunti lang ang nasa menu at hindi ko pamilyar ang mga pagkain. Umorder na lang ako ng mukhang safe.

Habang hinihintay, inobserbahan ko ang paligid. Parang bar ang dating, maingay pero masaya. Classic old-style, hindi tulad sa modernong mundo ko na may mga gadgets at technology. Napangiti na lang ako.

Dumating na ang pagkain ko. Habang inilalapag niya ito, tinanong niya ako.

"Mawalang galang na, Miss. Traveler ka ba?"

"Ahh, opo. Kaya wala pa akong alam masyado sa lugar na ito," sagot kong nahihiya. Ngumiti siya.

"Nagtataka ka siguro kung bakit ganito ang Inn namin, 'no?"

Tumango lang ako, nahihiya pa rin.

Ngumiti siya, pero bakas ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Matagal nang namayapa ang may-ari nito. Naiwan ito sa nag-iisang anak nila, pero nagkasakit ang bunsong anak niya ng una pa lang niyang pamahalaan ang Inn. Naubos ang kayamanan nila sa pagpapagamot, pero hanggang ngayon, hindi pa rin alam ang sanhi ng sakit."

Nanahimik ako.

"Nabaon sa utang ang Inn. Binigyan na lang ito ng dalawang linggo bago tuluyang isara at gibain para tayuan nang bagong building," dagdag niya.

"Ano pong balak ng anak ng may-ari?" tanong ko na may halong awa.

"Pupunta raw sila ng Kapitalya para humanap ng manggagamot sa kanilang anak. Hindi pa rin sila sumusuko," sagot niya.

"Ay, sige na at baka lumamig pa ang pagkain mo," paalam niya, pero pinigilan ko siya.

"May alam po ba kayong pwedeng apply-an ng trabaho?"

"Meron, pero hindi para sa kagaya mong babae—puro mabibigat na trabaho 'yon," sagot niya, tila may iniisip.

Napasimangot ako sa narinig.

"Pero kung may mahika ka, pwede kang mag-apply bilang adventurer sa Driknsv Guild. Delikado nga lang, pero malaki ang kita," dagdag niya.

Ngumiti ako. Yes! A guild—parang sa anime.

Dumating na rin ang pagkain, parang steak with brown sauce, lemon, fruits, at rice. Maganda ang plating.

"Wow," nasabi ko na lang. Malambot at juicy ang karne. Nang tiningnan ko ang mga ingredients nito ay mas lalo akong namangha, Orc Meat, level 6. First time kong makakain nang ganito. Lasang karne ng baboy na lumaki sa bitamina. High-class meat nga.

Even the fruits and rice are high level, kaya pala ang sarap. Sobrang linamnam.

So this is how it tastes, ha, nakangiti kong isip habang nilalantakan ang pagkain.

"Kinulang nga sa gamit itong Inn, pero bumawi naman sa pagkain," sambit ko habang ngumunguya.

May naisip na akong paraan para kumita ng malaking pera.

Pagkatapos kong kumain, bumalik na ako sa kwarto at nag-isip ng plano para bukas.

"Una, pupunta ako sa guild para mag-apply. Maglilibot-libot na rin siguro," sabi ko.

“Hayst…” bumagsak ako sa kama habang nakangiti.

'Goddess Lisha, thank you for another day.'

At dahil pagabi narin ay hindi ko na namalayang tuluyan na akong nakatulog dahil sa pagod.

I was Reincarnated in Another World with Absorb SkillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon