Tomorrow marks my first week here in Beloniå, and throughout those days, I’ve been nothing but happy. I’ve learned so much and met incredible people—warm, kind, and genuine. I wish I could live like this every day, surrounded by those I now call friends.
But as they say… happy moments never last.Tanghali na nang makabalik ako mula sa trabaho ko. My job today was to collect barbisyal flowers, isang halamang gamot na mabisang panlunas sa ubo. Madali lang ang trabahong ito para sa akin kaya mabilis ko rin itong natapos. Naalala ko pa na may kailangan pa pala akong gawin kaya nagmadali akong bumalik. Pagkahatid ko ng mga bulaklak at natanggap ang bayad mula sa guild, agad akong bumalik sa inn, may ngiti sa labi.
Pero agad iyong nawala.
Dahil sa dining hall pa lang, naabutan ko na sina Nanay Linda, yung babaeng unang kumausap sa akin noong unang araw ko sa inn at ang walong trabahador ng Luna Inn, lahat sila’y tila binagsakan ng langit at lupa. Tahimik. Mabigat ang hangin. Parang may bumagsak na balita na hindi nila matanggap. The atmosphere is heavy... and sad.
What happened?
“Uhmm… Nanay Linda, ano pong nangyayari?” dahan-dahan kong tanong habang papalapit. Ilang staff ang pilit na ngumiti sa akin, pero bakas ang lungkot sa mga mata nilang may kirot at hindi umabot ang ngiti sa kanilang mga mata.
Something’s wrong. Definitely.
“Oh Lily, nakabalik ka na pala,” sagot ni Nanay Linda. Sinubukan niyang ngumiti, pero nanginginig ang kanyang labi at saglit lang iyon bago bumalik ang lungkot sa kaniyang mukha.
“Kung may problema po kayo, Nay, makikinig ako” malambing kong sabi sabay upo sa tabi niya.
“Salamat, Lily, ha…” mahina niyang sagot habang hinahaplos ang buhok ko. Nginitian ko siya at tahimik na naghintay. Napabuntong-hininga siya bago tuluyang nagsalita.
“Sa totoo lang, Lily… sa makalawa, gigibain na itong Luna Inn.”
Parang may kumalabog sa dibdib ko.
Wait... what?“Kanina lang umaga, pumunta dito si Baron Francis. Sinabi niyang kung hindi pa rin mababayaran ang utang nang may-ari ng inn, kailangan na raw itong gibain. May isang merchant daw kasi na gustong bilhin ang lupa para pagtayuan ng negosyo. At kahit daw gusto ng Baron na pigilan ito, wala siyang magawa dahil may koneksyon daw sa mga matataas na opisyal ang merchant na iyon. Ang rason daw ng merchant ay palubog na sa utang ang inn, kaya siya na lang daw ang bibili. At doble pa ang alok niyang presyo.”
Hindi ako makapaniwala.
Baron Francis? I know him, he’s kind and just person. The people of Beloniå loves him. He wouldn’t agree to this unless he had no choice.
Maraming nagbabalak na bumili ng Inn dahil maganda kasi ang lokasyon nito, malapit sa palengke at katapat lang nang labasan ng village, kung baga ay ito ang sentro ng Beloniå. Malawak din ang lupain nito na hindi nagagamit dahil maliit lang ang inn. Kaya siguro ganito na lang kagustuhang makuha ito ng merchant na iyon.
“Ano pong sabi ng may-ari?” tanong ko matapos ang mahabang katahimikan.
“Humingi na lang siya ng paumanhin. Sa Baron… at sa amin. Wala na raw siyang ibang pagpipilian. Ang natitira raw nilang kayamanan ay nakalaan na sa pagpapagamot nang anak niya,” sagot ni Rose, ang tagatanggap ng bisita.
“Pero Nay, hindi pwedeng mawala ang inn na ’to!” halos sigaw kong tugon. “Ito lang ang nagiisang tuluyan ng mga manlalakbay at turista dito sa village!”
“Sinabi rin namin ’yan sa Baron,” sabat ni Kuya Alfredo, ang taga-serbisyo ng pagkain, “pero sabi niya, gagawa na lang daw siya ng paraan. Baka raw siya na lang ang magpatayo ng bagong inn. Pero…”
“Pero matatagalan pa raw ’yon…” dugtong ni Nanay Linda, halos pabulong. Tumahimik na naman ang paligid. Tila nagluluksa ang buong dining hall.
“Magkano po ba ang utang ng Luna Inn?” tanong ko, may kaba sa dibdib pero puno ng determinasyon.
Nagtinginan sila sa isa’t isa. Maya-maya, nagsitanguan.
“Malaki, Lily. Sa tantiya ko… nasa 80 gold coins ang lahat-lahat,” sabi ni Rose, malungkot ang tinig.
Tumango-tango ako. Tahimik. Pero sa loob ko ay may ideya nang nabubuo.
Hindi pwedeng matapos ang lahat dito.
“So… kung makakabayad tayo, hindi nila gigibain ang inn, tama?”
“Tama,” sabay-sabay nilang sagot. Lahat sila'y nakatitig sa akin, may halong pag-tataka at pag-aalinlangan. Ngunit may makikitang kaunting pag-asa.
Napangiti ako. Isang ngiting puno ng determinasyon.
“Then… let’s pay them,” mariin kong sabi at tila kumislap ang aking mga mata dahil sa determinasyong aking nararamdaman.

BINABASA MO ANG
I was Reincarnated in Another World with Absorb Skills
AdventureI promise to myself na hinding-hindi na ako magtatrabaho nang ikakapagod ko ng husto. I promise that I will treat myself better. I promise to myself that there will be no more regrets or pains. I promise to myself that I will live a different life i...