Chapter 8- Congratulations! Becoming an Official Adventurer

4.6K 138 0
                                        

Pagkasikat na pagkasikat pa lang ng araw ay pumunta na agad ako sa Guild para kumuha ng test upang maging isang ganap na adventurer. May iilan na ring tao akong nadatnan at karamihan sa kanila ay mukhang handa na para umalis. Binati nila ako, at ako nama'y magalang ding bumati. Napansin ko si Anne na humihikab pa habang nag-aayos ng mga papel sa counter.

"Good morning, Anne," bati ko habang nakangiti. Napatingin siya sa akin at ngumiti rin.

"Good morning din, ah..." sagot niya, pero natigilan siya bigla.

"Oh! I'm sorry, I forgot to ask your name yesterday," gulat na gulat niyang sabi. Napangiti ako. Oo nga, hindi pala ako nakapagpakilala kahapon.

"Ah, my name is Laythildia Stella Vildåmorě," sabi ko, sabay ngiti.

"But you can call me Lily." Dugtong ko pa.

"What a beautiful name! It suits you perfectly!" she exclaimed and I swear, may mga puso sa mata niya habang nakatingin saakin...so cute.

"So, Lily, are you here to take the test to become an adventurer?"

"Yes," I answered.

"Then here is the information about the medicine and horn rabbit," sabi niya sabay abot ng dalawang papel na may drawings at test details. Alam ko na ang mga ito, pero tinanggap ko pa rin bilang respeto.

"Salamat, Anne. Una na ako," sabi ko habang nakangiti.

"Be careful, Lily. Make sure to return safe," paalala niya. Kumaway ako at agad nang lumabas ng Guild.

"Now I should hurry and complete this test," I said with courage and started walking toward the grassfield kung saan maaaring makita ang herbs.

"My first test, here I come."

"14, 15, 16... 30," bilang ko sa mga nakuha kong herbs.

Oopss... napasobra ata? napangiwi ako at napakamot ng ulo. Masyado kong na-enjoy ang pangunguha ng medicine herbs. Napatingin ako sa mga cute rabbits na tumulong sa akin. Hindi sila horn rabbits dahil pink ang kanilang balahibo, baby blue ang mata at mala-bulak ang buntot, para silang mga cotton candy na may paa. Ang horn rabbits naman ay kulay puti, may pulang mata, walang balahibo ang buntot at may matulis na sungay, sila ay kabilang sa Monster Clan at dalawang beses ang laki sa normal na rabbit.

"Hehehe, ayos lang siguro na sobra, 'no? Salamat mga cuties ha!" Masaya kong sabi habang hinihimas ang ulo nila. Inalis ko na ang spell na kumokontrol sa kanila gamit ang Beast Tamer Magic ko. Mabilis ko silang napakiusapan kaya napadali ang paghahanap ko ng herbs. Wala pang isang oras, tapos ko na agad ang unang test.

"But it's a good thing. Mas mapapabilis ang pagbalik ko sa Guild."

Inilagay ko sa basket ang mga nakuha kong herbs at tumayo na para tumungo sa kagubatan, kung saan naman makikita ang horn rabbits para sa second test ko.

"This is going to be fun," I whispered, and continued to walk...

"How come sobra sobra ang nakuha mo?" gulat na tanong ni Anne habang nakatitig sa basket ko dahil nandoon ang 30 medicine herbs at 20 horn nang rabbit horns.

"Ahahaha! Madami kasing nagkalat na medicine sa napuntahan ko. Hindi ko na rin napansin ang bilang. Sa horns naman, nagkataon lang na isang grupo ng horn rabbits ang nakita at umatake saakin, so... wala akong choice kundi labanan sila," paliwanag ko habang napakamot ng ulo.

"Wow! And you're back earlier than expected, ni hindi pa nga hapon!" aniya, halatang hindi pa rin makapaniwala.

"Ahaha..." awkward na tawa ko.

"Congratulations, Lily! You're almost done with your test!" masaya niyang sabi habang pumapalakpak. Umalis siya saglit at bumalik na may dalang isang malaking bato na may bilog na crystal sa gilid.

"Now for the final test-measuring your level and rank."

"Put your hand here," sabi niya sabay turo sa parte ng bato na sinlaki ng palad.

Dahan-dahan kong inilagay ang kamay ko. Pagkapwesto nito, biglang lumiwanag ang crystal. Iba't ibang kulay ang lumutang sa paligid, naglalaro at nagliliwanag sa hangin and then they vanished. Sa taas ng bato, may lumabas na marka,

Rank: 6th, Level: 37.

Huh!? Sa akin ba 'to? Kung ganun ay tumaas ang rank at level ko!

Napatingin ako kay Anne. Natahimik ito simula nang lumabas ang iba't ibang kulay na umilaw kanina ng ilapat ko ang kamay ko sa bato. At napangiwi ako dahil halos lumuwa ang mga mata niya, nakaawang din ang bibig na tila hindi makapaniwala.

"Ahmm... Anne?" tanong ko.

"OH MY GOD, LILY!" sigaw niya. Mahinahon ang boses niya sa pakikipag-usap kaya nagulat talaga ako ng marinig ko ang malakas niyang boses.

"Wait! Wait! Stay there! Kukunin ko si Guild Master!" sabi niya, sabay alis. Bago ko pa siya mapigilan, nawala na siya sa paningin. Napatingin ako sa paligid, pinagtitinginan na ako ng mga tao. May mali ba akong ginawa?

Hindi nagtagal, bumalik si Anne pero may kasama na siyang isang halimaw.

Hindi literal. Pero ganun ang dating niya.

Isang matangkad, matipuno, at nakakatakot tingnan na lalaki ang kasama niya. Mas matangkad pa kay Tomas. Malapad ang balikat, matikas ang tindig at may pilat na cross sa kaliwang pisngi. Mahaba ang kanyang itim na buhok na nakatali sa likod at kahit may edad na siya, hindi maikakaila ang aura ng lakas at awtoridad sa kanya.

Ang mga tao sa paligid ay tila natahimik.

"Guild Master!?"

"Si Guild Master ba 'yon!?" "Ngayon ko lang ulit siya nakita!" "Totoo bang bumaba siya mula sa opisina niya!?"

Ang bulungan sa paligid ay tila alon nang takot at respeto.

'Guild Master!?'

"Guild Master, sya po ang tinutukoy ko na may kapangyarihan na nasa Witch Level" sabi ni Anne

"Hello there, young miss. I'm Flabio Scuvbėrg, Guild Master of Driknsv Guild," sabi niya. Ang boses niya ay malalim, matigas at puno ng karisma, parang isang heneral mula sa kasaysayan.

"A-Ahmm... I'm Laythildia Stella Vildåmorě. Nice to meet you," sabi ko habang pilit na ngumiti. Kinakabahan.

"Tama nga ang sinabi mo, Anne. Her body is possessing a strong mana... and it's incredible, considering how young she is," sabi niya habang titig na titig sa akin, kaya medyo nailang ako.

"You had a exceptional talents and powers, it's a waste kung papakawalan ka pa namin" dugtong niya pa habang may malaking ngiti sa labi.

'Ano bang sinasabi nila?'

"From now on, Laythildia Stella Vildåmorě, you are officially one of this guild's adventurers," masaya niyang sabi na may malakas at buo ang tinig.

Huh?... Napatigil ako sa gulat. Nakarinig ako ng mga palakpak mula sa paligid, kaya napatingin ako sa mga tao.

Pumapalakpak sila para sa akin!

Namula ang pisngi ko sa hiya. Napangiti ako na nauwi sa mahinang tawa dahil sa sayang nararamdaman.

'Now, my Goddess Lisha... my journey as an adventurer is truly about to begin. Thank you.'

I was Reincarnated in Another World with Absorb SkillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon