"It's Hunter Svaynew!" Napaawang na lang ang bibig ko sa dami ng mga halimaw na lumilipad papunta sa direksyon namin.
Nanlaki ang mata ko nang ma-realize kong nasa village kami. Oras na makalapit ang mga halimaw na 'to, tiyak na magdudulot sila ng gulo at takot sa buong bayan. Mabilis akong nag-isip ng maaaring gawin.
I need to think and act carefully, ani ko sa isip habang naghahanda na para sumugod sa mga halimaw na nasa himpapawid.
"We need to lure them away from the village!" sigaw ko sa kasama kong gulat na napatingin sa akin.
"I know, but you need to stay here, milady. It's dangerous," sabi niya sa akin.
"Guess you don’t know me that much, huh." Ngising sabi ko sabay angat pataas gamit ang wind elements. Hindi ako wind elementalist kaya kailangan ko pa itong tawagin at hiramin. Luckily, hindi ako ni-reject ng naturang elemento.
"I'll explain later!" I shouted "But for now, we need to protect the village and eliminate these monsters!" Mabilis akong lumipad papunta sa unahan ng mga halimaw. Nang nasa tapat ko na sila, binato ko ng bolang apoy ang nasa pinaka unahan at isang malakas na pagsabog ang sumunod.
Kita ko kung paano umilaw ang mga lalamunan nila. Ibig sabihin, galit na galit na sila at handa nang magbuga ng apoy.
"Ohh, nagalit ko yata kayo. Catch me if you want to kill and eat me!" Tumawa ako nang mapang-uyam.
And with that, I twisted midair and sped away from the village direction, taunting the beasts as they shrieked and launched flaming spheres in pursuit.
“Holy crap!” I hissed, dodging an infernal barrage. A fireball grazed my shoulder, almost singing my beautiful dress, but I twisted and spun just in time. Another massive fireblast roared from their leader that had different colors and bigger size–a molten wave that could’ve incinerated a house.
Close call. Kung hindi ko 'yon naiwasan, baka nagkalasog-lasog na ang aking magandang katawan.
Napangisi ako nang may dumaan na green lightning sa gilid ko at tumama sa mga halimaw. Sumunod ang tunog ng kuryente at mga sigaw ng nasasaktan. Nang lingunin ko kung saan nanggaling iyong kidlat, nakita ko si Adam sa paanan nang bundok, hingal na hingal na parang tinakbo ata ang pagitan nang village papunta sa direksyon kung saan ko sinabi na pumunta siya.
"Milady, are you okay?" nag-aalalang tanong niya nang makalapit ako sa kanya, still floating inches off the ground.
"Yes, still alive and flying. How about you?" Balik kong tanong habang nakatingin sa mga papalapit na halimaw.
"Just exhausted from running, but I’m okay," sagot niya habang humihinga nang malalim at pumwesto.
"Are you ready, Mister Adam?" tanong ko habang kinukumpas ang kamay sa ere. Biglang nag-form ang mga Ice Arrow na nakatutok na ngayon sa direksyon ng mga halimaw.
"Wow," ani niya, tila mangha.
"I don't take 'wow' for an answer," nakangiti kong sabi.
"I mean—yes! In your command, my lady!" Ngumisi siya sabay bunot ng espadang nasa tagiliran niya. Pinalibutan ito ng pulang apoy na may bahid ng orange. A fire and lightning manipulator, ani ko sa isip.
Mabilis kong nilagyan ng barrier ang katawan niya at in-activate ang fire resistance ng katawan ko. Nang saktong minulat ko ang mga mata ko ay ang pagsugod din ng mga Ice Arrow. Kasabay noon ay si Adam na mabilis ring sumugod, walang kahirap-hirap na hinihiwa ang mga halimaw na parang kahoy lang.
The Ice Arrows pierced their flesh and wings. As they fell, Adam slashed their heads off. Our movements were perfectly in sync.
Patuloy pa rin ang paglabas ng mga Ice Arrow sa paligid. Ito ang kapangyarihang ginamit ko tatlong linggo matapos akong ma-reincarnate at unang makasalubong ang mga Hunter Svaynew sa kagubatan. Kaya alam kona na ice is their weakness. Pwede ring water element, pero dahil nasa bundok kami, halos walang tubig maliban sa kaunting nahalong nasa hangin na ginagamit ko ngayon sa Ice magic ko.

BINABASA MO ANG
I was Reincarnated in Another World with Absorb Skills
AdventureI promise to myself na hinding-hindi na ako magtatrabaho nang ikakapagod ko ng husto. I promise that I will treat myself better. I promise to myself that there will be no more regrets or pains. I promise to myself that I will live a different life i...