Chapter 7- The Test

4.9K 143 3
                                        

Maaga akong nagising at agad na nagtungo sa Driknsv Guild para mag-apply bilang adventurer. Kanina habang kumakain ako sa inn, napansin kong ibang-iba ang itsura ng lugar sa umaga kumpara sa gabi. Kung sa gabi ay magulo, siksikan, at maingay, sa umaga naman ay payapa at kakaunti lang ang mga tao.

Habang naglalakad ako papunta sa guild, napansin kong may ilang tindahang nagsisimula ng magbukas at ilang mamimiling naglalakad sa daan. Maaga pa kaya’t hindi pa ganoon karami ang tao, ngunit hindi ko maiwasang mapansin ang ilang gusaling sira, giba na, at tila inabandona. What a waste of land.

Driknsv Guild,” basa ko sa karatula. What a weird name.

Pagpasok ko sa loob ay may ilan nang tao. Malawak ang guild at may tatlong palapag. Malinis ito at organisado. Sa unang bahagi ay may reservation area o lobby kung saan nakatayo ang apat na babae. Dito maaaring magtanong o mag-apply bilang adventurer. Sa gilid naman ay isang malaking hagdan papuntang second floor. May mga upuan at mesa rin na gawa sa kahoy. Sa kaliwa ay isang malaking pintuan na mukhang opisina, at sa kanan ay isang malaking quest board kung saan naka-display ang mga request na pwedeng kunin ng mga adventurer.

Naglakad ako papunta sa reservation area para mag-apply. Ngunit ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin, napatigil sa usapan ang iba at pinagtitinginan ako. Ang iba'y nagtataka kung bakit may babaeng mukhang anak-mayaman na pumapasok sa guild, ang ilan ay humahanga sa taglay kong ganda, habang ang iba nama’y parang hinuhusgahan na agad ako na mahina.

Pinagsawalang-bahala ko na lamang ang lahat ng iyon at nagpatuloy sa paglakad.

“Good morning, Young Lady. Ako si Anne. Anong maitutulong ko sa’yo?” malambing niyang bati.

“Good morning din. Ahm, gusto ko sanang mag-apply bilang adventurer,” sagot ko na ikinangiti niya.

“Okay, pero bago ka maging certified adventurer, kailangan mo munang makapasa sa apat na pagsubok. Ayos lang ba ‘yon?” nakangiti niyang wika.

Ngumiti rin ako. “Ayos lang po. Pero ano po ‘yung mga pagsubok na kailangan kong maipasa?”

“Una, kailangan mong makakolekta ng 15 medicine herbs. Ito ay mga halamang oblong ang hugis, kulay emerald, at may puting mabalahibong bulaklak.”

“Pangalawa, kailangan mong manghuli ng Horn Rabbits at kunin ang mga sungay nila. Sampung sungay lang ang kailangan, pero mag-ingat ka dahil kahit level 2 monsters ang mga iyon ay meron itong matutulis ang mga sungay na ginagamit nila sa pagdepensa sa sarili.”

“Pangatlo, kailangan mong linisin ang isa sa mga dungeon nang guild. Kung may monster kang makita, kailangan mo itong ireport kaagad saamin para maaksyunan at mapanatili ang kaligtasan ng dungeon, huwag mong kakalabanin ito ng ikaw lang dahil maaari kang mapahamak at mamatay lalo na at hindi pa natin name-measure ang level mo.”

“At panghuli, kailangan nating i-measure ang iyong kapangyarihan. Kung level 1 ka pa lamang, hindi ka pwedeng maging adventurer. Delikado kasi masyado.”

“’Yun lang po ba?” tanong ko. Napansin kong natigilan siya—marahil dahil hindi ko pinansin ang babala—pero agad din siyang ngumiti at tumango.

“Oo, iyon lang. Pero kailangan mong matapos lahat ng ito sa loob ng isang araw.”

Ngumiti ako. Buti na lang at may librong binigay sa akin ang Dyosa kaya madali kong mahahanap ang medicine herbs at makukuha ang mga sungay nang Horn Rabbits. Sa dungeon lang ako walang clue, pero laban lang!

“Pwede kang magsimula bukas kung gusto mo,” wika niya.

Napangiti ako at tumango. “Sige po. May alam ka po ba dito na nagbu-butcher nang monsters?”

Napakunot ang noo niya, pero bago pa siya makasagot ay may malakas na boses na narinig mula sa likod ko.

“Ano ang kailangan mo, munting binibini?” Napalingon ako at nakita ko ang isang malaking lalaki—maskulado, kalbo, at may balbas at bigote. May hiwa sa kaliwang mata niya na tila naging peklat. Naka-apron siya na may mga mantsa ng dugo. Wow, so cool.

“Ah, gusto ko lang sana ipa-katay ang mga monsters na napatay ko kahapon,” sagot ko habang inilalabas ang isang orc, pero pinigilan niya ako.

“Sandali lang. Sa likod tayo, mas maluwag doon.”

Taka akong napatingin dito at huli na ng mapagtanto ko na nakapalibot na pala saamin ang mga tao na nasa loob ng guild na mga nakanganga na sa gulat.

Inilabas ko ang lahat ng monsters sa storage box ko maliban sa Evil Slimes dahil kaya ko naman na ‘yon. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Tomas habang nakatingin sa mga ito.

Tiningnan niya ako, nakaawang ang bibig. “Ikaw ba ang pumatay sa mga ‘to?” hindi makapaniwalang tanong nito.

Inosente akong kumurap-kurap at tumango habang nakangiti. Lalo siyang nagulat. Nang mahimasmasan ay tumawa siya ng malakas at napailing.

“This generation, really…” aniya, habang patuloy ang iling.

“So, anong gusto mong gawin ko sa kanila?”

“Gusto ko lang makuha ang mga karne nila,” sagot ko.

“Hmm..., balak mong ibenta ang ibang parte ng katawan nila?”

“Yes,” tango ko.

“Kung gano’n, sa amin mo na lang ibenta para ‘di ka na mahirapan,” nakangiti niyang mungkahi, kaya ngumiti rin ako’t tumango.

“Pwede kang bumalik sa isang araw. Sigurado akong tapos ko na lahat nito.”

Nagpaalam ako dito at umalis.

Naglilibot-libot ako ngayon sa bayan matapos ang lakad ko sa guild. Marami na akong natikmang pagkain at sinasabi ko na masasarap lahat! Nakabisita rin ako sa ilang shop na nagbebenta ng iba’t ibang klase ng damit, sandata at sapatos. Nang makontento ako ay bumalik na ako sa inn para magpahinga at matulog na.

“Goddess Lishia, tomorrow is an exciting day. Please guide and protect me again, as you always do.” panalangin ko bago ako dahan-dahang nagpatangay sa agos ng gabi.

I was Reincarnated in Another World with Absorb SkillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon