Chapter 26- The First Sold-Out

3.8K 130 12
                                        

Dalawang araw na ang nakalipas mula nang atakihin ng red goblin ang bahay ng isa sa mga residente ng village. Sa loob ng dalawang araw na iyon, nakumbinsi ko sina Madam Clarita na ako na lamang ang magbibigay ng bahay at trabaho sa mag-anak. Tinanong pa nila kung sa inn ko ba sila pagta-trabahuhin, pero sinabi kong hindi.

Pinuntahan ko sa evacuation center ang mag-anak na nagpapahinga pa rin sa kama, habang patuloy na ginagamot ang pagaling nang sugat ng mga healers.

Hindi ganun kalakas ang mga healers na naandito sa Beloniå kaya inabot nang ilang araw bago humupa ang matinding sugat nang mag-anak. Hindi rin kasi biro ang mga natamo nilang sugat, idagdag pa ang mga butong nabali.

Kinausap ko sila at nagpakilala na kaagad din nilang ginawa. Sinabi ko sa kanila ang aking pakay na kung pwede ba silang magtrabaho saakin at sinabi ko din na hindi na nila kailangang alalahanin pa ang bahay na titirahan nila. Napaiyak ang mag-asawa sa magkahalong tuwa at lungkot saka mabilis na pumayag na maging empleyado ko na ikinatuwa ko din.

"P-Pasensya na po kung ganito ang kalagayan namin ngayon," nahihiyang sabi ni Dante habang hawak ang kamay ng asawa niyang si Rita na nakahiga sa kama dahil malala ang natamo nitong sugat.

"Wala po kaming maibabayad sa inyo sa ngayon… pero… gagawin po namin ang lahat para suklian ang kabutihan niyo," sabi naman ni Rita, nangingilid ang luha.

"Hindi niyo kailangang suklian ang kabutihan, Rita. Ang importante ay makabangon kayo ulit," malumanay kong sagot at lumuhod ako sa tabi ng kama nila.

"Tanggap na po kami, Ma’am Lily?" tanong ng batang si Camille, siyam na taong gulang pa lang siya, habang parehong nasa 30s ang kanyang mga magulang, habang nakahawak sa basang panyo na idinadampi niya sa kanyang munting sugat.

"Oo, Camille," sagot ko dito at nilapitan, hinawakan ko ang parte ng kanyang katawan kung saan may sugat at nag-chant ng healing spell na wala pang ilang segundo ay humilom kaagad.

"Sa akin na kayo titira at sa candy store kayo magtatrabaho. Ayos ba 'yon?" tanong ko sa kanya habang nakangiti. Kita ko ang gulat at pagkamangha sa mukha ng bata habang nakatingin sa kanyang braso na kanina lang ay may sugat pa.

Mabilis na sunod-sunod na tumango si Camille at malaki ang ngiting tumingin saakin sabay yakap sa ng mahigpit.

"Thank you po, Ate Lily. Ang bait bait niyo po!"

Napaluha ako sa yakap ng bata. Sa simpleng yakap at salita niya, pakiramdam ko ay napawi ang pagod ko sa mga nakaraang linggo.

Mabilis kong ginamot ang magasawa upang makapunta na kaaagad kami sa Store.

And now, here we are in front of the candy store. Hindi pa ito nagbubukas dahil sobrang dami kong ginagawa at wala rin akong empleyado noon para magbantay. Pero magbabago na ‘yon ngayon dahil may mga bagong empleyado na ako.

"Wowww..." Napangiti ako kay Camille na manghang mangha sa laki at ganda ng building.

"Ang laki po ng bahay... este... tindahan pala!" tawa niya.

"Gusto mo bang makita ang loob?"

"Gustong gusto po!"

“Halina kayo sa loob. Ipapakita ko sa inyo ang lugar na tutuluyan at pagtatrabahuhan ninyo,” masaya kong sabi habang binubuksan ang pinto ng shop. Lalo silang namangha pagpasok.

“Ate Lily, ano po ‘to?” tanong ni Camille, habang nakaturo sa unang candy na nakita niya.

“It’s a type of candy called lollipop,” nakangiti kong sagot habang kumukuha ng isa. Bilog ito na kulay rainbow, siguradong magugustuhan ng mga bata.

I was Reincarnated in Another World with Absorb SkillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon