Chapter 9- First job

4.5K 127 0
                                        

Kinaumagahan ay kinuha ko na ang aking card na nagpapatunay na isa na akong ganap na adventurer. Ngingiti-ngiti ko itong tinitigan. Nakalagay din dito ang aking picture saka mga impormasyon.

Adventurer's Information:

Name: Laytildia Stella Vildåmorě
Age: 16
Magic Attributes: Water, Fire, Earth, Beast Tamer
Level: 36
Rank: 7th (Witch Level)
Adventurer Rank: F

Ang Rank F ay pangalawa sa mababang rank dito sa guild. Kahit gaano pa kalakas ang isang tao, kailangan pa ring dumaan mula Rank G pataas kapag magre-register bilang adventurer, depende sa resulta ng test. Ayon kay Anne, may walong ranking dito-S Rank ang pinakamataas at G Rank ang pinakamababa. Pero dahil sa magandang performance na nakuha ko kahapon, umusad agad ako sa Rank F. But it still feels like I'm cheating though...

"Salamat Anne, una na ako," pagpapaalam ko sa kanya, dahil pupuntahan ko pa si Tomas para kunin ang mga karne na pinakatay ko sa kanya.

"What is this?!" nakanganga kong sabi habang nakatingin sa limang brown na maliliit na bag na puno ng coins na nasa lamesa.

"Iyan ang bayad namin sa'yo para sa ibang parte ng katawan ng mga monster na pinakatay mo. Kung hindi mo alam, mga high-class ang ibang parte ng katawan nitong mga monster na siyang pwedeng gawing potion, damit at sandata," pagpapaliwanag niya.

"So I think the 157 gold coins, 194 silver, and 145 copper coins is considered the right price," tatango-tango niyang sabi.

Mas lalo akong napamaang nang marinig kung magkano lahat-lahat itong nasa harap ko.

"I'm rich," naibulong ko na lang.

"And here's your meats," sabi ni Tomas. Napatingin ako sa gawi niya at napangiti dahil sa dami ng mga ito at ganda ng pagkakahiwa.

"It's free, by the way. Since unang pagkakataon kitang naging costumer but next time, hindi na libre ha," nakangiting sabi niya, na ikinangiti ko rin.

"Thank you, Tomas!" malambing kong sabi, na ikinangiti niya ng malaki. I guess my cuteness works on him, kekeke.

Inilagay ko lahat ng karne sa box storage ko pati na rin ang limang supot ng pera. Magkahiwalay 'yun kasi nakokontrol ko naman ang loob nito. Bale, madaming dimension ito at lima pa lang ang nagagamit ko, isa para sa mga karne, isa sa pera, isa sa mga gamit ko, isa para sa kitchen equipment, at isa para sa mga familiar ko na slimes. Nandoon muna sila pansamantala at nilalabas ko lang kapag kailangan.

Nagpaalam na ako kay Tomas at nagtungo na sa trabaho. Ang gagawin ko ngayon ay maglinis ng isang gusali na lilipatan ng bagong residente. Since mababa pa lang ang rank ko, ganitong klaseng trabaho pa lang ang pwede kong kunin dahil hindi pa ako pwede sa delikadong missions.

I'm excited! usal ko sa isip at naglakad na.

Pagdating ko ay nakita ko na nandoon na ang bagong may-ari, isang lalaki at babae na sa tingin ko ay nasa 20s pa lang. Mag-asawa siguro. Mabilis ko silang nilapitan at nagpakilala.

"Hello, magandang araw po. Pwede niyo po akong tawaging Lily at ako po ang tutulong sa inyo ngayon," nakangiti at magalang kong sabi, na ikinangiti nila.

"Ako naman si Ernesto, at ito naman si Angela, ang aking asawa. Salamat at kinuha mo ang trabahong 'to," nakangiting sabi ni Kuya Ernesto.

"What a lovely lady you are," kinang-kinang ang mata ni Ate Angela habang nakatingin sa akin, na ikinangiti ko ng malaki. My charm really doesn't disappoint me.

"Napakaganda mong bata, walang magaakala na isa kang adventurer sa itsura mong yan" masyadong malambing ang boses ni Ate Angela kaya hindi ako nape-pressure makipag-usap dito.

"Hehehe, thank you po. Actually mahirap pong pagsabayin ang pagiging maganda at trabaho kaya masyado akong namomroblema." Biro kong sabi dito na ikinatawa namin pareho.

Sabay kaming tumingin sa bahay na lilinisan namin at napangiti. It's going to be tiring, but I'll make sure to enjoy it.

The house only has a 1st floor pero malawak ito-may apat na bedroom at limang CR, family-sized living room, at kitchen. Sira-sira na ang mga gamit pati ang bubong kaya kailangan nang palitan. Sobrang kalat din. Actually, it looked like a haunted house sa dilim at gulo.

But I have slimes and powers I could use. Kumpleto na rin ang mga materyales na nabili nila kaya magiging madali ito.

Sa mga kalat, inatasan ko doon ang mga Cleaner Slimes, pati na ang Garbage Slimes na literal na kumakain nang basura. Katulong nila si Angela, pero pinagbawalan siyang magbuhat ng mabibigat ni Kuya Ernesto dahil nalaman kong nagdadalang-tao siya. Kaya naglabas ako ng tatlong Healer Slimes na nakaalalay in case na may masamang mangyari sa kanya.

"Ate Angela, bawal ka magbuhat baka mapaano ang bata sa sinapupunan mo. Hayaan mo na yan sa mga slimes d'yan." Mabilis na sabi ko dito ng mahagip siya ng paningin ko na buhat-buhat ang dalawang kahoy na malalaki, mas malaki pa sa kanya.

"Aww...thank you Lily, ang sweet mo naman" Kinikilig na sabi nito at walang hirap na ibinato ang mga kahoy na hawak-hawak niya.

I also learned na dati palang adventurer ang mag-asawa at mataas din ang ranggo ng mga ito. Pero dahil bagong kasal pa lang sila at magkakaroon na ng pamilya ay kaagad silang tumigil at dito napagpasyahang magsimula ng bagong buhay.

Pagkatapos siyang pagsabihan muli ni kuya Ernesto ay inumpisahan ko na ang pag-alis ng lumang bubong gamit ang Acid Slimes. Lahat ng kainin nila, bakal man o kahoy, ay natutunaw na parang tubig kaya hindi ko na kailangang buhatin.

They sure are helpful and enjoying themselves, nangingiti kong tinitigan ang mga slimes na masayang nagtatrabaho. Nang matapos alisin ang lumang bubong, inilagay na namin ang bago. Katulong si Kuya Ernesto at ang mga Metal Slimes na siyang bahala sa pagkakabit. Mabilis itong natapos dahil tinulungan na rin namin sila sa pagpapako.

"Grabe ang bilis matapos, parang may magic... ay wait, may magic nga talaga!" Hangang sabi nito habang nakatingala sa bubong na kakatapos lang naming palitan at ayusin.

Napatawa nalang ako, "Literal na magic, kuya Ernesto."

The Cleaner and Garbage Slimes did a really good job dahil maaliwalas na ang paligid. Napinturahan na rin ito ng napili nilang kulay gamit ang Cleaner Slimes. Napalitan na rin ang mga sirang bintana at pinto. Bukas ay pwede na silang maglipat nang mga gamit.

Palubog na ang araw nang matapos kami sa paggawa ng bahay. Nakita ko ang tuwa ng mag-asawa na siyang ikinatuwa ko rin.

"Ang ganda ng kinalabasan ng ating bahay!" Tuwang tuwa na sabi ni ate Angela at hinawakan ako nito sa magkabilang kamay.

"We couldn't have done it without you, Lily!" Sobrang laki ng ngiti nito habang nakatingin saakin na siyang ikinahawa ko rin.

"See you tomorrow, Lily," paalam nila sa akin bago kami naghiwalay ng landas. Bukas ay maglilipat na kami ng mga gamit at matatapos na rin ang trabaho ko sa kanila.

"Have a good night," kumakaway kong paalam, saka naglakad na patungo sa inn.

I looked at the orange sky and smiled.

"What a tiring day," nakangiti kong sabi.

'Thank you for another day, my Goddess,' usal ko sa isip at pinagpatuloy na ang paglalakad patungo sa aking pagpapahingahan.

I was Reincarnated in Another World with Absorb SkillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon