I promise to myself na hinding-hindi na ako magtatrabaho nang ikakapagod ko ng husto.
I promise that I will treat myself better.
I promise to myself that there will be no more regrets or pains.
I promise to myself that I will live a different life i...
Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa ginagawa kong store at inumpisahang ayusin ulit ito. Nang bandang hapon ay natapos ko na rin ang buong shop.
Ang first floor ay kompleto na sa kagamitan nito. Pagpasok pa lang ay bubungad agad ang malalaking wooden shelves sa magkabilang gilid ng shop, doon ko idi-display ang iba't ibang uri ng candies na naayon sa kanilang kulay at nakalagay sa transparent na garapon, nakaayos ayon sa flavor at uri—may sour, sweet, chewy, at chocolate-based. Sa gitnang bahagi naman ay may malawak na wooden table na balak kong lagyan nang mga iba't ibang uri ng tinapay katulad nalang nang loaf breads, muffins, cookies at pastries, bawat isa ay naka-display sa mga basket na may lace na tela sa ilalim para mukhang cozy at masarap tingnan.
Malapit sa counter ay may isang mini fridge display na lalagyagln ng cold drinks like soft drinks, fruit juice, at flavored milk, habang sa isang sulok naman ay isang standing freezer kung saan ilalagay ang mga ice cream tubs, popsicles at frozen snacks. May limang maliit na round table na may vase ng fresh flowers sa gitna ng area malapit sa pinto, para sa mga batang bibisita at gustong umupo habang kumakain ng candy o ice cream.
Ang mga dingding ay pininturahan ng pastel pink at sky blue na may mga decals ng candy swirl, cupcake, at cartoon lollipops, habang ang kisame ay may hanging decorations na gawa sa slime silk na parang ribbons na umiikot sa kisame na mas nakakadagdag saya sa atmosphere. May mga maliit na lantern lights na may porma ng candy cane at gumdrops na nag-iilaw sa gabi.
Sa labas naman, may bubong bago pumasok na gawa sa trapal na kulay sky blue and white. Ang harap ng store ay glass wall na gawa ni Sticky kaya kitang-kita ang mga paninda sa loob. Sa itaas ng first floor sa labas, naglagay ako ng dalawang basket na may bulaklak na nagpaganda sa lugar. Sa pinakagitna naman ng shop, nakalagay ang malaking sign kung saan makikita ang logo at pangalan ng shop.
"Stella Candy House", iyan ang ipinangalan ko sa bagong negosyo ko na nagmula sa ikala kong pangalan, Stella. May street light din sa may bandang kanan na nakatayo malapit sa daanan.
May isa pang pinto malapit sa counter ng shop kung saan makikita ang hagdan papuntang second floor. Nilagyan ko ito ng harang para walang makapunta roon maliban sa mga empleyado. Sa tapat ng hagdan ay isa pang pinto na siyang storage room kung saan ilalagay ang maraming paninda na nasa box pa.
Ang second floor naman ay mistulang bahay—may dalawang kwarto na may tig-isang banyo, isang office room, sala, at kusina.
Ang kulay ng store ay pink, sky blue, at ginto. Nakakaaliw ito sa mata ng mga bata, kaya ito ang pinili kong tema.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"This, this, ohh that looks nice—wait, this is my favorite! And that one too! This…"
Namimili na ako ng mga candies at iba pang ibebenta sa store and I WANT TO BUY EVERYTHING! Gosh. Kung dati hirap na hirap akong mamili ng pagkain kahit gustong-gusto ko silang bilhin dahil wala akong pera, ngayon, kahit may pera na ako, it's still hard to choose!