Chapter 15- Let's go! Fighting!

4K 130 1
                                        

Hindi pa man sumisikat ang araw ay handang-handa na ako para ipamukha sa merchant na ‘yon na may pambayad kami sa Inn. Naglinis ako at inayos ang sarili ko, saka bumaba sa dining hall ng Luna Inn. Doon ko nadatnan sina Nanay Linda na abala sa paghahanda ng almusal sa isang mahabang lamesa.

Nakasarado ngayon ang Inn dahil ito na kasi ang huling araw ng palugit na ibinigay para makapag-operate pa sila. Wala nang ibang tao sa paligid maliban sa mga empleyado. Nakabiyahe na rin ang mga dati naming guests, mga manlalakbay na nagpatuloy na sa kani-kanilang destinasyon.

Paglapit ko sa kanila, sabay-sabay silang ngumiti’t bumati. Sinuklian ko naman agad iyon ng masiglang bati. Sabay-sabay kaming kumain at masasabi kong hindi talaga matatawaran ang lasa ng pagkain dito. Ngayon ko lang nalaman na si Nanay Linda pala ang head chef, katulong ang anak niyang si Leah na nasa early 20s pa lang.

Habang kumakain, nagtatawanan at nagkukwentuhan kami, pero ramdam ang bigat at nerbyos sa paligid. Lahat tahimik na nag-aalala sa magiging kapalaran ng Inn mamaya. Pagkatapos kumain, nagpaalam na ako sa kanila para tumuloy sa opisina ni Baron Francis.

Habang naglalakad ako palabas ng Inn ay nakasunod sila sa akin.

"Sana maganda ang kalabasan ng pag-uusap ninyo mamaya, Lily," ani Nanay Linda.

Nginitian ko siya.

"Don’t worry, Nay. Hindi ako babalik nang hindi dala ang titulo ng lugar na ito."

Nagpaalam ako sa kanila at naglakad na. Habang papalayo, sunod-sunod ang mga pahabol nilang hiyaw,

"Good luck, Lily! Ipanalo mo ang Inn!"
"Be safe there!"
"Kaya mo 'yan—laban lang!"

Napangiti ako. Maging ang ilang taong nakasalubong ko sa daan ay binibigyan ako ng lakas ng loob. Kalat na pala sa buong village ang balitang ito. At higit sa lahat, masaya ako dahil hindi lang pala kami ang nagmamahal at ayaw mawala ang Luna Inn. Marami pala kami.

Maaga akong nakarating sa opisina ng baron, pero mas nauna pa pala si August. Pagpasok ko sa loob, abala silang nagkukwentuhan.

Agad akong sinalubong ni August. Binati niya ako at ngumiti ako pabalik. Naiwan si Esmeralda para bantayan ang mga bata, kaya siya lang ang sumama rito.

"Totoo ba ang narinig ko? Na ikaw ang tumukoy at gumamot sa sakit ng anak ni August?" Tanong ni Baron Francis, halatang mangha.

Napakamot na lang ako sa ulo habang nahihiyang tumango.

"Isa kang henyo, iha. Sa dami ng manggagamot na tumingin sa batang iyon, ni isa sa kanila ay hindi man lang nalaman ang sanhi ng sakit nito."

"Naniniwala kami ng asawa ko na isa siyang anghel na isinugo ng Mahal na Diyosa para sa aming prinsesa," dagdag pa ni August, na punung-puno ng saya at pagmamalaki.

Tiningnan ko siya. Parang ibang tao na dahil wala na ang mababakasan ang pagod at lungkot sa mukha nito. Pati boses niya, buhay na buhay na ulit. Napangiti ako. At least, worth it lahat ng ginawa ko.

"Well, nagpapasalamat din ako dahil pumayag kang ibigay sa akin ang titulo ng Inn na minana mo pa sa ninuno mo," sabi ko.

At speaking of the Inn... bakit nga ba hindi pa tayo nagsisimula?

"Hindi pa po ba tayo magsisimula, Baron?" tanong ko.

"Hindi pa, iha. May isa pa tayong panauhing hinihintay."

May pagkapakla sa tono niya. At doon pa lang, alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na nga siya, si Don Custodio Salvadör. Isang business merchant na nagbebenta ng mga mamahaling bags and different types of clothes. Sa itsura pa lang, halatang wala nang maganda intensyon. Lalo na 'yung bigote niyang parang sinadyang ipa-ekis.

Hindi ko maipaliwanag pero agad akong nainis habang nakatitig sa kanya. May dala siyang mga bodyguard na tahimik lang na nakatayo sa gilid.

"Ano 'tong narinig kong hindi mo raw ibebenta sa akin ang Inn?" Agad na bungad niya at dinaig pa ng tono niya ang mga babae sa maarteng pagsasalita.

"Maupo muna tayo, Don Custodio," mahinahon pero may diin ang boses ni Baron Francis.

Pagkaupo namin lahat, agad akong tiningnan ni Don Custodio. Tinaasan pa ako ng kilay, parang nagtatanong kung bakit may bata sa loob ng pulong.

"Let’s start," panimula ng baron.

"Hindi na natin pwedeng kuhanin at gibain ang Luna Inn. Ayon sa kasunduan, kukunin lang ang Inn kung hindi makapagbayad ang may-ari sa itinakdang araw. Ngayon ang araw na iyon at narito ang may-ari na si August at handang magbayad nang buong utang. Dahilan diyan, wala na akong kapangyarihan bilang baron para angkinin pa ang Inn."

Tumayo bigla si Don Custodio at malakas na hinampas ang lamesa.

"Nonsense!" sigaw niya. "Paano sila nagkaroon ng gano’n kalaking halaga sa isang araw!? Ako nga na isang successful business merchant, kailangan pa ng dalawang linggo para kitain ‘yon!"

"Don Custodio, baka nakakalimutan mong mas mataas ang estado ng kausap mo ngayon," mariing singit ni August.

Tiningnan siya ni Don, at mapanghamak na tumawa.

"At sino ka para suwayin ako? Mas mataas ang estado ko kaysa sa iyo!"

"ENOUGH!"

Isang malakas na hampas sa lamesa mula kay Baron Francis ang sumunod. Bigla kaming natahimik. Maging ang mga bodyguard ni Don ay natigilan.

"Kumalma kayong dalawa. Kung hindi, pare-pareho tayong lahat na hindi makikinabang sa Inn!"

Tumahimik si Don, pero halatang nagpupuyos pa rin sa galit.

"Nagtataka lang ako," mariing sambit niya, "kung paano nagkaroon ng ganitong kalaking pera ang taong ‘to gayung baon din ‘to sa utang. Hindi kaya’t... nagnakaw ka?"

Napatingin ako sa kanya, habang napansin kong nagtagis ang panga ni August sa galit.

"May narinig akong nakawan sa kalapit-bayan. Hindi ko akalaing hahantong ka sa pagna—"

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin.

Inundayan agad siya ni August. Mahigpit nyang kwelyuhan ito at galit na galit na tiningnan ito sa mga mata, handa ng suntukin ang mapanglait na Don. Biglang na-alerto ang mga bodyguard ni Don Custodio at mabilis na lumapit, pero mabilis akong nag-cast ng invisible shield sa paligid ni August para hindi siya masaktan habang prenteng nakaupo at nakatingin lang sa kanilang lahat.

"Kahit mawalan kami ng bahay sa dami ng utang, hinding-hindi ko kailanman iisipin, lalong hindi ko magagawang magnakaw!" galit na sigaw ni August.
"Mas pipiliin kong ibenta ang braso at binti ko kaysa gawin ang tinuran mo!"

Nanginginig sa takot si Don Cutodio.

"I SAID ENOUGH!"

Biglang kumidlat nang malakas sa labas. Napatingin kaming lahat kay Baron Francis at napagtanto ko na kidlat pala ang kaniyang kapangyarigan dahil ang kanyang dilaw na mata’y naghugis kidlat at nagliliwanag na dahil sa galit.

"SIT," mariing utos niya.

Maging ang bodyguards ni Don ay napaupo sa sahig, nanginginig sa takot dahil iba na ang awra na nakapalibot sa kanya.

Tahimik kaming lahat habang unti-unting kumalma ang Baron. Nang bumalik ang hugis at kulay ng kanyang mata at aura, muli siyang ngumiti na parang walang nangyari.

This man is dangerous.

"Don Custodio, huwag muna tayong mambintang ng wala namang katibayan. At ang nakawan na nasabi mo sa kabilang bayan, nahuli na ang suspek doon at nalutas na ang kaso kanina lang umaga" mahinahong sabi ng Baron.

"Pero paan—" dahil sa iritasyon ay hindi ko na ito pinatapos pa sa pagsasalita.

"Dahil sa akin," malamig kong sambit habang nakatingin sa kaniya ng diretso.

I was Reincarnated in Another World with Absorb SkillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon