Chapter 10- First job, Done!

4.4K 132 0
                                        

"Here, dito mo yan ilagay."

"I think mas bagay yan dito."

"Ohh be careful with that."

"Wait, is that my blanket?"

"Hahahaha."

Today was my last day sa una kong trabaho at naglilipat na kami ng gamit nina Kuya Ernesto at Ate Angela. Hindi pala ganun kadali ang paglilipat kasi kailangan pang hanapan ng magandang pwesto ang bawat gamit nila

"Teka Ate, ako na diyan," sabi ko nang makitang may buhat-buhat na box si Ate Angela. Mabilis ko itong kinuha sa kanya na ikinangiti na lang niya.

"Come on, Lily, masyado kang nagaalala. Para ka nang si Kuya Ernesto mo," natatawang sabi niya na ikina-labi ko.

"Pero bawal kang magbuhat ng mabibigat kasi baka makasama sa baby. Saka, ano ba 'to?" sabi ko saka takang napatingin sa kahon na 'di gaanong kabigatan.

"Gamit 'yan ng baby namin," nakangiting sabi niya na ikinangiti ko rin.

"Ilang buwan na lang ang hihintayin at lalabas na siya. Hindi na ako makapaghintay," nakangiting sabi niya habang hinimas-himas ang tiyan.

"I'm sure na isang mabuting bata 'yan paglaki. Mabait at matulungin, katulad n'yong dalawa ni Kuya, mapababae man 'yan o lalaki," malambing na sabi ko saka ibinaba ang kahon sa kwarto ng magiging anak nila. It's like a nursery room. May crib ito na iba't ibang kulay, may laruan at mga gamit pambata rin. Kumpleto na, baby na lang ang kulang.

"And I'm sure na kasing ganda mo din siya," masayang sabi niya na ikinangiti ko.

"Mas maganda pa," ani ko.

"Hoyyy, anong pinag-uusapan n’yo diyan?" nagtata­mpong tono ni Kuya Ernesto. Nagkatinginan kami ni Ate Angela at sabay na tumawa. Mas lalo pang napasimangot si Kuya kaya mas lalo kaming napatawa.

"Grabe kayo o, pinagkaisahan niyo na naman siguro ako," kunwaring tampo ni Kuya Ernesto.

"Eh kasi Kuya ang cute lang ng magiging baby niyo. Sa akin ba naman kasi nagmana, kaya sigurado na!" biro ko.

"Teka, teka, bakit hindi sa akin?" kunwaring gulat ni Ate Angela.

"Aba, eh kung sa inyo pareho nagmana, siguradong mas cute pa!" sabay tawa naming tatlo.

"Basta Lily ha, kung sakaling busy kami ni Angela pag nanganak na ako, ikaw na magbantay sa kanya," biro ni Kuya Ernesto.

"Naku, siguradong spoiled 'yan sa akin!" tawa kong sagot.

'My Goddess, please protect and bless this family in front of me, and please make sure their baby is healthy and safe.'

       
Hapon na nang matapos namin ang paglilipat ng gamit at pagdi-design ng kanilang bahay. Ang dating mala-hunted house na bahay, ngayon ay napaka-cozy nang tingnan. Ang dating walang laman na living room, ngayon ay may mga upuang sala na at chimney na 'di kalakihan. Ang kusina ay may malawak na lamesa at limang upuan, may lababo at mga kabinet. Ang mga CR ay malinis at kumpleto sa gamit at ang mga kwarto ay napakagandang tingnan at maaliwalas sa mata. May bakod na rin ang labas ng bahay para mas lalong safe.

"Sign here," nakangiti kong sabi habang nakaturo sa pipirmahan nila. Kontrata ito na nagpapatunay na natapos ko na ang trabahong kinuha ko at para makuha ko na rin ang bayad sa akin.

Nang matapos nilang pirmahan ito, tinupi ko na at inilagay sa bag ko saka humarap sa kanila. Kita ko ang laki ng ngiti nila habang nakatingin sa akin.

"This is a goodbye for now. Thank you sa pagtulong upang makapagsimula kami ng masayang pamilya sa lugar na ito," masayang sabi ni Kuya Ernesto.

"We’re lucky na ikaw ang nakakuha ng request namin, Lily. But this is not a farewell, ha!" sabi ni Ate Angela.

"You have to visit sometimes at magkwento ng mga nangyari sa'yo. You also need to be present kapag nanganak na ako!" dagdag pa niya habang tumatango-tango si Kuya Ernesto.

"Our home is always open for you, Lily. Remember that," nakangiting sabi ni Kuya Ernesto na ikinabasa ng mga mata ko.

Niyakap ko sila at tumango-tango. Ganun din ang ginawa nila. Wala pang isang linggo ang pagkakakilala namin pero parang kapatid na ang turing nila sa akin. Napansin ko na mabilis silang makaclose dahil napakabuti nilang mga tao, hindi mapanlamang at gusto ay patas ang turing sa kapwa kaya magaan din ang loob ko sa kanila. Sana lahat ng tao ay ganito.

Nang natapos na ang paalaman ay pinanood nila akong umalis habang ako naman ay kumakaway sa kanila. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang may masayang ngiti sa labi.

I'm appreciated, masayang asal ko sa isip at mas lalong napangiti.

"Here's your payment—10 silver and 50 copper coins," sabay tulak ni Anne ng mga coins sa tray sa desk niya patungo sa akin.

"That much?" gulat na sabi ko.

"Well, 7 silver and 30 copper lang 'yung unang bayad. Pero ayon dito sa kontrata, nagdagdag ang employer mo ng 3 silver and 20 copper coins," sabi ni Anne habang binabasa ulit ang kontratang binigay ko sa kanya.

What? Kaya pala natagalan silang pumerma kanina. Akala ko nagdadalawang-isip lang sila kung pipirma ba o hindi.

Nagpasalamat ako sa kanya saka naglakad na pabalik sa inn na tinutuluyan ko.

It’s already dark. I smiled as I count the stars in the sky. This world is amazing lalo na ang kanilang kalangitan dahil pag gabi na, hindi lang stars ang makikita kundi iba’t ibang planeta rin na napakagandang tingnan. Isama na rin ang dalawang buwan na meron itong mundong ito.

I continue to walk and hum a song.
I’m happy.

"For my first job, all I could say is: Perfect."

It’s not a bad start for me. I continue to walk and smile.

What a peaceful life.

Or is it...?

I was Reincarnated in Another World with Absorb SkillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon