Chapter 35- Strange Yet Familiar

3.5K 109 9
                                        

The capital is different from the village I used to live in. Kung sa Bëloniå, kapag hapon na ay nagsasara na ang mga tindahan at kunti na lang ang tao sa labas, dito naman sa kapitalya ay kabaligtaran.

Napangiti ako habang dumadaan kami sa isang makulay at maingay na store kung saan maraming bata ang nagtatawanan—naglalaro, kumakain ng matatamis, at tila ba walang pakialam sa mundo. The streets buzzed with life—vendors shouting their sales, travelers talking animatedly, street performers playing music. It felt... alive.

It feels like the last scene I saw before getting killed in my past life.

Haha, how strange yet familiar.

Finally, our carriage reached its destination. Unang bumaba si Adam at inabot sa akin ang kanyang kamay upang alalayan ako sa pagbaba habang nakasunod saakin si Agatha, na inalalayan din ng isang maginoong lalaki. Huling bumaba si Ellias, hawak pa rin ang librong matagal na niyang binabasa buong biyahe.

Napatingala ako sa gusaling nasa harapan ko at halos malaglag ang panga sa pagkabigla’t paghanga.

"So this is the palace..." wala sa sariling sambit ko.

First time kong makakita ng palasyo in person dahil sa movies ko lang ito napapanood. Isa ‘to sa mga pangarap ko noon, ang makapunta ng Spain para makita ang kastilyo. But sadly, I died. But now, it’s finally in front of me—real and magnificent. I’m so, so, so happy.

"Milady, shall we?" tanong ni Adam habang nakangiti. Agad ko siyang sinuklian ng malaking ngiti.

"Yes!" masiglang tugon ko.

"Hindi halatang excited ka ahh," natatawang biro niya, dahilan ng paghagikhik ko.

Of course, who wouldn’t be? Real-life palace and real-life royalties ang imi-meet namin. Hindi ba’t nakakakaba at nakaka-excite?

Naglakad kaming apat papunta sa napakataas na hagdan kung saan naroon ang engrandeng pinto ng palasyo. Doon ay sinalubong kami ng ilang kawal na agad sumaludo pagkakita pa lang kay Adam, ang bisi-kapitan ng Royal Guard at kay Ellias, ang tagapagmana ng Dukedom ng Floûman.

Pinalabas sa akin ni Adam ang assassin na nasa storage box ko at ibinigay niya ito sa mga kawal na mabilis namang dinala kung saan man nila ito iimbestigahan.

Pagkapasok namin sa loob ng palasyo, mas lalo akong namangha. Parang panaginip. Ang kisame ay may intricate paintings na tila gawa ng isang hari ng sining. Sa gilid ng hall ay may mga vases na nilagyan ng sapphire stones, at ang chandelier sa gitna ng kisame ay kumikislap sa bawat galaw, puno ng ginto at diamante. Gold was everywhere—lining the banisters, edges of paintings, curtain trims—balanced with rich reds that made the entire palace feel royal and alive.

Sa bawat sulok ay may aristocrats. May mga tumitingin sa paintings habang nagpapalitan ng opinyon, may grupo sa sala na nag-uusap tungkol sa politika habang umiinom ng tsaa. Sa isang banda naman, may mga babae na halos kasing edad ko lang pataas, na nagtsitsismisan tungkol sa lalaking gusto nila at sa mga latest trends. Ang ilan ay tumitili pa sa kilig.

Hayst... I don’t know if I should be thankful for having these ears that can hear everything in one place or not.

Kaagad akong nailang nang magsimulang magbulungan ang ilan habang nakatingin sa amin. Nakuha agad nang dalawang lalaki ang atensyon ng halos lahat, lalo na ng mga babae.

"Isn't that Marquess Dirus, the vice-captain of the Royal Guard?"

"Ohmy...! Lord Ellias is damn handsome!"

"Do I look pretty? Do I look presentable!?"

"That's the young grandchild of the famous Madam Clarita, right?"

I was Reincarnated in Another World with Absorb SkillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon